Skip to playerSkip to main content
  • 15 hours ago
-Ilang bahay at sasakyan sa Tondo, nasira ng malakas na pagsabog sa gitna ng pagsalubong sa Bagong Taon/Malakas na paputok na ikinasira ng ilang bahay at sasakyan, hindi pa tukoy


-2 sa apat na biktima ng paputok na isinugod kanina sa East Ave. Medical Center, mga menor de edad; may isinugod din na tinamaan ng bala ng baril/Firework-related injuries sa Pasig City General Hospital ngayong salubong, isa sa mga pinakamababa sa mga nakalipas na taon


-2 New Year babies, isinilang sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital


-Rep. Leviste: Masikreto ang P18B na MOOE ng Kamara sa 2026 budget dahil walang breakdown; nasa P58M kada kongresista/Sagot ng ilang kongresista sa pinupunang MOOE budget ni Rep. Leviste: Walang iregularidad, may malinaw na paper trail


-Enggrandeng fireworks display, inabangan sa "Kapuso Countdown to 2026"/Ilang nanood ng "Kapuso Countdown to 2026," nanggaling pa sa probinsya/All-out performances, handog ng Kapuso stars at special guests sa "Kapuso Countdown to 2026"


-PBBM sa pagpasok ng 2026: Embrace the year with discipline, confidence, and a shared commitment to our nation's progress/VP Duterte sa pagpasok ng 2026: Hayaan nating mag-alab muli ang ating tapang at determinasyon


-INTERVIEW: SFO2 JAYAR VIDUYA, CHIEF, INTELLIGENCE & INVESTIGATION UNIT, ANTIPOLO CITY FIRE STATION


-Ilang turista, inabangan ang fireworks display sa Baguio City


-Ilang sumalubong sa Bagong Taon, may iba't ibang paraan ng selebrasyon


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00.
00:02.
00:04.
00:10.
00:12.
00:14.
00:15.
00:16.
00:20.
00:24.
00:26.
00:28The name is Nara Street, Barangay 227, Tondo, Manila, 10 minutes after the salubong in the year.
00:35At the impact, the impact is almost a bit of a barangay that's just a bit of a barangay.
00:41The motorcycle and bicycle are also a bit of a barangay that's a barangay.
00:45We have to make a barangay that's a barangay that's a barangay that's a barangay.
00:50Ayon naman sa barangay, hindi pa nila masiguro kung anong klase ng paputok ang sumabog,
00:55pero isang lalaki raw ang nakita na tumambay sa tapat ng mga nasirang bahay ilang segundo bago ang insidente.
01:02Nakakulay itim. Hindi namin alam kung ano yung nilagay o ano about sa bahay, about sa motor.
01:12Tingin ko, paputok talaga.
01:15Kaya lang, malakas. Malakas talaga.
01:21Sa kabila nito, wala namang napaulat na nasakta noong nasugatan sa nangyari,
01:25pero dismayado ang barangay sa pulisya dahil sa matagal umanong pagresponde.
01:29Ang problema ko, tumawag na ako sa presinto 7. Hanggang ngayon, hindi pa dumarating.
01:34Mag-aalas dos na ng madaling araw nang dumating ang TMRU ng Manila Police District.
01:38Sinusubukan pa namin silang hingan ng pahayag.
01:41Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
01:46Mga minorde-edad ang dalawa sa apat ng mga biktima ng paputok na isinugod kaninang madaling araw sa East Avenue Medical Center.
01:53Kamilang dyan ang batang edad siyam na hindi maidilat ang kanyang mga mata at may mga lapnos sa mukha matapos masabugan ng pulbura.
02:01Ang isa pang bata, edad sampu na tinamaan ng lucis sa kanyang mata.
02:06May sinugod ding lalaking 46 anyos na natalsikan ng fountain sa kanyang braso.
02:11Ayon sa lalaki, nangyari ang insidente habang nanonood siya ng mga nagpapaputok sa kalsada.
02:17Sugatan din ang mukha ng isang babae matapos matalsikan ng fountain.
02:22Isinugod din sa ospital ang isang lalaking nagtamunang tama ng bala ng baril sa kanyang kaliwang binti.
02:28Limang biktima naman ang isinugod sa Pasig City General Hospital.
02:32Sa panayam ng Super Radio DZBB sa nurse supervisor ng ospital,
02:35Tweeties, Roman Candle, Goodbye Philippines at hindi pa matukoy na paputok ang nakasugat sa mga biktima.
02:43Sa kabila niyan, ang nasabing bilang ay isa sa pinakamababang kaso na naitala ng ospital sa mga nakalipas na taon.
02:50Posible rao na may kinalaman ng hindi pagbibigay ng special permit to sell firecrackers ng Pasig Local Government noong nakaraang taon.
02:59Inabagan din ngayong unang araw ng 2026 ang pagsilang ng mga tinatawag na New Year Babies.
03:05Sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa Maynila, isinilang ang isang baby boy na si Yuri at ang baby girl na si Zamara.
03:13Ayos sa doktor sa Fabella Hospital, normal ang delivery sa dalawang New Year Babies.
03:18Panalangin ang mga inani na baby Yuri at baby Zamara, sana lumaki silang masaya at malusog.
03:28Pinupuna ni Batangas First District Representative Leandro Liviste
03:31ang labing walong bilyong pisong maintenance and other operating expenses ng Kamara sa 2026 national budget.
03:37Masekreta raw niyan dahil walang breakdown.
03:40Sagot ng ilang kapwa niya kongresista, walang irregularidad sa pondo at may malino itong paper trail.
03:46Balit ang hatid ni Mav Gonzalez.
03:48Pinost ni Batangas First District Representative Leandro Liviste sa social media
03:55ang mahigit dalawang milyong pisong halaga ng mga tseke.
03:59Inisyoan niya ang mga ito sa opisina niya hanggang Oktubre 2025
04:03para aniya sa sahod at MOOE o Maintenance and Other Operating Expenses ng Kongreso.
04:09Sabi ni Liviste, bahagi ito ng aniya'y masikretong 18 billion pesos na MOOE.
04:1518.58 billion pesos yung MOOE fund ng Oktubre sa 2026.
04:20Mas malaki pa nga sa 2025.
04:22At walang breakdown saan ito napupunta.
04:24Kumingin nga po ako at kinakusap ko na huwag nang magtanong tungkol dito.
04:29Wala pong debate bakit natin itinaas pa ang MOOE fund.
04:32I-divide po natin ito sa 318 congressman.
04:37Baka mga 58 million pesos per congressman ang lumalabas.
04:40Kada toon?
04:42Kada toon po.
04:43Sabi ni Liviste, hindi kailangang resibuhan ng MOOE.
04:47Kaya pwede ro'ng magdesisyon ng kongresista kung paano ito gagastusin.
04:51Kasali po dito yung kuryente, yung tubig, yung bag paper ng house.
04:55Pero sa 2026 budget, initially, mga 10 plus billion siya.
04:59Tapos naging 18 billion, itinaas po ng 7.8 billion.
05:03Ibig sabihin, yung itinaas na 7.8 billion, mga 24 million per congressman ba yan?
05:09Yun po, pwede natin sabihin, yung discretionary o yung hindi naman utilities and expenses ng kongreso.
05:16Ayon kay Liviste, makukumpirman niyang may natatanggap na nasa 1 milyong pisong MOOE kada kongresista buwan-buwan.
05:24Bukod pa raw ito sa isa't kalahating milyon pag Oktubre, pagkapasa ng national budget, at sa 2 milyon pag Disyembre.
05:31Ito naman po ay siguro hindi pa nga sapat para sa mga gastusin ng mga congressman para sa ating mga distrito.
05:37May mga district office naman na din po.
05:39Kaya in fairness po, kailangan talaga ang budget na ito.
05:42Pero ang panawagin ko lang, maging transparent tayo saan ito napupunta.
05:45Kasi kumpara sa budget ng mga ahensya, yung sarili naming budget sa kongreso,
05:50parang ito po ang pinaka-closely guarded secret ng buong budget.
05:54May mga tumawag na raw sa nanay niyang si Sen. Loren Legarda para pigilan si Liviste na magtanong ukol sa pondong ito.
06:01Paglilino naman ni Liviste, hindi lang kongreso ang may MOOE, kundi pati ibang ahensya ng gobyerno.
06:07Pero sabi ni BICAM Committee Member at Palawan 2nd District Representative Jose Alvarez,
06:13walang irregularidad sa mga checking in issue kay Liviste at hindi ito Christmas bonus.
06:17Alinsunod daw ito sa batas, naka-audit at dokumentadong disbursements na natatanggap ng kada miyembro ng Kamara
06:24para bayaran ang mga sweldo nila at para masigurong tumatakbo at nakakapagservisyon ng maayos ang mga district offices nila.
06:32Bumaba rin ani ang budget ng Kamara sa P27.7 billion para sa 2026, kumpara sa P33.7 billion ngayong taon.
06:42Doon pa lang daw, malino ng hindi tinaasan ng Kamara ang sarili nitong budget.
06:46Wala raw itinatago ang Kamara dahil dumadaan sa matinding pagbusisi ang budget nila tulad ng ibang ahensya ng gobyerno.
06:54Ito rin daw ang pinakabukas na budget sa kasaysayan na nasubaybayan ng publiko.
06:59Dapat daw katotohanan ng basihan kung may aligasyon ng maling paggamit ng pondo at hindi walang basihang spekulasyon.
07:06Nauna nang sinabi ni Liviste na may 2 milyong pisong Christmas bonus ang mga kongresista.
07:11Pero sinilag ito ni House Committee on Public Accounts Chair at Bicol Saro Partylist Representative Terry Ridon.
07:17Parang hindi naman Christmas bonus po yung mga binibigay sa mga kongresista.
07:21Parang lahat po ng mga binibigay po ay para sa mga programa, aktividad at mga gawain.
07:28Noong pong kanya-kanya ang mga opisina.
07:30Disbursements po ito, na cheque.
07:33So ibig sabihin meron pong clear paper trail po ito sa mga opisina po ng mga kongresista.
07:38So ibig sabihin, walang itinatago rito, walang magic dito.
07:42At mali, yung pong insinuation na binabaget.
07:46And like what I stated, sinagot na ito ng majority at minority.
07:49Dagdag ni Ridon, matagal nang nagbibigay ng ganito ang kongreso.
07:53Wala rin daw natatanggap na bonus ang mga kongresista,
07:57maliban sa 13th at 14th month pay na nakukuha ng lahat ng kawaninang gobyerno.
08:02Kung may anomalya man daw sa paggamit ng pondo,
08:05tsak masisilip ito ng Commission on Audit.
08:07Meron yung Union Audit Report for Congress.
08:10So ibig sabihin, kung may problema dito po sa mekanismo
08:14kung paano ipinapatupad yung pagpupondo at paggamit ng pondo,
08:18dapat lumilitaw po yan sa mga audit reports po ng kowa.
08:22Ang malinaw, hindi po yung pinepera ng mga kongresista.
08:26Ibig sabihin, hindi yung permitin para sa mga bahay,
08:29para sa mga kapricho at para sa mga bakasyon.
08:33Mav Gonzalez nagbabalita para sa GMA Integrated News.
08:37Happy New Year mga Kapuso!
08:44Pasabog performances!
08:46Ang hatid ng Kapuso Stars at Special Guests
08:49sa Kapuso Countdown to 2026 sa Pasay Kagabi.
08:53Ang ilan sa mga nakisayang fans na galing pa sa probinsya.
08:56Ang latest hatid ni EJ Gomez.
08:59Nagliwanag ang kalangitan sa pagsabog ng fireworks display
09:07sa ingranding Kapuso Countdown to 2026 sa Pasay City.
09:12Ilang segundo bago ang taong 2026, ganito ang eksena.
09:16Feel na feel ang good vibes dito sa SM Ball of Asia at Pasabog.
09:20Ang mga performance sets ng Sparkle Artists!
09:245, 4, 3, 2, 1!
09:28Alasais ng gabi, nambuksan sa publiko ang Kapuso Countdown to 2026.
09:38Libo-libo ang mga Kapusong matsagang naghintay sa pagpasop ng bagong taon.
09:43Kasama nila ang kanila mga pamilya o barkada.
09:46Marami sa kanila dumating ng umaga pa lang.
09:49May mga galing pang probinsya at meron din lumipad pa mula sa ibang bansa.
09:535 ng hapon nandito na kami.
09:57Tapos galing pa ng Japan.
09:59Diretso na dito yung bagay na sasasakyan lang po.
10:02Ako naman po galing akong Quezon Province.
10:04Nagbihaya pa ako ng 12 a.m. makarating lang ng maagap dito.
10:08Galing pa po kami Valenzuela City!
10:10So we're just here to have fun and we're looking forward for our PBB house.
10:15Mays like Mika Salamanca, then Kapuso Star, like River Cruise and Jolizano says.
10:21Bali 12 p.m. pa po kami dito kanina pa po.
10:24And then ang inaabangan namin that supposedly dapat dito is yung aho.
10:28And then yung fireworks din po.
10:30Kalipa po ako sa Mandaluyong.
10:32Kanina umaga pa po ako.
10:34May dala po akong tarotot pang New Year.
10:40Mas lalong umingay sa Mall of Asia nang magsimula ang main show ng 10.30 p.m.
10:45Kabilang sa host si Kapuso Comedian Betong Sumaya, Christian Bautista, Team Yap at Miss Grand International 2025, Emma Tiglau.
10:55Nagpasaya ang mga Kapuso Artists sa kanilang oh-so-good performances.
11:00Kabilang drugs si na Julian San Jose, River Cruise at ilang PBB Batchmates gaya ni na Will Ashley, Vince Maristela, Charlie Fleming at AZ Martinez.
11:10Inabangan din sa countdown ang performance ng K-pop group na all-time Hall of Famer o Aho.
11:22Sobrang sulit at super happy.
11:27Kamusta ang pag-join dito?
11:30Sobrang enjoy at mga pasabog yung pinakita ng Aho.
11:34Sobrang worth it and grabe kahit malayo yung mga pinanggalingan, sobrang worth it po.
11:42Thank you so much!
11:44Happy New Year!
11:46E.J. Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
11:53Sa pagpasok ng bagong taon, panawagan ni Pangulong Bongbong Marcos na pagnilaya natin kung paano tayo makitungo sa iba,
12:00kung paano natin iniangat ang isa't isa, at kung paano nakakapekto sa bansa ang ating mga desisyon.
12:06Binigyan din ng Pangulo na lumalago ang ating lipunan kung mas pinipili natin ang pakiramdaman ng iba kaysa pagsasawalang bahala.
12:14Paglilingkod kaya sa pagiging makasarili at pagkakaroon ng pag-asa.
12:19Kaya ngayong 2026, panawagan ng Pangulo sa bawat Pilipino na magkaroon ng disiplina, tiwala at dedikasyon para sa pagunlad ng ating bansa.
12:29Para naman kay Vice President Sara Duterte, dapat mag-alabuli ang ating tapang at determinasyon ngayong pagpasok ng 2026.
12:36Ang bagong taon din daw ay panahon upang magkaisa at magsimula ng may bagong pananaw.
12:41Panawagan ni VP Duterte, sama-sama tayong magsikap at magdasal na sana ang 2026 ay maging taon ng pag-asa at pagpapala.
12:52Samantala, hingi tayo ng updates na nangyaring sunog sa mga tindahan ng paputok sa Antipolo Rizal sa pagsalubong ng bagong taon.
12:58Mga kakapanayam natin si Senior Fire Officer 2, Jerry Viduya, Chief ng Intelligence and Investigation Unit ng Antipolo City Fire Station.
13:06Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
13:10Hi, good morning din po sa inyo na. Happy New Year po.
13:13Happy New Year din po.
13:14E nakumpirma na po ba ninyo na yung fountain na lumihis daw yung sanhinang apoy kagabi dyan po sa Antipolo?
13:19Yes po, sir. Actually, aerial fountain po siya. Hindi po siya yung ordinary fountain.
13:28So yung aerial fountain, pinapapotok malapit po doon sa area? Tama ho ba?
13:31Bali, allegedly po, nung sabay po ng palit ng taon, 12 midnight, ay allegedly merong nagsindi ng aerial fountain doon po sa off-in field.
13:50Ang nangyari po is, yung isang aerial fountain ay nag-shoot up doon sa isang pwesto ng retailer na meron pa pong stocks na hindi nabenta o naiwan doon sa...
14:09Yes po.
14:10Opo. Hindi po ba mahigpit na yung pinagbabawal yung pagpapotok malapit doon sa mga tindahan ng papotok?
14:14Yes, sir. Actually, meron po kami yung programa po riyan. And we are actually deployed po sa area apat na araw na po.
14:26Nangyari po kasi yung ginawa po nung iba ay sinabayan yung palit ng taon. So sinindihan din yung, allegedly, yung sarili nilang stocks.
14:42Pero under investigation pa po natin para ma-determine natin kung sino yung nagsindi at kung paninugaling na retailer yung aerial fireworks na ginamit po.
14:59Na-clear na po ba yung area at may natin na pa ba mga papotok sa lugar?
15:05Bali po yung hindi po na nadamay ng mga retailers ay pinaclear na po namin.
15:11So iniwan lang po namin yung involved na mga nadamay na retailers doon sa insidente para po sa continuing po namin na investigation.
15:24Ngayon po tapos na yung bagong taon, yung mga natira. I'm sure i-imbak po yan. Ano pong paalala nyo sa mga mag-iimbak na mga papotok?
15:32Ang ma-iimbak po namin na paalala po, yung pong hindi na po nagamit ay huwag nyo pong itago. Yan po dapat i-dispose ng maayos.
15:44So babasayin po natin yan at i-dispose po natin properly.
15:48And then na po dapat natin yan itinatago para gagamitin sa susunod na celebration o sunod na taon.
15:55Okay, sige po. Maraming salamat po sa oras na ibinahagi nyo sa Balitang Hali.
16:00Wala pong ano mahanapin nyo ito sa lahat.
16:02Salamat po si Senior Fire Officer 2, JR Biduya ng Antipolo City Fire Station.
16:09Worth the wait daw para sa ilang bakasyonista ang pagsalubong sa bagong taon sa City of Pines, Baguio.
16:15At may ulat on the spot si Bam Alegre.
16:18Bam!
16:18Raffi, Happy New Year and Good Morning.
16:25Dito sa Baguio City ay hindi man pwede magpaputok lahat kahapon,
16:29e bawing-bawi naman sa panonood ng Community Fireworks Display sa salubong kagabing.
16:37Pasabog ang Community Fireworks Display ng Baguio City.
16:40Worth the hype, ika nga.
16:42Habang hinihintay ang countdown sa Melvin Jones Field sa Burnham Park,
16:45tuloy-tuloy ang rakrakan at tugtugan sa buong gabi.
16:49At habang lumalalim ang gabi, palamig ng palamig ang temperatura.
16:53Excited ang lahat sa mismong countdown.
16:55Sulit ang paghihintay dahil talaga namang itinodo ang Community Fireworks Display sa ganda.
16:59Ang mag-asawang si Sherry at Ryan Monzones, hindi na ng ibang bansa ngayong holiday
17:03dahil sapat na raw ang Baguio ngayong bagong taon.
17:09It's far kasi if you go to other country.
17:12So here, we'll go by land lang.
17:15Akala ko, malamig, magastos pala.
17:24Kinaumagahan naman, kahit tapuyat ang ilan sa paghintay sa ating gabi,
17:28marami ang gumising ng maaga para mamasyal.
17:30Kaya lang, may ilang saradong atraksyon tulad ng Baguio Botanical Garden at Mines View Park.
17:36Pero nagpicture pa rin ng ilan sa facade dito, example sa Botanical Garden,
17:39para may souvenir.
17:40Sobrang maganda kasi first time na dito kami nag-New Year.
17:48First time, so grabing favor ng Panginoon na abot kami rito.
17:52Kaso lang, sarado.
17:55Kaya medyo hindi masyadong nasulit yung ano.
17:58Masaya to build more strong companionship.
18:03So Rafi, temperature check na yun.
18:11Nasa 23 degrees Celsius ang chill natin dito ngayon.
18:15At makikita ninyo sa ating likuran,
18:16meron pa rin mga turista, mga pami-pamilya na namamasyal.
18:20Kahit nasarado nga itong Baguio Botanical Garden.
18:22Ito ang latest na balita mula rito sa Baguio City.
18:25Bam Alegre para sa GMA Integrating News.
18:27Maraming salamat sa iyo at Happy New Year!
18:30Bam Alegre!
18:33May iba't ibang paanda sa ilang probinsya sa pagsalubong sa bagong taon.
18:42Tila pumarada ang ilang residente ng Masbate City sa pagpasok ng bagong taon.
18:47Nabalot ng ingay ang kalsada dahil sa bitbit ni ng turotot at iba pang pampaingay.
18:52Motorsiklo naman ang ginawang pampaingay ng ilang motorista sa Tagbilaran, Bohol.
18:57May mga nagpapotok pa rin sa kalsada.
18:59Palakasan naman ang pag-ihit sa turotot ang trip ng ilang kabataan sa Samalbataan.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended