00:00Sa iba pang balita, efektibo ngayong araw ang pagbabawal sa mga e-trike at e-bike na dumaan sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.
00:08Papatawan ng multa ang mga lalabag.
00:10Balita natin di Bea Pinlac.
00:15Simula ngayong araw, bawal ng dumaan sa mga major highways sa Metro Manila ang mga e-trike.
00:21Kabilang dyan ang EDSA, C5 Road, Rojas Boulevard at SLEX mula Quirino Avenue hanggang Magallanes.
00:29Magtatalaga raw ng enforcer ang LTO sa mga daan para matiyak na ipinatutupad ang patakarang ito.
00:35Pero sa Rojas Boulevard ngayong umaga, may ilang e-trike na nakakadaan pa rin at hindi nasisita.
00:42Ayon sa LTO, para ito sa kaligtasan ng lahat sa kalsada.
00:46Delikado at hindi raw kasi angkop na makipagsabayan ang mga e-trike sa bilis at dami na mga sasakyan sa mga pangunahing kalsada.
00:54Sang-ayo naman dito ang ilang nakausap natin na nagmamaneho ng e-trike.
00:58Delikado, delikado.
01:00Kasi matutuloy yung mga Corwin.
01:02Hindi kagaya na ito kasi tapos yung mga pasero, delikado rin.
01:07Lalo iba, walang lisensya. Maraming nag-drive kasi walang lisensya nito.
01:11Mga lalo yung mga bata.
01:12Di ba akong mabiyayo rin? Kaya di mo nakapektado.
01:15Pero para sa iba, mahirap tumalima rito.
01:18Lalo na't gamit nila sa hanap buhay ang e-trike.
01:20Hindi po papayag. Magugutong pamilya ko po, boss.
01:24Oo, boss. Malaking kabawasan po sa amin yan.
01:26Saan ba tayo kukuha ng panggasos, boss? Dito lang.
01:29Pag may huli, hindi iwasan na lang pag gano'n.
01:32Lalo naman tayo magagawa eh.
01:34Bati-infohan tayo, wala.
01:36Ang mga mahuhuling lalabag,
01:38pagmumultahin o kaya naman i-impound ang kanilang e-trike.
01:42Pero sa ngayon, hinihintay pa ang mas komprehensibong joint guidelines
01:46mula sa DOTR at iba pang kaukulang ahensya.
01:50Handa naman daw makipag-ugnaya ng LTO sa mga LGU at transport sector
01:54para bumuunang rutang ligtas at angkop para sa mga e-trike.
01:59Bea Pinlak, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments