- 2 hours ago
-Bagong Taon, masaya at maingay na sinalubong sa Tondo; may ilang namataang gumamit ng ilegal na paputok/Ilang kalsada, napuno ng mga kalat kasunod ng selebrasyon ng Bagong Taon/Mahigit 60, naitalang firework-related injuries sa Tondo Medical Center ngayong salubong 2026
-3 menor de edad, patay nang malunod sa Moroboro Dam
-Mga naglalakihang paputok kabilang ang isang tinaguriang "Mega Bomb," nakumpiska
-Isang hinihinalang biktima ng ligaw na bala, isinugod sa East Ave. Medical Center/Bilang ng biktima ng paputok ngayong taon sa East Ave. Medical Center, mas mababa kaysa noong 2025
-Makulimlim ang panahon sa Boracay ngayong unang araw ng 2026/Libo-libo, namangha sa fireworks display nitong New Year's Eve; mga bakasyunista, sinusulit ang pananatili sa Boracay
-PCG: Chinese Research vessel, namataan malapit sa Cagayan; ni-radio challenge pero hindi tumugon
-MPD: Patuloy pang kumakalap ng impormasyon kaugnay sa malakas na pagsabog sa Tondo/MPD: 3 lalaki, arestado dahil sa indiscriminate firing
-Ilang pamilya, piniling ipagdiwang ang Bagong Taon sa Quezon Memorial Circle
-DOH: Kaso ng firework-related injuries, umakyat sa 235 (as of 4am, January 1); mas kaunti kaysa noong Salubong 2025
-Ilang Kapuso stars, nag-celebrate ng New Year kasama ang family
-#AnsabeMo na gusto mong magbago ngayong 2026?
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-3 menor de edad, patay nang malunod sa Moroboro Dam
-Mga naglalakihang paputok kabilang ang isang tinaguriang "Mega Bomb," nakumpiska
-Isang hinihinalang biktima ng ligaw na bala, isinugod sa East Ave. Medical Center/Bilang ng biktima ng paputok ngayong taon sa East Ave. Medical Center, mas mababa kaysa noong 2025
-Makulimlim ang panahon sa Boracay ngayong unang araw ng 2026/Libo-libo, namangha sa fireworks display nitong New Year's Eve; mga bakasyunista, sinusulit ang pananatili sa Boracay
-PCG: Chinese Research vessel, namataan malapit sa Cagayan; ni-radio challenge pero hindi tumugon
-MPD: Patuloy pang kumakalap ng impormasyon kaugnay sa malakas na pagsabog sa Tondo/MPD: 3 lalaki, arestado dahil sa indiscriminate firing
-Ilang pamilya, piniling ipagdiwang ang Bagong Taon sa Quezon Memorial Circle
-DOH: Kaso ng firework-related injuries, umakyat sa 235 (as of 4am, January 1); mas kaunti kaysa noong Salubong 2025
-Ilang Kapuso stars, nag-celebrate ng New Year kasama ang family
-#AnsabeMo na gusto mong magbago ngayong 2026?
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Sa kabila ng paulit-ulit na paalala ng mga otoridad,
00:03may ilan pa rin nahulikan na gumamit ng iligal na paputok sa Maynila.
00:07Kasunod naman ang putukan, tumambad ang mga kalat sa kalsada.
00:10Balit ang hatid ni Jomera Presto.
00:19Ganyan kasaya sinalubong ng mga tagatondo sa Maynila ang bagong taon.
00:23Bawat kanto may kanya-kanyang latag para ma-enjoy ang New Year.
00:27Tulad sa bahaging ito ng Yuseco Street kung saan napahataw pa sa street ang dalawang senior citizen.
00:33Gayun din ang magkakaibigan na yan.
00:37At sa kabila ng paalala ng Manila LGU, may ilan pa rin na gumamit ng mga iligal na paputok.
00:45Tulad ng crying caunaya na pinaputok sa open court ng Masangkay.
00:49Meron din malalaking paputok na sinindihan sa iba't ibang bahagi ng kalsada ilang oras bago pa ang salubong sa bagong taon.
00:57Sa bahaging ito ng Solis, may kita na binato na lang ng chinelas ang paputok na yan na hindi nagtuloy.
01:05Ang resulta ng pagpapaputok, nabalot ng usok ang tondo.
01:09Bakas din sa mga kalsada ang mga naiwang mga kalat.
01:12Ang lalaking ito, sako-sakong balat ng paputok agad ang nawalis pagkatapos ng pagsalubong sa bagong taon.
01:18May ilang bahagi naman na sumunod pa rin sa paalala ng lokal na pamahalaan.
01:22Tulad sa barangay na ito kung saan namigay ng mga torotot at aginaldo sa mga bata ang ilang opisyal ng barangay 361.
01:30Kasunod ng kasiyahan sa pagsalubong sa bagong taon, dumami ang bilang ng mga pasyenteng naputokan sa Maynila.
01:36Sa Tondo Medical Center, kita ang dami ng mga pasyente sa Blast Case ER.
01:40Ilan sa kanila, pawang mga bata na nasa dalawa hanggang apat na taong gulang.
01:45Ayon sa mga doktor, umakit na sa anim na po ang bilang ng firework-related injuries dito.
01:50May git-apat na po ang nadagdag dyan mula sa datos kahapon ng umaga.
01:55May higitan na nito ang bilang ng mga kaso noong nakarang taon na nasa anim na po lang mula December 21 hanggang January 6, 2025.
02:03Ayon pa sa mga doktor, dalawa sa mga bagong pasyente ay kailangang tanggalan ang bahagi ng kamay at paa matapos maputokan ng fill box at kingkong.
02:12Nakakita din kami ngayon ng limang injury sa mata.
02:16So may mga naputokan sa mata, natalsikan ng mga pailaw, may mga burns na superficial, tapos meron din sa muka, meron sa mga katawan.
02:25Ayon pa sa kanila, karamihan sa mga victimite ay tinatawag na passive patient o yung mga nadamay lang sa paputok.
02:32Una nang sinabi ng Tondomed na posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga ito hanggang matapos ang unang linggo ng Enero.
02:38Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:44Ito ang GMA Regional TV News.
02:49Balita sa Visayas at Windanao mula sa GMA Regional TV.
02:52Patay ng maluno ng tatlong minority edad sa Dingla, Iloilo.
02:56Sara, ano daw yung nangyari?
03:01Rafi Naligo sa Moroboro Dam ang magkakaibigan ng madulas ang isa sa kanila.
03:06Kwento na isa sa mga nakaligtas, tumalon siya at tatlong iba pa para subukang iligtas ang kaibigan nilang nadulas.
03:14Malakas daw ang agos ng tubig noon at dalawa lang silang nakaligtas.
03:19Na-recover ang katawan ng nadulas na binatilyo at isa sa mga tumalon kinahaponan.
03:24Kinabukasan naman na hanap ang katawan ng isa pang nasawi.
03:28Mga naglalaki ang paputok ang nasamsam ng mga otoridad sa Catania, Italy.
03:40Abot sa mahigit 200 kilo ang mga nakumpiska kabilang ang isang paputok na may bigat na halos 12 kilo.
03:47Na ayon sa mga pulis ay matatawag na mega bomb.
03:50Nadiskubre ang mga yan sa isang sinitang van.
03:52Tatlong lalaki ang arestado.
03:54Paliwanag nila gagamitin ang mga nasabing paputok sa isang pribadong New Year's Eve celebration.
04:00Gigit ng pulisya, masyadong mataas ang dami ng pulbura ng mga nakumpiskang paputok.
04:05Ang nasabing operasyon ay bahagi ng kampanya ng gobyerno kontra sa ipinagbabawal na paputok.
04:12Isang hinihinalang biktima ng ligaw na balang iniimbestigan ngayon sa East Avenue Medical Center.
04:17At may ulat on the spot si Maki Pulido.
04:20Maki?
04:20Isang nga Rafi yung suspected stray bullet victim na itinakbo dito kagabi sa East Avenue Medical Center.
04:31Suspected pa lang ito ha Rafi.
04:33Kailangan pa raw imbesigahan ng mga pulis kung siya nga ay biktima ng ligaw na bala.
04:38Ngayon kung ikukumpara naman natin,
04:40mula sa monitoring period ng DOH noong nakaraang taon,
04:44malaki na ang ibinaba ng bilang ng fireworks-related injury at least sa ospital na ito.
04:50Ngayong taon, as of January 1, 8am, may naitalang 14 cases sa nakaraang bisperas.
04:56Nasa 38 cases yan.
04:57Pinakamalala yung naputulan ng bahagi ng daliri.
05:01Passive victims ang mga itinakbo sa ospital.
05:04O mga nanonood lamang ng paputok pero na biktima.
05:08Quitis at whistle bomb ang kalimitang dahilan kaya sila nasaktan.
05:12Maaari pa raw tumaas ang bilang na ito dahil may mga nagpapaputok pa rin.
05:17May mga late din na magpatingin sa doktor.
05:20Kaya ang payo ng East Avenue Medical Center,
05:23kung sakali mang nasaktan ng paputok,
05:25ipakita agad ang kanilang injury.
05:27Kasi dirty wound ito kung may tuturing,
05:30kaya baka kailangan nila ng anti-tetanus prophylaxis.
05:34So kung ikukumpara naman yung bilang ng mga biktima ng paputok,
05:39mas mataas yung bilang ng mga naaksidente
05:42dahil sa pagmamaneho ng lasing.
05:4438 cases ang naitalang vehicular accident dahil dito.
05:49Nakikiusap rin ang mga doktor dito sa East Avenue Medical Center
05:53na huwag nang magpaputok dahil baka masali ka pa sa listahan ng mga biktima.
05:58Maliban dyan, dagdag ito sa polusyon na kawawa naman yung mga merong mga asma.
06:04Rafi?
06:06Maraming salamat, Maki Pulido.
06:10Mga kulimlim ngayon sa Boracay matapos ang New Year's Eve celebration doon.
06:14Sa kabila niyan, sinusulit na mga bakasyonista
06:16ang pananatili nila sa World Famous Beach.
06:19May ulat on the spot si Kim Salinas ng GNA Regional TV.
06:23Kim?
06:24Yes, Rafi, makalipas nga iyong masayang selebrasyon.
06:32Maulan na panahon naman yung sumalubong sa mga turista dito sa isla ng Boracay
06:37sa unang araw ng 2026.
06:41Pasado ala sa East, kaninang umaga ay halos wala pang tao sa beachfront sa isla ng Boracay
06:46dahil na rin sa pagbuhos ng ulan.
06:48Humupa ito makalipas sa ilang oras kaya unti-unti nang pumupunta sa beachfront
06:53ang mga turista.
06:55Sa kabila na makulimlim na panahon, may ilang turistang pinili pa rin magtampisaw sa tubig.
07:00Tuloy rin ang island hopping activities.
07:03Kung ang iba, beachfront ang destinasyon,
07:05yung iba naman sa simbahan nagpunta upang manalangin.
07:09Libo-libong tao naman ang umabang sa ingranding fireworks display sa isla sa New Year's Countdown.
07:15Hindi sila nabigo na ang nasaksiyan na ang makulay at world-class na fireworks.
07:20Mayatmayang napapawaw ang mga turista habang nanonood sa fireworks display na tumagal ng 15 minuto.
07:28Ang display ay hinangaan rin ng mga first-timers sa Boracay.
07:32Nagpatuloy naman ang kasiyahan pagkatapos ng fireworks display.
07:35Ilan sa mga in-enjoy ng mga turista ay ang beach parties at fire dance performances.
07:41Raffi, sa ngayon ay maganda na yung panahon dito sa isla ng Boracay
07:47at umaasa yung mga turista dito na magtuloy-tuloy na ito
07:51upang ma-enjoy naman nila ng gusto yung New Year experience dito sa Boracay.
07:58Raffi, mga kapuso, Happy New Year!
08:01Maraming salamat at Happy New Year!
08:03Kim Salinas ng GMA Regional TV.
08:05Ni Radio Challenge ng Philippine Coast Guard ang presensya ng isang research vessel ng China
08:12malapit sa Cagayan.
08:15Ayon sa PCG na monitor ang Chinese vessel na nasa 19 nautical miles
08:20mula sa baybayin ng Cagayan nitong December 30.
08:23Kasunod nito ay nag-deploy ang Coast Guard ng isang aircraft
08:26para sa pag-challenge sa Chinese vessel.
08:29Dahil sa pagsasagawa ng research doon ng walang pahintulot ng gobyerno ng Pilipinas,
08:33ilang beses daw itong niradyo ng Pilipinas pero hindi sumagot ang barko ng China.
08:38Wala pang payag ang China, kaugnay rito.
08:44May ilang inaresto ang Manila Police District dahil sa pagpapotok ng baril
08:47sa pagsalubong sa bagong taon.
08:50Kuha rin tayo ng updates sa nangyaring pagsabog sa tondo sa Maynila kanilang madaling araw.
08:54Mayulat on the spot si Ian Cruz.
08:57Ian?
08:57Ian?
08:57Yes, Rafi, sa mga sandaling ito ay patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naganap nga na pagsabog.
09:07Ito yan sa barangay 227 sa tondo, Maynila sa pagsalubong niya ng bagong taon.
09:12At Rafi, ayon nga kay Major Philip Ines, ang tagapagsalita ng MPD,
09:16sa ngayon ay patuloy pa rin kumakalap ng impormasyon ang mga otoridad kaugnay nito
09:21at nagsasagawa din sila ng post-blast investigation.
09:25At Rafi, mabuti na nga lamang at walang nasaktan sa insidente ito
09:29pero tatlong bahay ang napinsala.
09:31Ayon kay Sita Palma, isa sa may-ari ng bahay,
09:34hindi nila alam kung sino ang nagpasabog ng paputok.
09:37Bukod sa bahay, napinsala nito ang kanilang washing machine,
09:40pati na ang kanilang tricycle na umusad pa nga ng isang metro sa lakas ng pagsabog.
09:46Nangyan, insidente dito sa Nara Street, barangay 227, tondo, Maynila.
09:50Tawid lang ito, Rafi, ng Abad Santo Street, corner Lorenzo Street,
09:54kung saan nasawi naman ang isang 12-anyos na bata noong December 28
09:58na ikinasugat din ang kanyang kasama.
10:00Samantala, sinabi ni Major Ines na tatlong lalaki ang naaresto ng MPD
10:04dahil sa indiscriminate firing sa pagsalubong ng bagong taon.
10:08Dalawang lalaki ang naaresto sa Ligaya Street sa Sampaloc, Maynila
10:11ng MPD Station 4, bandang alauna ng madaling araw.
10:15Na-recover sa kanila ang isang kalibre 46 baril,
10:17siyang nabasyon ng bala at isang magazine na may apat na bala.
10:21Alas-dos naman ng madaling araw ng masakote ng MPD Station 1
10:24ang isang lalaki sa Santa Fe Street sa barangay 118 sa tondo.
10:29At Rafi, sinabi ni isinumbong ng isang concerned citizen
10:31ang nagpaputok ng baril sa ere.
10:35Na-recover din sa kanya ang baril at mga bala.
10:37At Rafi, sa ngayon ay inihahanda na nga ang mga kaukulang kaso
10:42laban doon sa mga naaresto sa indiscriminate filing.
10:45At dito nga sa nangyari naman na pagsabog sa barangay 227
10:49ay nagsasagawa na ng post-blast investigation
10:51ang Manila Police District.
10:53Magbawalik pa tayo sa iba pang ma-update dyan sa araw na ito.
10:57Rafi, balik sa iyo.
10:58Maraming salamat, Ian Cruz.
11:02Picnic at food trip ang piniling bonding na ilang pamilya
11:05sa pagdiriwang ng bagong taon sa Quezon City.
11:08At may ulat ang doon spot si Von Aquino.
11:11Von!
11:16Rafi, enjoy sa pagbabanding at salo-salo
11:20yung mga pamilyang dito sa Quezon City Memorial Circle
11:23piniling magdiwang ng bagong taon.
11:32Inabutan namin ang ilang pamilya na nagsasalo-salo ng almusal
11:36tulad ng pamilya Bordas na nagbao ng kanilang mga inihandang pang medya noche.
11:41Hindi raw sila nakapag medya noche dahil sa pagtitinda sa palengke
11:44kaya ngayong araw sila nagsalo-salo.
11:47May mga nagtayo rin ng tent at naglatag ng mga sapin para makapag-piknic.
11:51Si Evelyn Lozada na taga Rizal dito na piling magdiwang ng kanyang birthday at bagong taon.
11:57Marami rin nag-physical activities tulad ng paglalaro ng badminton at exercise.
12:01Ang mga bata naman enjoy sa paglalaro sa playground.
12:05Enjoy din ang mga narito sa pag-food trips sa mga tindahan
12:08kaya naman sinamantala ng mga negosyante ang pagbubukas ngayong araw.
12:13Bukod sa pagbabanding kasamang pamilya,
12:15pinashal din ang ilan ang kanila mga fur babies.
12:19Rafi, bukas itong Quezon Memorial Circle hanggang 12 midnight
12:24kaya naman pwede pang humabol yung mga gusto pang mamashal.
12:27At yan muna ang latest mula rito.
12:28Happy New Year sa'yo, Rafi.
12:30Maraming salamat at Happy New Year, Von Aquino.
12:35Umakyat sa 235 ang mga kaso ng firework-related injuries ayon sa Department of Health.
12:41Batay sa datos ng DUH as of 4 a.m. kaninang umaga,
12:4462 kaso ang nadagdag ngayong unang araw ng bagong taon.
12:48Karamihan daw sa bilang ay edad 11 siyam pa baba.
12:52Kabilang ang boga at 5 star sa mga pangunahing dahilan ng mga nasabing injury.
12:56Nagsimula noong December 21 ang monitoring ng DOH.
13:01Ayon sa DOH, mas kakaunti ang numero ngayong salubong kumpara sa nakaraang salubong 2025 na umabot sa mahigit 400 kaso.
13:09Ipinasilip ng ilang kapuso stars ang naging highlights ng kanilang New Year celebration.
13:22Mapapaninang ka kay Rochelle Pangilinan.
13:25Namigay kasi siya ng angpao sa kanilang salubong.
13:28O ayan, spotted dyan ang kanilang pamangkinang mister na si Arthur Solinac na si Paul Salas.
13:34Kaya naman, everybody happy.
13:36Sineer naman ni Arthur ang kanilang family portrait ni Rochelle kasama ang anak na si Shiloh.
13:42Naka-all white naman sa salubong sa 2026,
13:46sinasanggang dikit for real stars Dennis Trillo at Jedeline Mercado.
13:53Instant good vibes ang hatid ng kanilang family picture.
13:56Siyempre, super sweet din ang then-gen sa kanilang pic together.
14:03Sineer ni Capuso Primetime Princess Barbie Forteza ang kanilang family picture.
14:10Say ni Barbie, it's a crazy ride ng 2025 at nagpasalamat sa learnings.
14:15Ready na raw siya for 2026.
14:18Sina Jack Roberto at Sanya Lopez may pasilip din sa kanilang family medyanoche.
14:26New Year, new me, ika nga ng nakararami tuwing bagong taon.
14:38Ayan, sabi kayo ng ilan kung anong gusto nilang magbago ngayong 2026.
14:43Si Giancarlo Nabus inais mapaayos ang kanilang bahay at magmukharaw ito ang bago.
14:48Wow, bagong mindset at better health naman ang gusto ni Dan Dan.
14:53Nice namang mabago ni Erica Joy Aba,
14:55ang pagkakaiba ng sahod sa Metro Manila at probinsya.
14:59Pagbabago naman ang mga corrupt down na opisyal ng gobyerno ang gusto ni Luzep Yob.
15:06Iyon, sana nga matupad yung inyong mga wish na yan.
15:09Kailangan magbago for the better.
15:11Correct.
15:11Correct.
15:11Correct.
15:12Kailangan magbago for the better.
Be the first to comment