Skip to playerSkip to main content
Muling nasaksihan ngayong gabi ang pag-agos ng "uson" o pyroclastic density current mula sa bunganga ng bulkang mayon. Sa gitna ng patuloy na pag aalboroto ng bulkan, problema ang kakulangan sa evacuation center at ang banta ng lahar. May report is Ian Cruz.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Muling nasaksihan ngayong gabi ang pag-agos ng uson o pyroclastic density current mula sa bunganga ng Bulkang Mayon.
00:08Sa gitna ng patuloy na pag-alboroto ng bulkan, problema ang kakulangan sa evacuation center at ang banta ng lahar.
00:15May report si Ian Cruz.
00:19Sa kadiliman ng gabi, nagliliwanag ang uson na dumadaloy sa delistis ng Bulkang Mayon.
00:25Ang uson o pyroclastic density current ay halohalong mainit na bato, lava at gas ayon sa Fivolks.
00:32Sa nakalipas sa 24 oras, di bababa sa isang daan at tatlumpot isang rockfall events o pagdausdos ng bato ang naitala.
00:42Sumubay pa ang mga pagulan sa Albay.
00:45Nag-alala tuloy ang mga residente sa banta ng lahar kaya ang katutubong si Aling Teresita di na nag-atubiling lumikas.
00:52Nakatira kasi siya sa 6 na kilometrong palibot ng bulkan o permanent danger zone.
00:58Baka daalan kami ng lahar, mainit kasi ang lahar. Kasi dinadaanan lagi yun ang hindi kami makadaan.
01:04Isa si Aling Teresita sa 256 na evacuees sa buwang evacuation center sa syudad ng Tabako na ginamit na kahit tinatapos pa ang konstraksyon.
01:15Sa bayan naman ang malilipot, paggitsan libo na ang inilikas pero ang ilan, wala pang mapuntahang evacuation center.
01:24Ayon sa Albay Public Information Office, halos apatara ang pamilya o katubas ng mayigit 1,500 indibidwal na ilika sa buong probinsya.
01:45Bailan namang binalikan ang kanilang kabuhayan at alagang hayop sa loob ng 6-kilometer permanent danger zone.
01:54Hindi, nagbababaan naman kami. Para nagano lang kami ng mga hayop.
01:58May animal center tayo sa Antonio. Kung may mga gano'n, mga alagang hayop o animal, dali sa animal center.
02:05Nasa alert level 3 ang bulkang mayon ngayon.
02:09Ayon sa FIVOX, tila hawig sa nangyari noong 2023 ang ipinakikitang sinyales ng mayon ngayon.
02:15Ang kaibahan nga lang nakitaan ang bulkan ngayon ng pamamaga o ground deformation.
02:20Ibig sabihin, may material ka na gumigit-git, tumataas. So kaya siya namamaga.
02:28So signal to na may pressurization dun sa vulkan.
02:34So if this will follow the 2023 template, this would be longer than the 2023 kasi nga meron kang magma.
02:44Aabot pa kaya sa level 4 ang mayon?
02:46Anything can happen. Pwede magbago yung parameters natin. Kung biglang dumami yung volcanic earthquakes natin,
02:52kapag may lava flow na at mas mahahaba, kapag meron na tayong lava fountaining,
02:58yun yung itataasan na natin to alert level 4.
03:02Pag nangyari yan, posibleng ma-extend hanggang 9 kilometers o mas malayo pa ang danger zone.
03:08Pinakadelikado ang nasa loob ng danger zone dahil sa loob ng isang oras ay pwedeng rumagasa ang volcanic gases,
03:16abo, at nagbabagang mga bato mula sa bulkan.
03:20It can incinerate everything on its path. Bahay, tao, vegetation.
03:26Ang bulkan Tandao naman sa Negros Island, muling nagbuga ng abo itong hapon.
03:30Pero may tuturing daw na normal kung pagbabasihan ang alert level 2 status ng bulkan.
03:36Pinabulaan na naman ng Feebox ang kumakalat na maling impormasyon na nagsasabing sasabog ang bulkan mayon ngayong taon
03:43dahil sa aktibidad ng bulkan kanlaon sa Negros Island.
03:47Walang relationship yung dalawa. Yung mga bulkan natin ay independent. Iba yung mag-chambers nila, magkakalayo.
03:55Ian Cruz, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:00Iba yung mag-chambers nila, magkakalayo.

Recommended