Skip to playerSkip to main content
  • 1 week ago
DOLE, patuloy ang pagsisikap para paigtingin pa ang mga programang magbibigay ng oportunidad sa mga Pilipino

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Aabot sa halos 50 milyong Pilipino ang naggaron ng trabaho ngayong taon, na mas mataas kung para noong 2024.
00:07Isa lang yan sa mga ibinibidang accomplishments ng Department of Labor and Employment para sa 2025.
00:13Yan ang ulit ni Bien Manalo.
00:16Sa DOLE at sa DSWD, ipagpatuloy pa ninyo ang mga ganitong klaseng internship at pre-employment program para sa ating estudyante sa kolehyo.
00:27Managing tulong ito sa kanila habang sila ay nag-aaral. Managing tulong ito sa bansa.
00:35Iyan ang tagubilin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang ikaapat na State of the Nation address.
00:42Ang Department of Labor and Employment puspusa ng pagsisikapa na pag-ibayuhin pa ang kanilang mga programa na magbibigay ng mas maraming oportunidad sa mga Pilipino.
00:53Aling sunod na rin sa trabaho para sa Bayan Plan 2025 to 2034.
00:59Sa talaan ng DOLE, umabot sa maygit dalawang libong job fairs ang kanilang naisagawa sa buong Pilipinas.
01:06Mahigit kalahating milyong aplikante ang dumalo rito at higit pitumpong libo sa kanila ang na-hire on the spot.
01:13Mahigit isang daang libong estudyante ang nabenefisyuhan ng Special Program for Employment of Students.
01:19Mahigit dalawang bilyong piso naman ang inilaan ng DOLE para sa Government Internship Program kung saan maygit pitumpong libong estudyante ang natulungan.
01:29Higit apat na libong job seekers ang natulungan sa kanilang Job Start Philippines Program.
01:34Aabot naman sa halos apat na milyong piso ang inilaan ng DOLE sa pagbibigay ng tulong pangkabuhayan, scholarship, skills training at job placement assistance sa maygit tatlong daang individual.
01:46Sabi ng DOLE, bagamat maygit apat na raang libong empleyado ang nawala ng trabaho mula sa halos dalawampung libong establishmento ngayong taon
01:55na karamihan ay nagtatrabaho sa mga ipinasarang Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.
02:01Lumalabas na mas mataas ng 1.3% ang naitalang employment rate noong September 2025 kumpara sa pre-pandemic level.
02:10Bumaba naman ang naiulat na unemployment rate ngayong taon kumpara noong 2019.
02:16Sa kabuan, umabot na sa halos 50 milyong Pilipino ang nagkaroon ng trabaho ngayong taon.
02:22Mas mataas ito ng higit 400,000 kumpara noong 2024.
02:27Sa huling tala, umabot na sa higit 2 milyong job seekers ang nabigyan ng trabaho ng mga peso sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas.
02:35Ang aking tinutukoy ay yung katagang convergence, pagsasama-sama, pagkatagpo, pagkakaisa at pagsasanib ng pwersa ng mga departamento
02:48dahil halos lahat naman ang mga departamento ay mayroong kaugnayan sa usapin ng paggawa at panghanap buhay.
02:54Matatanda ang inilabas ka makailan ng Pangulo ang Executive Order No. 97 o ang Omnibus Guidelines
03:01on the Exercise of Freedom of Association and Civil Liberties.
03:05Layo nito, napalakasin ang karapatan ng bawat manggagawa na malayang makibahagi sa mga union
03:11at magpapatatag sa Freedom of Association.
03:14Lumagda rin sa kasunduan ng DOLE at Commission on Human Rights
03:18sa pagpapatupad ng Labor Intervention, Financial and Economic o Life Assistance Program
03:23na aalalay sa mga empleyado at kanilang pamilya na biktima ng labor rights violations.
03:29Mahigit 6,000 union members at officers ang nakatanggap ng specialized training
03:34habang higit 300 individual naman ang nabigyan ng scholarship grant sa ilalim ng WODP.
03:41Sa ngayon, may mahigit 1,000 existing collective bargaining agreements sa KLAW
03:46ang higit 300,000 manggagawa.
03:49Mas mataas ito ng 8.7% kumpara sa CBA registration noong ikatlong bahagi ng 2024.
03:55Ang manufacturing industry ang nangunguna pagdating sa union activity
04:00na may halos 10,000 union na may mahigit 800,000 miyembro.
04:05Sila rin ang may pinakamataas na CBA.
04:07Sa isang bagong Pilipinas, paglilingkod at servisyong maayos, matapat, mabilis,
04:15walang bahid at inklusibo, paasahan ng mamamayang Pilipino
04:20mula sa kagawaraan ng paggawa at empleyo.
04:22Naglabas ang dole kamakailan ng Labor Advisory No. 15 Series of 2025
04:28na nagsusulong ng Labor Management Preparedness
04:31at magpapaalala sa mga employers sa kanilang obligasyon sa mga empleyado sa panahon ng sakuna.
04:37Bahagi rin ito ang pagpapaiting ng kanilang Labor Inspection Programa.
04:42Mahigit 2 bilyong piso ang inilaang pondo ng ahensya rito
04:45at aabot sa maygit 800,000 trabahador sa buong bansa ang natulungan.
04:50Batay pa sa talaan ng dole, tumaas din ang naitalang General Labor Standard Compliance
04:56maging ang Occupational Safety and Health Standards Compliance.
05:01BN Manalo para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended