00:00Samantala, nagsagutan sa social media mga opisyal ng Chinese Embassy at Philippine Coast Guard
00:05patungkol sa paglalayag kamakailan ng isang Chinese research vessel sa karagatang sakop ng Cagayan.
00:13Samantala, narescue naman ng U.S. Navy ang tatlong mangiis ng Pinoy na ilang araw nang nastranded sa West Philippine Sea.
00:20Ang detalya mula kay Patrick De Jesus.
00:22Naka-uwi na ang tatlong mangiis ng Pinoy na sinagip ng crew ng U.S. Naval Ship Cesar Chavez.
00:32Nakita sila noong Enero Auno, 50 nautical miles mula sa baybayin ng Bolinaw, Pangasinana.
00:38Sakay ng kanilang nagka-aberiyan na bangka dahil sa engine trouble bunsod ng malakas na alon kung saan halos apat na araw silang nastranded.
00:46Kaagad na ipinagbigay alam sa mga opisyal sa Pilipinas ang lagay ng mga maamisda matapos silang pansamantalang manatili sa U.S. and S. Cesar Chavez
00:57na nagsasagawa ng logistics and resupply missions bilang pagsuporta sa U.S. 7th Fleet.
01:03Nitong biyernes na inihatid sila pabalik sa Infanta Pangasinana sa tulong naman ng Philippine Coast Guard
01:10na nagpasalamat sa mga tauhan ng U.S. and S. Cesar Chavez dahil sa kanilang ipinaabot na humanitarian assistance sa ating mga kababayan.
01:21Samantala, may naging buwelta si PCG spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore J. Tariela,
01:28sa naging pahayag ng Chinese Embassy patungkol sa namonito na Tansu Airhouse Chinese Research Vessel
01:35sa karagatang sakop ng Cagayan Province.
01:38Inihalintulad kasi ito ng Deputy Spokesperson ng Embahada ng China sa pagdaan sa pampublikong highway
01:45at hindi anya may tuturing na trespassing dahil bahagi ng International Passage ang Luzon Strait.
01:53Sagot naman dito ni Tariela,
01:55ang pag-deploy ng PCG ng isang Islander aircraft para magsagawa ng Maritime Domain Awareness Flight
02:01ay alinsunod sa UNCLOS at domestic laws ng Pilipinas
02:06para bantayan ang aktibidad ng natural Chinese research vessel
02:10at igiit ang soberanya ng bansa sa loob ng ating exclusive economic zone.
02:16May tuturing din anya na hindi makatotohanan ang pagbanggit ng China sa UNCLOS
02:22dahil sila mismo ang lumalabag sa mga probisyon nito para ang kininang buong South China Sea
02:28hamang hindi rin may kakaila ang pagsasagawa ng marine scientific research
02:33ng mga Chinese vessels kahit sa EEZ ng iba pang mga bansa.
02:39Sa pinakawaling monitoring ng PCG noong December 31,
02:43lumayo na ng 291 nautical miles mula Isabela ang nadetect na Chinese research vessel
02:49pero bago nito ay lumapit ito ng 19 nautical miles mula sa Santa Ana, Cagayan
02:56at wala naging sagot sa radio challenges ng PCG.
03:00Binatikos naman ang ilang civic group ang tila pagsuporta ng ilan
03:05sa mga maling naratibo na ipinakakalat ng China sa West Philippine Sea.
03:10Ayon kay Dr. Jose Antonio Goytia ng Alianza ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya,
03:18ang paninindigan ngayon ng pamahalaan sa soberanya ng bansa ay may sapat na basihan.
03:23Anya, bahagi ng seryosong pamahala ang pagtutol sa mga maling impormasyon
03:29kung saan ang karapatan ng Pilipinas ay kinikilala ng kasaysayan at pandaigdigang batas.
03:36Patrick De Jesus para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments