00:00Binulabog ng malakas sa pagsabog ang pagsalubong sa bagong taon sa Tondo, Manila, kung saan dalawa ang nasugatan.
00:08Sa Antipolo City, labing isa naman ang sugatan ng magkaroon ng pagsabog sa tindahan ng mga paputo dahil sa lumihis na fountain.
00:16May report si Jomera Presto.
00:21Ipinagdiriwang sa Nara Street sa Tondo, Manila ang pagpapalit ng taon, nang biglang nagkaroon ng magkasunod na pagsabog.
00:30Natigil ang tugtugan at kasiyahan. Doon na nangyari ang napakalakas na pagsabog.
00:44Nasira ang bahagi ng tatlong bahay sa barangay 227. Ilang pyesa na lang ang natira sa washing machine ng pamilya Palma.
00:51Nadamay rin ang kanilang tricycle. Kasunod na mga pagsabog, may nakita pang di sumabog na malaking paputok sa bubong ng tricycle.
00:59Si Joseph Palma, nagtamon ng maliit na sugat sa binti dahil sa bumagsak na debris sa loob ng bahay.
01:05Pagkaputok nga dyan yan. Hindi siguro nasin diyan. Dabakbo. Pero malamang mas malaki pa yung pinaputok dyan.
01:13Ay, biro mo na lakas.
01:14Ang sabi po nung mga nakakita, minaghagis daw po.
01:17Sugatan din ang sampung taong gulang na babaeng natalsikan ng debris.
01:21Sa investigasyon ng polisya, low explosive ang component ng sumabog na paputok.
01:26Titignan natin kung talagang sinadya niya ba talagang ilagay yun para masira yung mga kagamitan doon.
01:33Hinahanap ng polisya ang nasa likod ng pagsabog sa tulong ng mga hawak nilang video at CCTV.
01:41Habang sinasalubong naman ang bagong taon sa Antipolo Rizal, pinaputok na sa area mga fireworks na yan ng biglang.
01:47Sunod-sunod na sumabog ang mga paputok sa baba.
01:53Nangyari yan sa designated area ng tindahan ng mga paputok sa Antipolo Rizal.
01:58Nagsitakbuhan ng mga tao sa gitna ng kalat-kalat na pagsabog.
02:01Tuguan po yung iba.
02:02Ang ilan, nagtago sa loob ng isang bahay sa likod ng mga tindahan.
02:06Sinisisi ng ilang saksi ang lumihis na pagputok ng isang fountain.
02:10Nagpaputok na po sila.
02:12Then napansin ko po biglang lumis po yung paputok.
02:15Then doon na po nagsimula yung trehetya.
02:18Ayon sa barangay de La Paz Rescue, labing isa ang nasugatan kabilang ang ilang minor de edad.
02:23Labing limang stall ang natupok.
02:25Ang pagpatak po ng alas 12, yung pong mismong stalls, isa sa mga stalls allegedly,
02:32ay sinabayan yung pagpalit ng taon, nagsinde.
02:36Nagsinde rin po sila ng kanilang fireworks doon sa open field.
02:41Nag-misfire o pumasok yung isang aerial fireworks doon sa retailer
02:46na mayroon pang stops na hindi nabenta ng mga fireworks or firecrackers.
02:54So nung lumiyab po iyon, ay doon po damay-damay na po yung mga katabi.
02:58Nangangalap ng CCTV footage ang BFP para matukoy ang salarin.
03:02Sa Makati naman, nasunog ang pwesto ng mga nagtitinda ng paputok sa gilid ng kalsada.
03:09Ang hinihinalang mitya nito, tumalsik na sinindihang paputok.
03:13Wala namang nasaktan pero isang motorsiklo ang nadamay.
03:16Wala sa mga nagtitinda ang sumipot sa investigasyon dahil iligal ang kanilang pagbebenta ng paputok.
03:21Prutas daw ang ipinaalam na ititinda roon.
03:24Naglihab din ang ilang stall ng paputok sa Tabok, Kalinga dahil sa nahulog na kwitis,
03:31tatlong menor de edad ang nasugatan.
03:33Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.