- 6 weeks ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Huwebes, December 25, 2025
-Tricycle driver na pauwi na para mag-Noche Buena, patay matapos makasalpukan ang isang motorcycle rider; rider na isang pulis, kritikal
-Mga mamimili ng pang-Noche Buena, na-stranded sa palengke dahil sa thunderstorm
-Amihan, nakaaapekto pa rin sa northern at central Luzon; Easterlies naman sa iba pang panig ng bansa
-Gitgitan sa pagpasok sa parking lot, nauwi sa away-kalsada
-2 menor de edad, sugatan matapos maputukan ng paputok sa magkahiwalay na insidente
-Asong nangagat umano ng tao, patay matapos pagbabarilin
-Booth display sa Christmas Village, nasunog
-8 pamilya sa Brgy. Post Proper Southside, nasunugan pagkatapos ng Noche Buena
-Pagsisimula ng EDSA rehabilitation, nagdulot ng pagbigat ng daloy ng trapiko sa ilang kalsada
-8 MMFF 2025 entries, mapapanood na sa mga sinehan simula ngayong araw ng Pasko
-PBBM at VPSD, nakikiisa sa mga Pilipino na nagdiriwang ng Pasko ngayong taon
-DOH: 18 bagong kaso ng stroke, heart attacks at asthma, naitala hanggang bisperas ng Pasko
-Ilang kabataang nagsindi ng mga paputok sa pagsalubong ng Pasko, sinita ng barangay; ilang nagreklamo, nangambang baka pagmulan ito ng sunog
-Bagong silang na sanggol, inabandona sa gilid ng kalsada sa Brgy. San Jose
-16 na pamilyang sinalanta ng Bagyong Tino, nakalipat na sa Bayanihan Village sa Brgy. Guizo
-Exec. Sec. Recto: 2026 National Budget, sa unang linggo na ng Enero mapipirmahan ni PBBM
-Libo-libong turista, sinalubong ang Pasko sa Boracay; nag-enjoy sa kaliwa't kanang parties at pakulo ng mga establishment
-Pope Leo XIV sa Christmas Eve Mass: Ang pagtangging tumulong sa mahihirap ay pagtanggi sa Diyos
-Guro, natuklasang pumasa siya sa Licensure Examination for Professional Teachers sa kalagitnaan ng Christmas party ng kanyang klase
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
-Tricycle driver na pauwi na para mag-Noche Buena, patay matapos makasalpukan ang isang motorcycle rider; rider na isang pulis, kritikal
-Mga mamimili ng pang-Noche Buena, na-stranded sa palengke dahil sa thunderstorm
-Amihan, nakaaapekto pa rin sa northern at central Luzon; Easterlies naman sa iba pang panig ng bansa
-Gitgitan sa pagpasok sa parking lot, nauwi sa away-kalsada
-2 menor de edad, sugatan matapos maputukan ng paputok sa magkahiwalay na insidente
-Asong nangagat umano ng tao, patay matapos pagbabarilin
-Booth display sa Christmas Village, nasunog
-8 pamilya sa Brgy. Post Proper Southside, nasunugan pagkatapos ng Noche Buena
-Pagsisimula ng EDSA rehabilitation, nagdulot ng pagbigat ng daloy ng trapiko sa ilang kalsada
-8 MMFF 2025 entries, mapapanood na sa mga sinehan simula ngayong araw ng Pasko
-PBBM at VPSD, nakikiisa sa mga Pilipino na nagdiriwang ng Pasko ngayong taon
-DOH: 18 bagong kaso ng stroke, heart attacks at asthma, naitala hanggang bisperas ng Pasko
-Ilang kabataang nagsindi ng mga paputok sa pagsalubong ng Pasko, sinita ng barangay; ilang nagreklamo, nangambang baka pagmulan ito ng sunog
-Bagong silang na sanggol, inabandona sa gilid ng kalsada sa Brgy. San Jose
-16 na pamilyang sinalanta ng Bagyong Tino, nakalipat na sa Bayanihan Village sa Brgy. Guizo
-Exec. Sec. Recto: 2026 National Budget, sa unang linggo na ng Enero mapipirmahan ni PBBM
-Libo-libong turista, sinalubong ang Pasko sa Boracay; nag-enjoy sa kaliwa't kanang parties at pakulo ng mga establishment
-Pope Leo XIV sa Christmas Eve Mass: Ang pagtangging tumulong sa mahihirap ay pagtanggi sa Diyos
-Guro, natuklasang pumasa siya sa Licensure Examination for Professional Teachers sa kalagitnaan ng Christmas party ng kanyang klase
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
Category
🗞
NewsTranscript
00:00.
00:07.
00:12.
00:16.
00:20.
00:22.
00:24.
00:26.
00:28.
00:29Disgrasya ang sinapit na isang tricycle driver at isang rider sa Cardona Rizal bago magpasko.
00:34Nasawi ang tricycle driver na pauwi na sana para magnoche buena.
00:39Balitang hatid ni EJ Gomez.
00:41Polis at tsaka tricycle.
00:45Yung tricycle.
00:46Awa, napatay yung sakay ng tricycle.
00:49Nakahandusay ang isang tricycle driver at isang polis
00:53sa pedestrian lane sa barangay Loog, Cardona Rizal, pasado alas 8 kagabi.
00:58Nagsalpukan kasi ang tricycle at motorsiklong minamaneho ng dalawa.
01:04Bigla po kami may narinig na kumalabog.
01:06Ang lakas, kala po namin may sumabog.
01:08Aksidente po pala.
01:10Yun, nakita na po namin, nakahandusay yung polis, durog yung motor na sinasakitan.
01:14Tapos yung tricycle, nakataog na yun.
01:17Ayon sa polisya, may iniwasang traffic signage ng tricycle malapit sa pedestrian lane bago makasalpukan ang motorsiklo ng polis.
01:25Yung overtake niya.
01:27Pag overtake, siyang nating naman ng polis natin.
01:30Ayon, nagkaroon sila ng head-on collision boat vehicles.
01:33Total wreck talaga.
01:34Nawasak ang unang bahagi ng motorsiklo.
01:37Nayupi naman ang bubong at nasira rin ang ilan pang bahagi ng tricycle.
01:41Isinugod pa raw sa ospital ang tricycle driver.
01:44Pero ininikla rang dead on arrival.
01:47Ang polis naman napapasok na sana sa trabaho bilang investigador.
01:51Nagtamo ng matinding sugat sa ulo at kritikal ang kondisyon.
01:54Nakaligtas ang 17-anyos na sakay at kaibigan ng tricycle driver.
01:59Kwento niya, pauwi na sana sila matapos magbaba ng pasahero sa isang convenience store.
02:04Nagdilim na lang po. Panayin ko na.
02:06Lumipad na lang po.
02:08Bagbags ako po. Sinagasahan po ako ng tricycle sa ganito po.
02:12Nagtamo siya ng mga sugat, galos at gasgas sa iba't ibang parte ng katawan.
02:17Labis ang paghinagpis ng anak ng nasawing tricycle driver.
02:21Napa-uwi na raw sana noon para sa Noche Buena.
02:25Ito pong pinakamasakit talaga na Pasko.
02:28Naumuwi pa po ako dito para lang po makasama ko yung papa ko ngay.
02:32Kaso hindi po pala. Hindi po siya makasama ng masaya.
02:35Mahigit isang oras hindi nadaanan ang kalsadas sa lugar na naging dahilan ng traffic.
02:40Patuloy ang investigasyon ng polisya sa insidente.
02:45EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:53Na merwisyo ang malakas na ulan sa makilala kotabato nitong bisperas ng Pasko.
02:57Stranded tuloy ang maraming namimili sa palengke kaya hindi sila agad nakauwi.
03:02Ilang bahagi pa ng panangpamilihan ang binaha.
03:05Napilitan ang ilang tindahan na magsarah.
03:07Ayon sa pag-asa, local thunderstorm ang nagpaulan sa makilala.
03:11Dumaos-dos pababa sa bundok na yan ang mga tipak ng bato at limestone
03:15sa isang bahagi ng mountain province, kagayan Tabuk Road.
03:18Nangyari ang rock slide kasunod ng pag-ulan doon, dulot ng hanging amihan.
03:23Hanggang ngayon, sarado pa rin sa mga motorista ang nasabing kalsada.
03:27Pinapayohan muna silang dumaan sa alternatibong ruta.
03:30Ayon sa DPWH Cordillera, nakastandby na ang mga heavy equipment
03:34para sa gagawing clearing operations sa sandaling matiyak ng ligtas ang lugar.
03:39Ito ang GMA Regional TV News.
03:47Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
03:51Isang linggo pa bago magbagong taon, may naitala ng naputokan ng paputok sa Baguio City.
03:57Chris, sino yung mga biktima?
04:02Rafi, parehong minor de edad ang mga biktima.
04:05Hindi patukoy kung anong uri ng paputok ang sumabog sa 12-anyos na biktima sa barangay Irisan.
04:10Nagtamu siya ng second-degree burn sa kamay.
04:13Ipinagbabawal na five-star naman ang nakadali sa 11-anyos na bata sa barangay Lower Dagshan.
04:19Natanggalan siya ng kuko sa dalawang daliri.
04:22Kwento ng biktima, pinahawak lang ng kanyang mga kaibigan ang paputok nang bigla itong sumabog.
04:28Dahil sa mga insidente, nagpatupad ng mas mahigpit na firecracker ban ang LGU
04:33para maiwasan ang pagdami ng mga nabibiktima.
04:36Patay naman matapos sa pagbabarili ng isang alagang aso sa Kandon, Ilocosur.
04:42Sa video, maririnig ang iyak ng aso na apat na beses pinagbabaril.
04:47Nagmamakawa naman ng ilang tao na huwag patayin ang aso.
04:51Dinig din sa video ang paliwanag ng isa sa mga pumatay na nagawa nila iyon dahil kinagat ng aso ang isang residente sa lugar.
04:59In-report na ng uploader ang insidente sa kanilang barangay at nagain ng reklamo sa Kandon City Prosecutor's Office.
05:06Sinisikap ang makuna ng bahayag ang mga pumatay sa aso.
05:11Wala pong binabante ang sama ng panahon o bagyo sa loob o labas ng Philippine Area of Responsibility ngayong araw ng Pasko.
05:18Ayon sa pag-asa, hanging amihan muli ang nakaapekto sa Northern at Central Luzon
05:23habang easter list naman sa natitirang bahagi ng bansa kasama na po ang Metro Manila.
05:28Dahil sa amihan, maalod at delikado sa maliliit na sasakyang pandagat ang pumalaot sa mga baybayin ng Batanes.
05:35Ngayong Pasko, naitala sa City of Pines, Baguio ang 16.2 degrees Celsius na minimum temperature,
05:4219.6 degrees Celsius sa Tanay Rizal, 20.1 degrees Celsius sa Malay-Balay Bukidnon,
05:4821.8 degrees Celsius naman ang minimum temperature sa Abukay Bataan at sa Kasiguran Aurora,
05:54habang 23.4 degrees Celsius dito po sa Quezon City.
06:02Paalala sa mga motorista, lalo ngayong marami ang bumibiyahe,
06:06maging mahinahon lang po para hindi tayo mapaaway.
06:09Sa Marikina, huli ka mang isang awayan na dahil daw sa gitgitan sa pagpasok sa parking lot.
06:15Balitang hati ni Tina Panganiban Perez.
06:18Sa viral video na yan, makikita ang komprontasyon ng driver ng pickup at gray na kotse sa Riverbanks Avenue, Marikina City.
06:29Maya-maya, lumabas ang isang lalaki mula sa puting sasakyan na nasa harapan ng kotse at sinunggaban ang driver ng pickup.
06:38Noon na lumabas ang babaeng sakay ng pickup at hinatak ang isa pang babaeng mula naman sa kotse.
06:45Nagkagulo pang lalo ang mga sakay nila hanggang sa maawat na sila ng pasahero ng pickup.
06:51Ayon sa Marikina City Police, nangyari ito alas 3.30 ng hapon itong December 23 habang papasok ang mga sasakyan sa parking lot.
07:01Ang mga sakay ng gray na sasakyan at puting sasakyan sa harap nito ay magkakamag-anak.
07:07May nauna pang sakyan sa kanila na nakapasok na.
07:11Nakapasok na ngayon, sumusunod po itong pickup natin yung nasa left side.
07:17Then from there po, hindi po na po sila makapasok din kasi nga po, nakaharang na rin po yung,
07:23hindi na nagbigay yung nasa white kasi nahiharang niya na yung sasakyan niyang nauna.
07:28Then hanggang nagkatapat po yung bios at yung pickup.
07:33Matapos ang insidente, sa police station din na lang ang mga motorista.
07:50Sa hiwalay na viral video na nakunan sa EDSA, Quezon City, makikita ang isang van na basag-basag ang mga salamin.
07:58Binato ito ng helmet at pinipigilang umandar ng ilang lalaki at hinarangan din ang isang trap.
08:05Nang hindi pa rin huminto ang van, pinagsisipa ito ng isang lalaki, kaya nagka-UPUP ang pintuan.
08:12Huminto ang mga sasakyan sa EDSA dahil sa insidente, kaya nakapag-counterflow ang van at nakaliko sa New York Street.
08:20Pero binato ulit ang likurang bintana nito bago ito nakaandar palayo.
08:26Sa gilid ng New York Street, makikita ang isang nakatumbang motorsiklo.
08:31Ang pagbangga pala rito ng van, ang mit siya ng insidente.
08:35After po niya mabangga, ang nangyari po, instead na huminto siya at tulungan yung kanyang nabangga,
08:41ay nag-attempt po siya na tumakas at bumalik sa EDSA.
08:45Pero yung mga tao po doon during that time, in-attempt naman po nila na pigilan itong van para umalis.
08:56In-investigahan na ang insidente bago pa nag-viral ang video.
09:01Habang lumalayo ang driver ng van, kita sa video na may nakapulot ng plaka nito.
09:06Hindi nakatakas ang driver ng van.
09:09Nung nakaalis po siya, agad pong naitawag sa ating kapulisan
09:13at yung mga personal, mga patroller po ng Police Station 7,
09:18na-intercept po siya at na-aresto po yung ating driver at inurn over po sa traffic sector for summoning.
09:25Ayon sa Quezon City District Traffic Enforcement Unit, inisuhan ng ticket ang driver ng van para sa reckless driving.
09:33Nasa pangangalaga naman ang DTEU Traffic Sector 4 ang van.
09:38Nagkaayos na ang driver ng van at nabanggang rider ng motorsiklo.
09:43Nag-usap po yung dalawang partido at ito pong ating biktima ay hindi na magpupursue ng anumang pong reklamo at nagkaayos po silang dalawa.
09:54And sa part naman po natin ng QCPD, we will be submitting also report po sa LTO regarding this incident po.
10:06Sinisika pa ng GMA Integrated News na makuna ng pahayag ang LTO.
10:11Pero may pananagutan ba ang mga bystander at motoristang pinigilang makalayo ang driver ng van?
10:17Possible po na magkaroon sila ng kanilang liability.
10:20Pero po yung driver ay hindi na rin po nagsampan ang kaupulang demanda o reklamo po laban sa mga taong ito at sasasakyan po.
10:28Tina Panganiban Perez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:33Nasunog ang isang booth ng Christmas display sa harap ng Iligan City Hall sa Lanao del Norte.
10:43Bahagi yan ang itinatayo o itinayong Christmas Village doon.
10:46Mabilis na nakaresponde ang mga bumbero at naapulan nilang apoy makaraan ng ilang minuto.
10:51Wala namang nadamay sa sunog ng ibang booth.
10:54Electrical short circuit ang sanhin ng apoy ayon sa inisyal na investigasyon.
10:58Aabot sa limang libong piso ang halaga ng kinsala.
11:02Sinusubukan pang kuna ng pahayag ang lokal na pamahalaan at barangay kaugnay nito.
11:07Sa kasagsaga ng pagsanubong sa Pasko, nagkasunog sa barangay Post Proper Southside sa Taguig.
11:16Walong pamilya ang apektado.
11:18Balit ang hatid ni Bamalegre.
11:22Ganito kabilis ang paglagablab ng apoy sa barangay Post Proper Southside, Taguig, pasado hating gabi.
11:27Itinasang unang alarma hudyat para nung responde ang di ba baba sa apat na firetruck.
11:32Nakakontrol ang sunog matapos ng isang oras.
11:35Tuluyan itong napala matapos ng ilang minuto.
11:37Walang naitalang sugatan o nasawi dahil sa sunog.
11:40Ang uri ng bahay ay parang isang tambakan yata ng kalakal.
11:44Tapos nagiinuman yata itong magkatropa yata po ito.
11:53Nung nangyari na ito, biglang nagspark ang kuryente, nahatak po yata nila.
11:57Hanggang sa naggapang puto dito sa ating kisame.
12:01Nasa walong pamilya na apekto ang sunog.
12:03O'y sumasalubong pa naman sa Pasko.
12:05Si Christy Abena Santos na nasa family reunion daw na mangyari ang insidente.
12:09Dali-dali na pauwi.
12:11Wala po ako dito kanina pero dito po ako nakatera.
12:13Tapos napanood po namin yung sa Facebook na sunog.
12:17Tapos hindi ko po yung akalain nandito yun sa amin.
12:21Tumawag sa akin yung kapatid ko.
12:23Then sabi ng kapatid ko nga na nasusunog po dito.
12:25Kaya tumakbo po ako papunta dito.
12:27Ililipad sa evacuation center ang mga nasunugan.
12:29May taong punta dito sabi may sunog.
12:33Ang ginawa ko, tumawag ako ng rescue file para mapula ang apoy.
12:41Ininvestigahan pa ng Bureau of Fire Protection ang sanhinang apoy, pati ang lawak at halaga ng pinsala.
12:46Bam Alegre, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
12:52Mahigit kalahating araw na mula ng simula ng Phase 1 ng EDSA Rehabilitation.
12:56Update tayo sa sitwasyon sa ulat on the spot ni Joseph Moro.
13:01Joseph?
13:06Raffi, kung galing ka ng Quezon City sa bahagi halimbawa ng Cuba, wala kang problema.
13:10Holiday ngayon.
13:11So walang traffic, mabilis sandali ng traffic ko.
13:13Pasko, Merry Christmas Raffi.
13:15Pero, pagpapunta ka na dito,
13:17sasapit ka na dito sa may EDSA,
13:19sa may orense sa bahagi ng Makati,
13:21eto na ang problema.
13:23Dahil labulab,
13:24dito na yung EDSA na 5 lanes ay kalahati na lamang.
13:28Kasi nga, blinak off na yung 2.5 na lanes ng EDSA
13:33dahil nga sinimula na ngayong araw itong EDSA Rehabilitation.
13:39At yung EDSA bus carousel, no, ay sa bahagi ng orense ay sarado na.
13:47Kaya ang ginagawa ng mga carousel ay sumasama na rin doon sa lane ng mga ordinaryong motorista.
13:55At ayon sa DPWH ay hanggang January 5 na itong araw-araw at magdamagan na trabaho dito sa EDSA.
14:05Itong narito mula ito sa orense sa Makati hanggang sa Mayroas Boulevard na yan sa Maynila.
14:12At kapwa northbound at southbound ang kukumpunihin.
14:18At naglabas naman na nga bagong karagdagang schedule ang DPWH para hanggang January 5 na.
14:29May reblocking o pagbubungkal ng mga lanes sa southbound lane sa May Taft Avenue hanggang Ayala underpass extension.
14:40At sa northbound naman ay mula yan sa Rafi sa Roas Boulevard hanggang sa EDSA Orense.
14:47May mga asphalt overlaying naman tulad ng ginagawa dito sa May Orense sa Tramo hanggang Ayala underpass sa northbound lane.
14:55At sa southbound lane ay mula yan sa Loring Street hanggang sa Ayala underpass din.
15:02So paalaala muli Rafi, kita nyo naman, yun o, example yan ng mga EDSA bus carousel na sumasama na doon sa ordinaryong flow ng mga motorista.
15:16So schedule, hanggang January 5, araw-araw, ganito ang mararanasan ng mga motorista natin dito sa EDSA hanggang sa May Roas Boulevard.
15:28Itong bumper-to-bumper ay ang sabi sa atin hanggang sa May Buendina yan.
15:33So tiis-tiis. Medyo mas maluwag ng konti doon sa northbound lane ng EDSA pero may konti rin pagbabagal sa ibang mga minis.
15:43Raffi?
15:44Joseph, hanggang saan yung tukod niyang traffic na yan? Bago ba tumawid ng Guadalupe Bridge? Nandun na yung tukod ng trafico?
15:54Dunas.
15:55So yung titiisin nyo, Rafi, ay Guadalupe hanggang dunas sa Buendina.
16:01Very slow moving, siguro mga 5 kilometers per hour to na speed ng inyong mga sasakyan.
16:11Pero yung ilan naman naintindihan na, well, wala namang ibang panahon para gawin ito kundi ngayon na konti ang tao sa probinsya, Maynila.
16:18Pero yung iba ay nababalam na lalo na yung mga nag-deliver, yung mga delivery trucks, Rafi.
16:23Kung meron lang tayong informasyon, Joseph, saan sila pwedeng dumaan alternatibong nadaanan para maiwasan niyang lugar na yan kung saan ka naroon ngayon?
16:30Okay, ang sabi sa atin kasi, before mag-start itong rehabilitation ay maglalabas yung MMDA na mga rerouting para iwasan na lamang itong ELSA.
16:48But so far ay wala pang inilalabas na mga, we will have to confirm with the MMDA kung saan yung mga alternative routes.
16:56Ang usually na sinasabi sa atin pagka-traffic sa ELSA yung mga mabuhay lanes.
17:00So probably yun din yung sasabihin sa atin na yun sa mga mabuhay lanes.
17:04So kinakita nyo naman tuloy-tuloy yung daloy pagpasok ng mga truck para sa gagawin ng mga rehabilitation.
17:10Yun nga pala, Rafi, na forgot ko to mention.
17:14January 5, itong titisi natin na araw-araw.
17:17Pero pagtungtong ng January 5 hanggang May 31, gabi na lang.
17:23So hopefully, magawa na ng DPWH yung bulk nung rehabilitation, yung first phase, dun sa December 24, 25, hanggang January 5.
17:34Para at least, kita mo naman, wala dapat traffic kasi holiday.
17:38Pero ang dami-daming mga sasakyan.
17:40Pero dito yan hanggang sa may buwendi yan, Rafi.
17:43Okay, ingat ka dyan, Joseph, dahil pumapasok yung mga truck na gumagawa dyan sa kalsada.
17:47Maraming salamat sa iyo at Merry Christmas sa iyo at sa iyong team.
17:51Atay, Jan.
17:53Merry Christmas, mga mare at pare!
18:00Showing na ngayong araw ng Pasko ang walong entry sa Metro Manila Film Festival 2025.
18:08Kabilang dyan ang romantic film na Love You So Bad na pinagbibidahan ni na Will Ashley, Bianca Devera at Dustin Yu.
18:16Produced yan ng Star Cinema, GMA Pictures at Regal Entertainment.
18:21Bibida naman ang hating kapatid stars ng Legazpi Family sa family drama film na Reconnect.
18:28Maraming nila rito, si Nakokoy de Santos, Angel Guardian at Kelvin Miranda.
18:33Mananakot naman ngayong Kapaskuhan sa Shake, Rattle and Roll Evil Origins.
18:38Sina Carla Abeliana, Manilin Reines, Ashley Ortega, Isabel Ortega, Dustin Yu, Matt Lozano, Althea Ablan at Elijah Alejo.
18:48Bida naman sa Power Boys After School, Sina Rocco Nasino, Will Ashley, Glyza De Castro, Therese Malvar, Bryce Eusebio at Royce Cabrera.
18:59Sina ex-PBB housemates, Shuvie Etrata at Mika Salamangka, mapapanood naman sa Call Me Mother na pinagbibidahan ni Uncabogable star, Vice Ganda.
19:13Nakikisa si na Pangulong Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte sa pagdiriwang ng Pasko ngayong taon.
19:19Sa kanila mga mensahe, pareho nilang hangad ang pagmamahal at biyaya para sa bawat Pilipino.
19:24Sa pagsasalubong natin sa Pasko at ng bagong taon, naway lalo pa tayo mabiyayaan ng magandang kalusugan,
19:34mapaligiran ng mabubuting pamilya at kaibigan, at magkaroon ng mas masaganang kabuhayan.
19:41Kaya po, mula sa aming pamilya, kami ay bumabati sa inyo ng Maligayang Pasko at Maligong Bagong Taon.
19:51Hangad ko ang inyong kaligayahan kasama ang inyong mga kamamilya at mahal sa buhay.
19:58Lagi din nating ipagdasal ang biyaya ng kapayapaan at katatagan ng ating minamahal na bansa.
20:06Tandaan po natin na ang pusong nagpapasalamat ay mapagbigay, mapagmahal, mapagpatawan.
20:14Mula sa kaibutura ng aking puso, malipayong Pasko kaninyong tanan.
20:21Sa gitna ng kapaskuhan, may bagong labing walong kaso ng stroke, heart attacks at asthma mula December 21 hanggang kahapon.
20:32Ayon sa Department of Health, 60 hanggang 67 na taong gulang ang mga pasyente.
20:37Dalawa ang naitalang nasawi sa stroke at atake sa puso.
20:40Kung tutuusin, bumaba na ang bilang ng mga kaso na yan o ng non-communicable diseases ngayong holiday season.
20:46Paalala ng DOH ngayong Pasko at bagong taon, iwasan ang labis na pagkain, paninigarilyo, paginom ng alak at stress.
20:56I-monitor ang blood pressure at maging aktibo.
20:59Kung may hika, umiwas sa alikabok at usok.
21:04Nang dahil sa pagpapaputok sa pagsalubong ng Pasko, sinita ng barangay ilang kabataan sa Maynila.
21:09Nang ang bakasya ang ilang residente na baka pagbulan nito ng sunog.
21:13Balitang hatid ni Bea Pinla.
21:23Nagmistulang playground ng kabataan ang bahagi na ito ng Morione Street sa Tondo, Maynila.
21:27Kaliwat ka ng paputok ang sinindihan nila sa kalsada para sa lubungin ng Pasko.
21:32Inireklamo ito ng ilang residente.
21:34Okay lang naman na magpaputok. Kaya lang syempre, sa tamang lokasyon lang na magpaputok.
21:38Yung mga kabataan kasi dito, matitigas yung ulo.
21:41Gusto ko, kahit pagsabihan mo sila na bawal magpuputok.
21:45Delikado lang po, pwede po magkasunog.
21:47Sinaway naman ang barangay ang mga kabataan na nagpapaputok sa kalsada.
21:50Nakikipagugnayan din daw sila sa pulisya.
21:52Kaya lang yung mga kabataan, lalo na yung nagtitinda ng paputok dyan sa malalapit.
21:57Hindi mo talaga sila, kahit alam nilang bawal, pinipilit para nila talagang magtinda.
22:02At yung mga kabataan, umibili.
22:05May umiiral din na curfew sa Maynila para sa mga menor de edad,
22:08simula alas 10 ng gabi hanggang alas 4 ng madaling araw.
22:12Panawagan ng barangay sa mga magulang,
22:14Yung mga anak po nila, gabayan nila, lalo na sa pagpapaputok.
22:18Kasi po hindi natin maiwasan ng aksidente or disgrasya.
22:21Ayon sa Manila Police District,
22:23hindi pwedeng magpaputok kung saan saan lang,
22:26base sa Executive Order No. 36 ng Maynila.
22:29Pinapayagan lang ang paputok at pyrotechnic devices
22:32sa mga community fireworks display na may kaukulang permit
22:35mula sa lokal na pamahalaan.
22:37Nagpaalala naman si Mayor Esco Moreno sa publiko
22:40na iwasan ang paggamit ng paputok
22:42para aniya masiguro ang kaligtasan ng publiko ngayong Pasko at bagong taon.
22:47Bea Pinlak, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
22:51May init na balita sa Visayas at Mindanao mula sa GMA Regional TV.
23:02Isang bagong silang na sanggol ang natagpuan sa gilid ng kalsada sa Rojas Capiz.
23:08Sara, sino ang nag-iwan doon sa sanggol?
23:11Rafi, tinutukoy pa kung sino ang umabando na sa sanggol na babae.
23:16Nagahanap na ang pulisya ng CCTV footage sa lugar.
23:19Nakabalot ng lampin at nasa loob ng kahon ang bata
23:22nang iwan ito sa tapat na bahay na isang dating kagawan
23:25ng barangay San Jose.
23:27Nakadugtong pa raw ang umbilical cord o pusod ng bata.
23:31Dinala sa ospital ang sanggol at maayos na raw ngayon ang lagay.
23:36Nakalipat na ang labing-anim na pamilyang sinalanta
23:39ng bagyong tino sa kanilang bagong bahay
23:41sa Bayanihan Village sa Mandawe, Cebu.
23:45Sila yung mga residente ng barangay Alang-Alang
23:47at barangay Umapan na unang nakituloy
23:49sa modular shelter units ng Department of Human Settlements
23:53and Urban Development.
23:55Mayroon ang supply ng tubig at kuryente
23:57sa Bayanihan Village.
23:59Pero dahil hindi pa tapos ang kanilang cooking area,
24:02sa ilalim na mga tolda muna sila nagluluto.
24:05Doon na nila ipinagdiwang ang noche buena kagabi
24:07at sasalubungin ang bagong taon sa susunod na linggo.
24:11Nananatili naman sa evacuation centers
24:13ang iba pang sinalanta ng bagyo.
24:18Sa ibang balita, posibleng re-enacted muna
24:20ang budget ng gobyerno sa mga unang araw ng 2026
24:24habang hindi pa napipirmahan ni Pangulong Bongbong Marcos
24:26ang 2026 National Budget.
24:29Sa ngayon, hindi pa permado ng Kamara at Senado
24:32ang Bicam Report ng Budget.
24:34Balitang hatid ni Mav Gonzalez.
24:35Sa unang linggo na ng Enero,
24:39mapipirmahan ni Pangulong Bongbong Marcos
24:42ang 2026 National Budget.
24:44Kinumpirma yan ni Executive Secretary Ralph Recto
24:46sa isang mensahe sa GMA News Online.
24:49Nauna na nang sinabi ni Senate President Tito Soto
24:52na posibleng re-enacted ang budget
24:54sa mga unang araw ng taon.
24:56Noong nakaraang Webes lang natapos
24:57ang pagtalakay ng Bicameral Conference Committee
25:00sa budget.
25:01Sa December 29 naman ito, raratipikahan.
25:03If they have started reviewing it from now
25:06up to that time,
25:09there is a possibility.
25:10But I doubt it.
25:13I doubt it.
25:15Perhaps somewhere like,
25:18sometime like
25:19first week of January
25:21would be ideal
25:22na na-review na ni Leon.
25:25So possible re-enacted for a few days?
25:27Yeah.
25:28Kung ganun lang naman,
25:30walang problema because
25:30the last time,
25:32ganunin pa kami three months
25:33na re-enacted.
25:34Si Senate President Pro Tempore Ping Lakson,
25:37matagal na rin sinasabing
25:38mas mainam ng magkaroon
25:40ng re-enacted budget
25:41sa unang quarter ng 2026
25:43kesa madaliin ang pagpasa
25:45na ni hindi nare-resolba
25:47ang mga issue
25:48ng maling paggamit
25:49at pag-abuso sa pondo,
25:50particular sa flood control projects.
25:53Dahil aniya hindi magkasundo
25:54ang Senado at Kamara
25:55sa ilang programa,
25:57kabilang ang farm-to-market roads
25:58at mga ayuda
25:59gaya ng Maifip at AX,
26:01naglagay na lang ng safeguards
26:02ang Senado
26:03sa pagpapatupad
26:04ng mga ito.
26:05Naiintindihan naman daw
26:06ni Senate Finance Committee
26:07Chairman Sen.
26:08Win Gatchalian
26:09na kailangan ng ehekutibo
26:11ng sapat na oras
26:12na reviewhin
26:12ang mahigit
26:13apat na libong pahina
26:15ng enrolled copy
26:16ng budget.
26:17Maingat na aksyon-anian
26:18na pirmahan ito
26:19ng Pangulo
26:19sa unang linggo ng Enero
26:21para masigurong
26:22napag-aralan talaga
26:23lahat ng probisyon.
26:24Nauna na rin sinabi ni Gatchalian
26:26na kumpiyansa siyang
26:27walang i-vito
26:28sa budget ng Pangulo
26:29dahil coordinated ito
26:30sa ehekutibo.
26:32Iginiit naman
26:32ni Lanaudal Sur
26:33First District Representative
26:34Zia Alonto Adyong
26:36na walang pork barrel
26:37sa 2026 national budget.
26:39I think I'm confident
26:40at this time
26:41this 2026 budget
26:43is full
26:44airtight po
26:48kung akong tatanungin nyo
26:49na wala pong mga
26:51insertions dyan
26:53wala pong mga
26:54line items dyan
26:56na magbibigay pondo
26:58doon sa mga
26:59questionable
27:00mga infrastrukturang
27:04programa.
27:05The 2026 budget
27:07contains
27:08no lump sum
27:08appropriations
27:09no discretionary funds
27:11and is fully
27:13itemized.
27:14There is no pork barrel
27:15and there are no
27:16pork barrel
27:17appropriations
27:17in the 2026
27:19national budget.
27:20Sa ngayon,
27:21nasa proseso
27:21anian ng reconciliation
27:22ng House at Senate
27:24versions,
27:24ang BICAM
27:25technical staff.
27:26Inaasahan daw nilang
27:27makakatanggap sila
27:28ng kopya ng BICAM report
27:30bago ito
27:30iratify ng kongreso.
27:321,000 pages.
27:331,000 pages.
27:33Minsan,
27:34pamutpatayan ng 5,000
27:36na pahina.
27:38So,
27:38that's going to be
27:39now the work
27:41of the committee
27:42staff.
27:43The majority
27:44leader ensured
27:45the House
27:46not only
27:46Congress Mantinho
27:48and the minority
27:48but ensured
27:50that the whole House
27:50will be
27:52furnished a copy
27:54individually
27:55of the committee
27:56report prior
27:57to
27:57the ratification
27:59so that all of us
28:00would have time
28:02to review
28:03and look at
28:05the items
28:07and compare it
28:09probably on
28:09the approved
28:10HGAB.
28:11Mav Gonzalez
28:12nagbabalita
28:13para sa GMA
28:14Integrated News.
28:16Nag-enjoy
28:17ang libu-libong
28:17turistang sinalubo
28:18ang Pasko
28:19sa isla ng Boracay
28:20sa Malayaclan.
28:22Ang ilan naman,
28:22sinamantalang magandang
28:23panahon
28:24para sa iba't-ibang
28:25water activities.
28:26May ulat
28:27on the spot
28:27si John Sala
28:28ng GMA Regional TV.
28:30John?
28:34Rafi,
28:35nag-uumpisa na
28:36ngayong umulan
28:36pero kaninang
28:37umaga
28:38nung maganda
28:38pang panahon
28:39maraming sinamantala
28:40at naligo
28:42at nag-bonding
28:43dito sa beachfront area.
28:44Kagabi naman,
28:45siyempre,
28:46naging makulay
28:47ang Christmas Eve
28:48celebration
28:48dito sa isla
28:49ng Boracay.
28:50Naging masigla din
28:51ang pagsalubong
28:52sa Christmas
28:53dito sa isla
28:53ng Boracay
28:54dahil sa mga
28:55kalupita parties
28:56at pakulo
28:57ng mga establishmento.
28:59Sa ilang restaurants
28:59at bars nga,
29:00nag-Ala Santa's Helpers
29:02ang costume
29:03ng mga staff.
29:04Siyempre,
29:04hindi rin mawawalang
29:05inaabangang
29:06fire dance
29:07na may mga
29:08piniling
29:09mag-early
29:09noche buena
29:10by the beach
29:11habang pinapanood
29:12ang fire dance
29:13performances.
29:14Hindi lang mga
29:15establishmento
29:16ang may mga pakulo
29:16at meron din
29:17mga turista
29:18na nag-costume
29:19at nag-Christmas party
29:20dito sa isla.
29:21Ang pamilya nga
29:22ni Simon
29:23na mula pa
29:24sa United Kingdom
29:25e nakasuot
29:26ng costume
29:27ni Santa Claus.
29:28Meron din mga
29:28acoustic band
29:29na humarana
29:31sa mga turistang
29:32kumakain
29:32by the beach.
29:34Kaninang umaga,
29:35ilang mga turista
29:36ang nag-early swimming
29:38nga
29:38at nag-banding
29:39dito
29:39sa beachfront area
29:40dahil sinamantala nila
29:41ang magandang panahon.
29:43Mga bandang
29:43alas 9
29:44e nagsimula na din
29:45ang iba't ibang
29:46mga water sports
29:47activities
29:48dito sa Boracay.
29:49Narito
29:49ang panayam namin
29:51sa ilang mga turistang
29:52nag-enjoy
29:53dito sa isa
29:53ng Boracay.
29:57It's a Christmas
29:58experience for them
29:59which will be
29:59videoed and
30:00hopefully
30:00watched in years
30:02to come.
30:02It's such a
30:03wonderful place
30:04to come to.
30:04The Philippines,
30:05Boracay.
30:06Masaya kasi
30:07yung baby namin
30:09gustong-gusto
30:09maglaro sa sand
30:10and mag-swing.
30:11Inaasahan naman
30:17Rafi
30:18na mas marami
30:19pang mga turista
30:20ang bibisita
30:20sa isa ng Boracay
30:21mamayang hapon.
30:23Pinaalalahan na naman
30:24ng Malay LGU
30:25ang mga turista
30:26na huwag basta-bastang
30:27itapon na kanilang
30:28mga basura
30:29kung saan-saan lang
30:30dito sa Boracay.
30:31Clay go ba
30:32o clean as you go
30:33para mapanatili
30:34ang kalinisan
30:34ng isla ng Boracay.
30:36Yan ang latest
30:36mula dito sa
30:37Boracay Island,
30:38Malay Aklan.
30:39Balik sa inyo dyan, Rafi.
30:40Merry Christmas
30:41sa iyo at sa iyong team
30:43John Sala
30:43ng GMA Regional TV.
30:47Pinangunahan ni Pope Leo XIV
30:49ang Misa
30:49sa St. Peter's Basilica
30:50sa Vatican City
30:51para sa bisperas
30:52ng Pasko.
30:54Sa Sermon ng Santo Papa
30:55sinabi niyang dapat
30:56maging aral sa mga deboto
30:57kung paano
30:58ipinanganak
30:58sa sabsaban si Jesus
31:00dahil walang kwarto
31:01sa pinuntahan nilang lugar.
31:03Paalala do ito
31:04na ang pagtanggi
31:05ng tumulong
31:05sa mga may hirap
31:06at dayuhan
31:07ay katumbas
31:08ng pagtanggi sa Diyos.
31:09Ito ang unang Pasko
31:11ni Pope Leo XIV
31:12matapos mapiling
31:13Santo Papa
31:14nitong Mayo.
31:15Bago yan,
31:16una nang nanawagan
31:17ng Global Truth
31:17o Tigil Putukan
31:18ng Santo Papa
31:19para sa araw
31:20ng Pasko.
31:21Hiling niya
31:22sa lahat ng taong
31:22may mabubuting puso
31:24na respetuhin
31:25ang pagkakaroon
31:26ng payapang araw
31:27lalo na
31:28sa selebrasyon
31:29ng kapanganakan
31:30ni Jesus.
31:30May mga namimili
31:37ng gamit
31:38ang napamaskong
31:39Aguinaldo
31:40sa kanilang ninong
31:41at ninang
31:41gaya na lang
31:42sa Baklaran.
31:43May ulat
31:44on the spot
31:44si Bernadette Reyes.
31:46Bernadette?
31:50Rafi,
31:51kahit na puyat
31:52sa Noche Buena
31:53ay buena mano
31:54pa rin
31:54ng ilan natin
31:54mga kapuso
31:55na maagang namili
31:56dito sa Baklaran.
31:58Dito na
32:02sa pwesto niya
32:03sa kahabaan
32:04ng service road
32:04ng Rojas Boulevard
32:05sa Paranaque
32:06sinalubong ni Sherwin
32:07ang Pasko
32:08para bantayan
32:09ang kanyang pwesto.
32:10Pagkakataon raw
32:11kasi ito
32:12para makabenta
32:13ng mga panindang damit
32:14tamang-tama
32:15para sa mga
32:15maagang namasko.
32:17Ang mag-ina namang ito
32:18agad pinang-shop
32:19ang napamaskuhan
32:20sa halagang
32:212,000 pesos
32:22nakabili na
32:23ng mga t-shirt
32:24pantalon
32:25at sapatos.
32:26Ang kanyang anak naman
32:27nakapamasko
32:28ng mahigit
32:28500 pesos.
32:30Pero sa halip
32:31na ibili ng laruan
32:32pagkain
32:33ang binili
32:33at ang sobra
32:34binigay niya
32:35sa kanyang nanay.
32:36Ang iba naman
32:37tulad ng pamilyang ito
32:38window shopping
32:39muna habang
32:40wala pang napapamaskuhan.
32:42Ang mahalaga raw
32:42magkakasama sila
32:44sa araw ng Pasko.
32:45Sa ordinaryong araw
32:46hindi pinapayagan
32:47ng mga tiyangge dito
32:48sa kahabaan
32:49ng service road
32:50ng Rojas Boulevard
32:51Pero in the spirit
32:52of Christmas
32:53ika nga
32:54pinayagan sila
32:55makapagbenta
32:55ngayong Kapaskuhan.
32:57May mga nakaantabay
32:58naman mga traffic enforcer
32:59para tumulong
33:00sa daloy
33:01ng trapiko.
33:02Rafi sa ngayon
33:03ay mabigat
33:04ang daloy
33:05ng trapiko
33:05dito sa service road
33:06ng Rojas Boulevard.
33:08Pero meron
33:09naman mga traffic
33:10enforcers
33:11na tumutulong
33:12at
33:13meron rin mga taong
33:16umaabot na rin
33:16dito sa may banketa
33:18kaya naman
33:18malaki talaga nga
33:20ginhawa
33:21kung kayong araw
33:22ng Kapaskuhan
33:23ay magbibigayan po tayo
33:25in the spirit
33:26of Christmas
33:27ika nga.
33:28Mula rito
33:28sa Baklaran
33:29sa Paranaque
33:30bumabati kami
33:30sa inyo Rafi
33:31ng isang
33:32Merry Christmas.
33:33Maraming salamat
33:34at Merry Christmas
33:35sa iyo
33:35at sa iyong team
33:36Bernadette Reyes.
33:42Fun-filled
33:43at exciting
33:45ang pagsalubong
33:45sa bagong taon
33:46sa Kapuso
33:47Countdown
33:48to 2026.
33:50Kabilang
33:51sa mga
33:51aabangan
33:52ng Kapuso
33:53stars
33:53na sina
33:54Julian San Jose,
33:56River Cruz,
33:57Christian Bautista,
34:00Rocco Nasino
34:00at
34:01Kaylina Alcantara
34:03pati sinang
34:04Sangre Faith
34:05Da Silva
34:05at Angel Guardian.
34:07Present din
34:07ang ex-PBB
34:08housemates
34:09na sina
34:10Will Ashley,
34:11AZ Martinez,
34:12Charlie Fleming,
34:13Josh Ford
34:14at Vince Maristela.
34:15Together with
34:16Collab 2.0
34:17ex-housemates
34:18na si Marco
34:19Massa,
34:20Wynonna
34:20Collings,
34:21Lee Victor
34:22at Eliza
34:23Borromeo.
34:23All-out
34:24performance din
34:25ang iyahatid
34:25ng ilang stars
34:26ng Kapuso Dance
34:27and Singing
34:28competitions.
34:29It's gonna be a
34:30grand salubong
34:31kasama rin
34:32si Miss Grand
34:33International
34:332026
34:35Emma Tiglau.
34:36May special
34:36participation pa
34:38ang K-pop
34:39group na
34:39Ahoff.
34:40Sa December
34:4131 na yan
34:42till past midnight
34:43sa SMOA
34:44Seaside Boulevard.
34:46Mga mari at pare,
34:47libre po
34:47ang admission.
34:49Sa mga
34:49timbahay naman,
34:50mapapanood din
34:51ang Kapuso
34:52countdown
34:52to 2026
34:53sa GMA Network
34:55at official
34:56Kapuso
34:56online platforms.
34:58Silipin naman
35:01natin ang sitwasyon
35:02sa Baguio City
35:03na dinagsan
35:04ng maraming turista
35:05ngayong Pasko
35:052025.
35:07May ulat
35:07on the spot
35:08si Sandy Salvasio
35:09ng GMA
35:09Regional TV.
35:11Sandy?
35:16Rafi,
35:16matapos
35:17ang makulay
35:18at maingay
35:18na selebrasyon
35:19ng Pasko
35:20dito sa Baguio City
35:21ay kanya-kanyang
35:22gimmick na
35:22ang ating mga kababayan
35:23para sulitin
35:25at enjoy pa
35:25ang pagdiriwang
35:26ng holiday season
35:27ngayong
35:28long vacation.
35:31Maagang dumagsa
35:32ang mga bisita
35:33sa ilang pook pasyalan
35:34sa lungsod ng Baguio
35:35tulad sa Burnham Park.
35:37Ayon sa ilang turista
35:38hindi raw kumpleto
35:39ang Pasko
35:40nang hindi nararanasan
35:41ang malamig na temperatura
35:42sa Baguio.
35:43Matapos ang pagdiriwang
35:44ng Pasko
35:45hindi na iwasan
35:46ang mga nagkalat
35:47na basura sa syudad.
35:49Nililinis naman ito agad
35:50ng mga street sweeper
35:51at dahil trip ng ilan
35:53ang mamasyal
35:53ngayong nasa
35:5416 to 23 degrees Celsius
35:56ang temperatura
35:57sa lungsod
35:58paunahan
35:59ang mga motorista
35:59sa mga paradahan.
36:01Wala pang alasyete
36:02ng umaga kanina
36:03punuan na
36:04ang ilang parking area.
36:06Hindi lang daw
36:07sa heavy traffic
36:08masusubok
36:08ang pasensya
36:09kundi sa paghahanap
36:10din ng paradahan.
36:11Rafi, kung pasyalan din lang
36:14ang pag-uusapan
36:15dito sa Barangay Irisan
36:17sa Baguio City
36:17ay matatagpuan na
36:19ang isa sa mga kilalang
36:20pook pasyalan.
36:22Mistu lang
36:22nasa United Kingdom
36:24ang dating mo
36:26dahil sa Windsor Castle
36:28theme
36:29na pagkakadesenyo
36:30nitong Batong Palasyo.
36:31Maliban dyan, Rafi,
36:32ay isa rin
36:32sa mga dinadagsa ngayon
36:34ng mga turista
36:35ang ilan pang mga pasyalan
36:36katulad na lamang
36:37ng Mines View,
36:38Botanical Garden,
36:39Ride Park,
36:40at marami pang iba.
36:41Yan muna ang mga latest
36:43muna rito sa Baguio City.
36:44Happy Holidays
36:45sa inyo, Jan Rafi.
36:47Maraming salamat
36:48at Merry Christmas
36:49and the Salvation
36:50ng GMA Regional TV.
36:55Patay sa pamamaril
36:56ang dalawang security guards
36:57sa Quezon City.
36:58Ang suspect,
36:59kapwa-secure
37:00ng mga biktima.
37:01Balita-hantid
37:02ni James Agustin.
37:06Nakaiga sa mga couch,
37:08wala ng buhay
37:08at may mga tama
37:09ng bala ng baril.
37:10Ganyan natagpuan
37:11ang dalawang security guards
37:12sa isang branch
37:13ng car dealership
37:14sa barangay Fairview,
37:15Quezon City
37:15ayon sa Quezon City
37:16Police District
37:17na puruhan sa ulo
37:18at leg ang mga biktima.
37:19yun ang nakikita natin
37:21yung mga biktima
37:23may pindalang habang...
37:24Sa initial investigation po natin,
37:27ang sabi po ng witness
37:28na isang sales agent,
37:30yung isang duty din po
37:31na security guard
37:32ay nagsabi na
37:33tulungan siya
37:34dahil pupuntahan niya
37:36yung mga taong
37:36papatayin niya.
37:38Hindi naman daw po
37:39niya inaakala
37:40na yun pala
37:40yung mga kasama niya
37:41na guard.
37:42Tukoy na ng puli siya
37:43ang suspect na security guard
37:44din.
37:45Tinutugi sa siya
37:46ngayon ng mautoridad.
37:47Nire-review na rin
37:48ang makuha ng CCTV
37:49sa pinangyarihan
37:50ng paumarin.
37:50Ang going po yung
37:51hot portrait operation natin
37:53dahil identified naman po
37:54itong suspect natin.
37:57Ang mga polis po natin
37:59ay nakadeploy na
38:01para manocate po
38:02yung itong suspect.
38:04Masusingin i-imbisigahan
38:05ng QCPD
38:06ang posibleng motibo
38:07sa krimi.
38:08Nakipagugnayan na rin sila
38:09sa pamunuan ng car dealership.
38:10Wala pa pong
38:11maging lang na motibo
38:13basta ang
38:14ayun sa ating mga witness.
38:17Ang sinasabi lang po
38:19ng ating suspect
38:19may gusto daw siyang
38:23napatayin
38:24at matagal na siyang
38:25nagtitulog.
38:26Maari po
38:26may previous
38:27na gunatas po sila
38:28kaya siguro
38:29nagawa niyo.
38:31James Agustin
38:32nagbabalita
38:33para sa Gemma Integrated News.
38:40May enjoy ba
38:41ng marami nating kapuso
38:42ang lagay ng panahon
38:43ngayong araw ng Pasko?
38:45Mga kakapanem natin live
38:46si Beneson Estareja
38:47weather specialist
38:48mula sa pag-asa.
38:49Maganda umaga sa'yo.
38:52Good morning po
38:53Sir Rafi Meticus.
38:54Merry Christmas.
38:55Magiging maayos
38:55ba ang lagay ng panahon
38:56dito sa Metro Manila
38:57ngayong Pasko?
38:59Yes.
39:00For Metro Manila
39:00we're expecting po
39:01halos katulad din
39:02na weather conditions
39:03nitong mga nagdaang araw.
39:04Party cloudy to cloudy skies po
39:06then may chance
39:06na lamang po
39:07na mga pulo-pulo
39:07mga pag-ulan
39:08o yung mga pag-ampun po
39:09na hindi naman po
39:10tuloy-tuloy.
39:11Saan saan lugar sa bansa
39:12yung posibleng
39:13ulanin ng husto
39:14sa mga susunod na oras?
39:15In the coming hours po
39:18we're expecting pa rin
39:19yung eastern side
39:20ng ating bansa
39:21ang pinakamataas
39:21sa chansa ng ulan.
39:23Kung dito po
39:23sa may Gagayan Valley,
39:24Aurora, Quezon
39:25and then some parts
39:26of Cordillera region
39:27yan po ay dahil pa rin
39:28sa malamig na
39:29northeast monsoon
39:30more mga light
39:31to moderate rains po
39:32and dito naman
39:33sa pating Bicol region
39:35northern summer
39:36some areas pa
39:37sa may Caracas
39:38sa may eastern Mindanao
39:39asahan naman din
39:40yung mga kalat-kalat po
39:41na ulan
39:41and thunderstorms
39:42hanggang mamayang gabi
39:43yan po ay dahil naman
39:43sa eastern east.
39:45Nabanggit mo
39:45light to moderate
39:46pero mga kabundukan
39:47ito na saturated na
39:48so posibleng pa rin ba
39:49ang landslides
39:50sa mga lugar na ito?
39:52Yes po
39:53if we're talking of
39:54some areas dito
39:54sa may Cordillera
39:55and Calabalio
39:56mountain ranges
39:57as well as
39:57Sarah Madre
39:58mountain ranges
39:59ilang araw na po
39:59na mataasang chance
40:00ng mga pag-ulan dyan
40:01magandito rin po
40:02sa may area
40:03ng Bundok Banahaw
40:04sa may Quezon
40:04and Laguna
40:05mataasang chance
40:06po ng mga pag-uhunan pa.
40:08Okay, maraming salamat sa iyo
40:09Benison Estareja
40:11weather specialist
40:11mula sa pag-asa.
40:14Salamat po.
40:16Dag sana ang mga pamilyang
40:17piniling mamasyal
40:18sa Rizal Park Luneta
40:19ngayong araw ng Pasko.
40:21Update tayo
40:21sa sitwasyon doon
40:22sa Ulat on the Spot
40:23ni Ivan Mayrina.
40:25Ivan!
40:29Rafi, magandatang hali.
40:32Merry Christmas
40:32mula dito sa Luneta
40:34sa Maynila
40:34isa sa mga paboritong
40:36pasyalan
40:36ng ating mga kababayan
40:38tuwing araw
40:39ng Pasko
40:39at ngayong Pasko
40:402025
40:41wala nagbago.
40:43Pami-pamilya pa rin
40:44ang nagtungo rito.
40:45Naglalakang lakad
40:47meron namang
40:47kanya-kanyang latag
40:48ng banig
40:49at nagpipiktik na
40:50dito sa Luneta.
40:51Bakit ka naman hindi
40:52maluwag ang espasyo.
40:54Perfect para sa mga bata
40:55at lalo ngayon
40:56nakisama pa
40:56ang magandang
40:57lagay ng panahon.
40:58Ang pamilya ni Ervin
40:59Pahila
41:00nakausat namin kanina
41:01dito muna maghapon.
41:03May iniiwasan daw
41:04kasi sila.
41:05Para may iba naman
41:10ang view
41:11pag sa amin
41:12maraming
41:12inuman
41:14nasin
41:14medyo iwas-iwas tayo
41:15sa ganun.
41:16Mas maganda dito.
41:18Para sa iiiwasan mo
41:19inaanak mo.
41:20Hindi.
41:26Ang handa ng pamilya
41:27ngayong araw
41:28fried chicken,
41:29hot dog,
41:30may sinaing
41:30at may cake din.
41:32Pero ang nagpapay-espesyal
41:33sa salo-salaw
41:34ito hindi
41:34ang mismong handa.
41:35Kundi ang pagkakataong
41:36magsama-sama
41:37at magsalo-salong
41:38pamilya
41:39na siyang mahalagang
41:40kahulugan ng Pasko
41:41para sa karamihan
41:41ng aming mga
41:42nakausap
41:42na naririto ngayon
41:43at gayon din
41:44sa nakararaming
41:45mga Pilipino.
41:46Paraan din ito
41:47ng marami
41:47para huminga,
41:48ngumiti
41:49at mag-relax.
41:50Marami raw kasing
41:51hamong pinagdaan
41:51ngayong taon.
41:52Nariyan na ang
41:53araw-araw na
41:54hamong ng buhay,
41:55may mga dumaan
41:55kading kalamidad
41:56at trahedya
41:57at ang mga balitang
41:58ikinagalit
41:59at ikinalungkot
42:00ng mga Pilipino.
42:05Medyo nakakapagod
42:06pero masaya naman
42:07kasi kasama namin sila.
42:08Marami raw yung
42:08magsubok ni Sira.
42:09Opo, yes po,
42:10lalo na sa mga
42:11flood controls.
42:12Pero, well,
42:13kailangan pa rin natin
42:14maging masaya
42:15kasi kailangan,
42:16siyempre Pasko.
42:17Raffi,
42:22bukod sa maluwag
42:23na espasyo
42:24ang dinadayo din dito
42:25yung Dancing Fountain
42:27mamayang gabi
42:27at ngayon din
42:28yung mga pailaw
42:29siyempre dito.
42:30Sa ngayon,
42:30Raffi,
42:31gumanda pa yung panahon.
42:31Kanina kasi
42:32medyo mainit,
42:33trik ang araw
42:33pero ngayon,
42:34kulimlim
42:35kaya mas presko
42:36at mas dumarami pa
42:37ang mga nakikita
42:38na din dito.
42:38Yung mga pupunta pa rin
42:39mamaya,
42:40magdala na rin po kayo
42:41ng panangga sa ulan
42:42o sa araw
42:42dahil hindi natin malaman
42:44kung ano magiging
42:44lagay ng panahon
42:45hanggang mamaya.
42:46Bukas pong luneta
42:47hanggang alas 11
42:48mamayang gabi.
42:50Raffi,
42:50Merry Christmas!
42:51Maraming salamat
42:52at Merry Christmas
42:53sa iyo at yung team
42:53Ivan Mayrina.
42:59May Christmas Party
43:01si Nagkapuso
43:01Primetime King and Queen
43:03Ding Dong Dantes
43:03at Marian Rivera
43:05sa Dongyan Teams.
43:07Havana-themed ang party
43:09kaya
43:09tropical inspired
43:11ang mga suot
43:11na mga bisita.
43:13May pagkain,
43:14sayawan,
43:14games,
43:15at para fall
43:16ang power couple.
43:18Sabi ni Marian,
43:19blessed silang mag-asawa
43:20na magkaroon
43:21ng Dongyan Teams
43:22na itinuturing
43:23na nilang pamilya.
43:25Ipinost din ni Marian
43:26ang Christmas
43:26family portrait
43:27kasama ang mga anak
43:29na si Nazia
43:30at Sixto Dantes.
43:34Si Jack Roberto
43:35naman
43:36ibinahagi
43:36ang highlights
43:37ng kanilang
43:38Noche Buena
43:39with family.
43:40Punong abalaraw
43:41sa paghahanda
43:41ang kapatid
43:42na si Danaya
43:43Sania Lopez.
43:44Sabi ni Sania,
43:45Merry ang Christmas
43:46dahil magkakasama
43:48silang pamilya.
43:50Adorable naman
43:51ang Tenchen
43:52family.
43:53Ninasanggang
43:54Dikit for Real
43:55stars
43:55Dennis Trillo
43:56at
43:56Jeneline Mercado
43:57sa Christmas
43:58pictures.
43:59Kasama ang mga
43:59anak na
44:00si Nacalex,
44:01Jazz at
44:02Dilan.
44:03Paskong-pasko
44:03ang vibe
44:04sa kanilang
44:04red outfit
44:05at gimmick
44:07na box
44:07photo shoot.
44:08Si Alena Gabby Garcia
44:10naman
44:11umatend
44:11ng Misa
44:12with family.
44:13Si Kapuso
44:14Primetime Princess
44:15Barbie Forteza
44:16together with family
44:17naman
44:18sa kanilang
44:18pagsalubong
44:20sa Pasko
44:20this year.
44:29Naantala ang
44:29Christmas party
44:30celebration
44:31na isang klase
44:31sa Malolos,
44:32Bulacan.
44:33Dahil yan
44:34sa balitang
44:34unexpected
44:35but
44:36well appreciated.
44:37And the
44:45class goes
44:46wild.
44:47The third
44:47reaction
44:47dahil
44:48licensed
44:48professional
44:49teacher na
44:49si Angelica
44:50Jacinjas
44:51ang kanilang
44:52Mamjel.
44:53Isa siya
44:54sa mahigit
44:5457,000
44:55secondary
44:55teacher passers
44:56ng mga
44:57nagdaang
44:57LEPT.
44:59Nagpapalaro
45:00ng party
45:00games noon
45:01si Mamjel
45:01at hindi niya
45:02inakalang siya
45:03ang mag-uwi
45:03ng priceless
45:04na premyo.
45:06Wala
45:06raw siyang
45:06oras
45:07mag-review
45:07dahil sabay
45:08ang paghahanda
45:09sa exam
45:09sa pagpa-part-time
45:11teacher niya.
45:12Batay sa batas,
45:13pwedeng mag-hire
45:14ng bagong graduate
45:15bilang teacher
45:15at bibigan sila
45:17ng hanggang
45:17limang taon
45:18para makakuha
45:19ng lisensya.
45:20Certified
45:21teacher na
45:21si Mamjel.
45:23Habang ang
45:23video with
45:24more than
45:241.8 million
45:26views ay
45:26certified
45:27naman na
45:28trending.
45:29Trending!
45:31Congrats!
45:32Nakakatuwa.
45:33Talagang feel
45:33na feel
45:34mo yung
45:34kasiyahan
45:35ni Mam.
45:35Merry
45:35ang Christmas!
45:36Oo nga.
45:37Maligayang
45:38Pasko po
45:38mga kapuso.
45:39Ito
45:39ang balitang
45:40hali.
45:41Bahagi kami
45:41ng mas
45:42malaking
45:42misyon.
45:42Rafi Timo
45:43po.
45:43Kasama
45:44nyo rin
45:44po ako,
45:44Aubrey
45:45Karampel.
45:45Merry
45:45Christmas
45:46mga kapuso.
45:47Para sa
45:47mas malawak
45:48na paglilingkod
45:49sa bayan
45:49mula sa
45:50GMA Integrated
45:51News,
45:51ang News Authority
45:52ng
45:53Filipino.
Comments