Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang gabi po Luzon, Visayas at Mindanao.
00:05Tatlong araw na lang bago magpalitang taon kalunos-lunos ang sinapit ng dalawang bata sa tondo sa Maynila.
00:13Matapos masabugan ng napulot umano nilang paputok.
00:17Isa ang nasawi habang nasa critical na kondisyon ang kanyang kasama.
00:21Ang salarin ang matagal ng ipinagbabawal na picolo at isa umanong pailaw na fountain.
00:28Yan po ang tinutuka ni Bea Pinlak.
00:35Masaya pang naglalakad ang dalawang 12-anyos na mga batang yan papuntang A. Lorenzo Street sa tondo, Maynila, kagabi.
00:41Maya-maya, umupo sa tabi ng kalsada ang mga bata at sinindihan ang napulot umano nilang paputok.
00:47Wala pang isang segundo, nakagigimbal na pagsabog ang yumanig sa lugar.
00:53Biglang may sumabog po, sobrang lakas talaga eh, asin malakas.
00:57Then may lumapit po sa amin na isang residente na may nasabugan nga daw pong bata.
01:02Tumakbo ka agad kami papunta ron.
01:04Patay ang 12-anyos na batang kababirthday lang daw isang araw matapos ang Pasko.
01:09Sakit eh.
01:11May birthday lang po.
01:13May birthday lang po kasi ganun eh.
01:16December 26 eh.
01:18Kahit naman po ganun yung makulit, malamping po yun eh.
01:21Sakit eh sobrang.
01:24Hindi rin po kasi namin alam na ganun eh.
01:28Sugatan naman at kritikal ang kalagayan sa ospital ng isa pang biktima.
01:32Sabi niya po, lalabas lang daw po, sabi may bibilin daw po siya.
01:36Biglang, yun po, may narinig kami malakas na ano dun eh, sumabog.
01:41Tapos yun nga daw po yung anak ko.
01:43Sabi ng anak ko, awa ko may kamay ko eh.
01:46Kasi ang lamig po, nanginginig nga po siya dun.
01:49Sige sabi ko, nak, dito lang ako, hindi kita iiwan.
01:52Hindi ko kaya talaga na makita na ganun anak ko siya.
01:56Base sa imbistigasyon ng pulisya, pikulo at isang fountain type na paputok ang sinindihan ng mga bata.
02:03Isa ang pikulo sa mga ipinagbabawal na paputok.
02:06Habang sila ay naglalakad, may napulot sila sa kalsada ng mga paputok.
02:10At dahil nga ito ay mga bata na curious para sinindihan niya.
02:15Yung isa, sinindihan niya yung nakuha niyang paputok, ito yung pikulo.
02:19At pag sinindi niya rito, sumabay din yung hawak-hawak nitong isa para siyang fountain.
02:24At yun na ang dahilan ng pagsabog.
02:27Nakagabi daw, may nagpaputok daw po dyan.
02:29Dalawa daw po yun, yung isa pumutok.
02:31Then yung isang yun, hindi daw pumutok.
02:34Binasa.
02:35Hanggang sa napulot siguro ng mga bata po.
02:38Tapos pinaputok nila kanina.
02:40Ipinagbabawal sa barangay 223 ang pagpaputok.
02:43Paalala nila sa mga residente.
02:45Huwag nang gumamit nito dahil lubhang delikado.
02:48Talagang dati pa naman po talaga pinagbabawal na po yan ma'am.
02:51Ngayon, kahit dito naman sa barangay namin,
02:53pag may nakikita kaming bata nagpaputok,
02:55kinukuha naman namin.
02:56Binaban na po namin.
02:57Kahit sinong nagtitinda, bawal po talaga.
03:00Patuloy pa ang investigasyon ng pulisya sa trahedya.
03:03Sa datos ng Manila Police District,
03:05humigit kumulang kalahating milyon ng iligal na paputok
03:08ang nakumpis ka nila sa lungsod.
03:10Isa na ang naaresto nilang nagbebenta nito.
03:13Tumaari, huwag na tayong gumamit ng paputok.
03:15Marami tayong alternatibong pamamaraan
03:17para i-celebrate natin ang New Year
03:19na hindi makukompromise yung ating kaligtasan.
03:24Para sa GMA Integrated News,
03:26Bea Pinlak nakatutok 24 oras.
03:31Labis na ipinagluluksan ang kanyang mga mahal sa buhay
03:36ang pagkamatay ng batang na sabugan ng paputok
03:39sa tondo sa Maynila.
03:41Ang masakit, kaka-birthday lang ng biktima nitong biyernes.
03:46Nakatutok pin-live si Sandra Linaudo.
03:49Sandra.
03:50Yes, Mel. Malakas na pagsabog nga ang narinig
03:57at umalingaw nga dito sa aking kinatatayuan
04:00sa tondo, Maynila, kagabi.
04:02At nakakuha nga po tayo ng update sa investigasyon ng polisya
04:06at ayon sa kanila, ang nakikita nila ngayon
04:09ay isang uri ng paputok na iligal at lubhang na pakalakas.
04:14Ilang araw bago salubungin ang bagong taon,
04:22isang masakit na pamamaalam ang pinagdaraanan
04:26ng Pamilya Sarmiento.
04:28Pinagluluksan nila ang pagkawala ng 12 anyos na si Cesar Razel
04:34na namatay kagabi matapos sumabog ang napulot niyang paputok.
04:39Sa isang iglap, wala na ang malambing na anak ni Maricel
04:44na nag-birthday lamang nitong December 26.
04:48Malambing po yan, lalo na pagka may hiningi siya at binigay namin,
04:53talagang nagte-thank you siya sa amin eh.
04:59Yung nga lang po talaga, yung kakulitan
05:02kasi hindi naman po namin mano kasi nga po bata.
05:07Kwento ni Maricel, madalas maglaro ang bata sa kalsada
05:11pero wala sa hinagap nila ang malagim na sasapiti nito.
05:16Sa ngayon, nais daw munang magkubli ni Cesar
05:20sa masasayang alaalang iniwan ng nakababatang kapatid.
05:25Yung ngiti po kasi niya talagang ngiti ha,
05:29buti nga pagkukuha niya yung gusto niya.
05:34Sa CCTV video na ito, makikita ang lakas ng pagsabog
05:38mula mismo sa kinaroroonan ng dalawang bata bandang 8.30 kagabi.
05:44Dinig din ito sa malayo ayon sa ilan sa komunidad.
05:48Ang tricycle driver na si Dennis,
05:51nakahinto lang noon sa stoplight
05:53sa kanto ng Lorenzo Street corner Abad Santos.
05:56Nagtamo siya ng sugat sa paa.
05:59Ang alam ko lang, kala kumakin ako yung sumabog.
06:02Ngayon, nung may nakita ko umiyak na bata,
06:05tsaka walang nalaman namin yung pala yung pumutok,
06:08hindi pala yung makin ako.
06:09Isipin nyo, ang layo ko bakit binabot yung ano yung paku.
06:12Ilang hakbang mula doon sa lugar kung saan pumanaw yung isa sa mga bata,
06:17matatagpuan ang crater na to.
06:19Dahil dito raw sumabog yung paputok.
06:22At dito sa gilid naman,
06:25nayupi yung mga yero sa lakas ng pagsabog.
06:28Yung impact niyan,
06:30naramdaman hanggang doon sa pagtawid sa kalsada
06:33dahil yung bintana po doon nagkabasag-basag.
06:39Nakita rin sa CCTV,
06:41pero di na namin ipapakita
06:43ang pagtila po ng sinasabing mga
06:46naputol na bahagi ng katawan ng bata.
06:48Ayon sa kanyang pamilya,
06:50naputol ang kanyang kaliwang braso at kaliwang binti
06:54at naapektuhan ang kaliwang bahagi ng muka.
06:57Binabanggit natin ito para maidiin sa publiko
07:01ang panganib ng pagpapaputok.
07:04Dead on the spot si Russell
07:06na batay sa paunang investigasyon ng polis
07:08ay may hawak sa mismong paputok.
07:11Nasa ospital naman ngayon ang kaibigan niya
07:13na 12 anyos din
07:15na kinailangan pang sumailalim sa operasyon.
07:19Sa report ng IOD natin,
07:21sila yung isa sa mga responde doon,
07:23nakita nga nila yung kahalin tulad
07:26itong paputok na ito,
07:29yung description nga nito,
07:31ito ay cylinder type ng container
07:33kung saan kahalin tulad daw ito
07:35nung Goodbye Philippines
07:37o Goodbye Bin Laden na paputok.
07:39Base na rin sa kanila,
07:40ito ay napulot nung mga bata
07:42habang naglalakad doon sa Lorenzo Street
07:45at pagdating dito sa corner
07:47ng Jose Abad Santos,
07:49sinindihan yung isa sa mga napulot
07:51nung victim 2, yung Piccolo.
07:53Pagsindi niya,
07:55nag-ignite din to at nadamay itong hawak-hawak
07:57naman nung victim 1 natin na namatay.
07:59Nagbabacktrack na ang polisya
08:02para daw malaman kung saan ito napulot
08:05ng mga bata at kung sino ang dapat managot.
08:07Kung magkakaroon tayo ng kuha
08:12ng mga CCTV na magsasabi na
08:14ito talagang mga paputok na ito
08:17ay talagang iniwanan doon
08:18at naging dahilan kung bakit
08:20na-disgrass siya itong mga ito,
08:22may pananagutan siya sa batas.
08:24Base sa Executive Order No. 36
08:26noong 2023 sa Maynila,
08:28hindi pwedeng magpaputok sa lunsud
08:31kung saan saan lang.
08:32Pinapayagan ng paputok
08:34at pyrotechnic devices
08:36sa mga community fireworks display
08:38na may pahintulot ng lokal na pamahalaan.
08:47Well, sa ngayon,
08:48ang pinapakita namin sa inyo
08:51ay yung lugar kung saan natagpuan
08:54yung katawan ng isa sa mga bata
08:56at meron nga po nagtutulo sa kadila dyan.
08:58Actually, buong araw po yan,
08:59hanggang ngayong gabi ay may mga lumalapit
09:01at meron din sila inaalay na offering dyan.
09:05Dito naman po sa aking kinatatayuan,
09:07nandito yung crater,
09:08indikasyon na tumilapon po yung bata
09:11sa lakas ng pagsabog.
09:13Sa ngayon, ang update po na nakuha natin
09:15ay ongoing na po ang cremation
09:17ng batang si Russell.
09:19Mel?
09:20Maraming salamat, Sandra Aguinaldo.
09:23Ang insidente niyan sa toddo,
09:26patunay na kahit binasana ang isang paputok,
09:29delikado pa rin.
09:30Paano nga ba dapat idispat siya
09:32ang nagamit ng paputok
09:34o yung sinindihan pero pumalya?
09:36Makinig po sa mga kapuso
09:38sa mga tips ng mga eksperto
09:40sa pagtutok ni Dano Tingkungko.
09:42Ang isa sa mga paputok
09:47na naging mitya ng pagkasawi
09:48ng isang bata at pagkasugat
09:49ng isa niyang kaibigan sa Maynila,
09:51bawal na pikulo at fireworks
09:53na napulot lang nila sa kalsada.
09:55Sabi ng barangay,
09:56nauna nang sinindihan ang isa
09:57sa mga paputok
09:58pero hindi sumabog
09:59kaya binasa na lang.
10:00Binasa.
10:01Hanggang sa napulot siguro
10:03ng mga bata po.
10:04Tapos pinaputok nila kanina.
10:06Kung wala pang ambisperas
10:08ng bagong taon
10:09may ganito ng mga insidente,
10:11paano pa kaya sa Enero a Uno
10:13kung kailan nagkalat na naman
10:14ang mga basyo ng paputok
10:15sa mga kalsada?
10:16Nauna nang ibinili
10:17ng Department of Trade and Industry
10:19sa publikong huwag nang galawit
10:20pilitin pang paputok
10:22na mga paputok
10:23na gamit o nasindihan na.
10:24Pumutok man yan o hindi.
10:26Sabi ng Bureau of Fire Protection,
10:28hindi simpleng pagbabasa lang
10:29ang kailangan gawin
10:30sa mga sumablay na paputok
10:32kung itatapon na.
10:33Kung ganyan lang,
10:34pwede itong matuyong muli at sumabog.
10:36Sa init na ng paligid
10:38at solar energy
10:40or radiation from the sun
10:42ay pwedeng mag-trigger
10:43ng explosion din
10:46kasi nag-react na yung chemical
10:48nabasa, natuyo ulit.
10:50Ang dapat anyang gawin,
10:52ibaba dito sa tubig
10:53ng limang minuto
10:54o hanggang magpira-piraso
10:55ang mismong paputok.
10:56Humalo sa tubig ang laman nito
10:58at tuluyang malusaw.
10:59Ginababad ang mga pulpura
11:02o mga content ng explosive
11:05na powder sa drum
11:07ng minimum of
11:095 minutes or more.
11:11Tapos, pag talagang
11:13nababad na sa drum,
11:16that's the only time
11:17na i-buhos
11:19sa kalupaan.
11:21Ang nalusaw na bahagi ng paputok naman
11:23matapos ihalo sa tubig
11:24ay mainam na ihalo sa lupa.
11:26Ayon pa sa BFP,
11:28parang gunpowder
11:29ang pulbura ng paputok
11:30kung nakakalat lang
11:31magliliyab
11:32pag sinindihan.
11:33Mas magiging delikado ito
11:35kung pagsasama-samahin
11:36sa kasisindihan.
11:37Para sa GMA Integrated News,
11:39dahan natin ko
11:40kung nakatutok 24 oras.
11:43Hinigpita na rin
11:44ang pagbabantay
11:45sa tinaguriang fireworks
11:46capital na bansa
11:47para tiyaking ligtas
11:48ang mga nagtitinda
11:49at namimili
11:50ng mga paputok
11:51at pailaw.
11:52Mula po sa Bokawe
11:53sa Bulacan,
11:54nakatutok live
11:55si Chino Gascon.
11:56Chino!
12:01Emil, hindi lang 1,000 pesos
12:03kundi 40,000 pesos pa
12:05at mahigit
12:06ang ginagastos
12:07ng ilang mamimili
12:08ng paputok
12:09dito sa Bokawe, Bulacan.
12:10Pero kasabay niya
12:11ang pinag-iingat
12:12ng Bureau of Fire Protection
12:13ng mga gagamit
12:14ng pailaw at paputok
12:15sa pagsalubong
12:16ng bagong taon.
12:17Sa kabila ng taong-taong
12:19paalala ng Department of Health
12:20at iba pang ahensya
12:21sa panganib
12:22ng mga paputok,
12:23Dagsapa rin ang namimili
12:25ng paputok dito sa Bokawe, Bulacan,
12:27ang tinaguriang fireworks
12:29capital ng bansa.
12:30Sabi ng ilang kong nakausap,
12:31naglalaan talaga sila
12:32ng budget para rito.
12:33Dagsapa rin ang namimili
12:34ng paputok dito sa Bokawe, Bulacan,
12:36ang tinaguriang fireworks
12:37capital ng bansa.
12:38Sabi ng ilang kong nakausap,
12:40naglalaan talaga sila
12:41ng budget para rito.
12:43Masaya lang po
12:46para maging masaya lang
12:48yung New Year.
12:49Mahigpit namang nagbabantay
12:50ang Bureau of Fire Protection
12:51at Philippine National Police
12:52sa mga tindahan
12:53ng paputok
12:54sa Bokawe.
12:55Lalo na at base
12:56sa pagsasaliksik
12:57ng GMA Integrated News Research,
12:59labing-anim na sunog na
13:00ang nangyari
13:01sa mga tindahan
13:02ng paputok
13:03sa Bokawe mula 2004.
13:05Sa mga yan,
13:06umabot na
13:07sa labimpito
13:08ang namatay.
13:09Kaya bawat tindahan
13:10dito
13:11ay may fire extinguisher.
13:12Ang pagkakakabit
13:13ng electrical wiring,
13:14may nakaibak
13:15na tubig at buhangin,
13:16at nakabukod
13:17ang bodega
13:18sa mismong tindahan.
13:19Bawal din
13:20ang paninigarilyo
13:21o pagtesting
13:22ng paputok
13:23sa lugar.
13:24Andiyan kami halos
13:25sa nakabantay
13:2624-7.
13:27Diyan kami
13:28nagpapapalit
13:29ng mga
13:30duty diyan
13:31ng mga
13:32bombero.
13:33Patuloy pa rin
13:34ang aming paalala
13:35diyan within the area.
13:37Nagpaalala rin
13:38ang mga nagbebenta
13:39lalo sa mga
13:40nagkakarga
13:41na mga
13:42pinamiling paputok
13:43at pailaw
13:44sa sasakyan.
13:49Dagdag pa
13:50ng BFP,
13:51yaking may
13:52PS mark
13:53at aprobado
13:54ng Department of Trade
13:55and Industry,
13:56pating paputok.
13:57Huwag na rin daw
13:58gumamit ng mga
13:59paputok
14:00at sindihan lang ito
14:01sa lupa
14:02o simento.
14:03Sindihan lang din
14:04daw ang mga
14:05paputok
14:06sa hindi mataong lugar
14:07at malayo
14:08sa mga kabahayan.
14:09At ihanda ang
14:10first aid kit
14:11at fire extinguishers
14:12sakaling
14:13kailanganin.
14:14Huwag na ding
14:15damputin
14:16o hawakan
14:17ang mga hindi sumabog
14:18na paputok
14:19yung mga
14:20na-miss fire
14:21mas maganda po
14:23pasain na lang natin
14:24kaysa pulutin natin
14:25na i-reuse natin.
14:26Sadyang may panganib
14:27sa bawat sindi
14:28pero hindi umano
14:29may tatanggi
14:30ang ambag
14:31ng fireworks
14:32manufacturers
14:33sa ekonomiya
14:34ng lalawigan ng Bulacan.
14:35Sa datos
14:36ng Bulacan Chamber
14:37of Commerce and Industry
14:38noong 2021,
14:39aabot sa 500
14:41ang kabuang bilang
14:42ng fireworks
14:43manufacturers
14:44sa probinsya
14:45nag-iemploy
14:46ng nasa
14:4720,000
14:48maggagawa.
14:49Aabot rin daw
14:50sa 1.5 billion pesos
14:51ang revenue
14:52na nakukuha
14:53ng gobyerno
14:54mula sa fireworks
14:55sa industry
14:56sa buong bansa.
15:02Emil,
15:03patuloy na dumarating
15:04ang mga tao
15:05para mamili ng paputok
15:06dito sa pamilya
15:07ng paputok
15:08sa Bukawi, Bulacan.
15:09At kung titignan natin,
15:10halos parehas lang
15:11ang dami ng mga tao
15:12sa kaparehong oras
15:13dito na nagpupuntahan
15:14o kung ikukumpara
15:15dun sa mga
15:16nagdaang araw
15:17at inaasahan
15:18daw
15:19ng mga retailers
15:20dito
15:21na lalong dadami pa
15:22ang mga tao
15:23habang paparating
15:24bagong taon.
15:25Emil,
15:26maraming salamat,
15:27Chino Gaston.
15:30Bukod sa mga pagsabog,
15:32isa pang dapat
15:33pagingatan
15:34tuwing bagong taon,
15:35ang mga sunog
15:37sa Quezon City
15:38sandaang pamilyang
15:39na sunugan.
15:40Nakatutok si James Agustin.
15:46Nagangalit na apoy
15:47at mga panausok
15:48ang bumalot
15:49sa residential area na ito.
15:50Sa barangay
15:51Commonwealth Quezon City
15:52Pasado alas 8.40
15:53kagabi.
15:54Mabilis
15:55na kumalat ang apoy
15:56sa magkakadikit na bahay
15:57na gawa sa light materials
15:58sa Riverside Extension.
16:01Gumapang ito
16:02hanggang sa madami
16:03ang mga bahay
16:04sa St. Pascual Street.
16:05Sa laki ng sunog,
16:06kinailangan na itaas
16:07ng Pure Fire Protection
16:08ang ikalimang alarma.
16:09Nasa 50 firetruck
16:11ang rumisponde sa lugar.
16:12Saksaksagan ng sunog
16:14nagtamo ng second degree
16:15burns sa mukha
16:16si Jesse.
16:17Agad siyang ginamot
16:18ng mga rescuer.
16:19Yung binalikan ko
16:20yung kasawa ko
16:21dahil nandung pa
16:22at saka yung anak ko
16:23binalikan ko
16:24sabi ko lumabas
16:25na kayo
16:26dyan makukulong kayo.
16:27Yung pagbalik ko
16:28sa sobrang init
16:29parang
16:30nasunog na
16:32sa sobrang init
16:33kahit nagbuosak
16:34agad akong tubig.
16:36Hindi naman nabasakalain
16:37ng taxi driver
16:38na si Nicolas
16:39na wala na siyang
16:40aabutan na bahay.
16:41Nangyari ang sunog
16:42habang namamasada siya
16:43kaya walang
16:44kaya walang naisalba
16:45ni isang gamit
16:46at dami.
16:47Siyempre eh mahirap
16:48pero kaya naman yan
16:49hindi naman
16:50ibibigay sa ating
16:51lululudyan
16:52kung hindi natin
16:53kakayanin.
16:5468 anos na ako
16:55ngayon lang nangyari
16:56sa akin to.
16:57Ang ibang residente
16:58lumikas sa kalapit
16:59na covered court.
17:00Si Sakarias
17:01na abo hindi lang
17:02ang bahay
17:03maging ang kabuhay
17:04na tindahan.
17:05Pumutok sa tabi
17:06namin
17:07tapos
17:08pagkatkat namin
17:09yung apoy na
17:10kumatagpo na
17:11sa amin
17:12tapos makkat ako
17:13makkat kami
17:14dala ng
17:15manugang
17:16ng anak ko
17:17buhos kami ng tubig
17:19mas lalulumilya
17:20hindi namin na makaya.
17:22Napula ang sunog
17:23matapos ang tatlong oras
17:24ayon sa mga
17:25taga-barangay
17:26mahigit sa limampung
17:27bahayang na sunog
17:28apektado ang halos
17:29ang daang pamilya
17:30katumbas sa liman
17:31daang individual.
17:33Nagpapaluto na po kami
17:34ng mga pagkain
17:35para sa kanila
17:36nagpadala na rin po kami
17:37ng mga
17:38modular tent
17:40yung mga banig
17:42tinitingnan po namin
17:44kung may mga babies din po
17:45baka sakali
17:46may mga bata
17:47e pwede po natin
17:48mabilihan ito
17:49ng mga diapers
17:50o mga gatas.
17:51Medyo nahirapan po kami
17:52kasi ang daan po natin
17:53isang daan po natin
17:54isa lang, paikot lang ito
17:55tapos
17:56yung pinakamin po natin
17:57ng buwan
17:58yung sa baba mismo
17:59kaya kami ay
18:00naglatag kami
18:01ng
18:02sampung
18:03dosimedia
18:04para lumating namin
18:05yung pinakadulo.
18:06Inaalam pa ng BFP
18:07ang Sanhinang Apoy
18:08na nagsimula
18:09sa ikalawang palapag
18:10ng isang bahay
18:11pero tingin ng mga
18:12taga-barangay
18:13may kinalaman ito
18:14sa iligal na paputok
18:15base sa
18:16pakipag-ugnayan nila
18:17sa mga residente.
18:18Di umano po
18:19meron po
18:20nakita sila
18:21na lumipad na kwitis
18:22doon po
18:23papunta sa bahay
18:24at sabi naman po
18:25yung iba
18:26dahil laro po yun
18:27sa boga.
18:28So, kung isusumatol
18:29po natin
18:30ay lahat po yan
18:31sa mga iligal na paputok.
18:32Nananawagan naman
18:33ng tulong
18:34ang mga residenteng
18:35nasunugan
18:36lalo na't
18:37magbabagong taon.
18:38Kasi sila na
18:39medyo may
18:40may magandang kalooban
18:42hinihingi po namin
18:43kung tinutulong po
18:44sa inyong lahat.
18:45Sa hirap na
18:46nangyari sa amin
18:47magbibigay sila
18:50kung anong
18:51ibibigay
18:52tatanggapin namin.
18:53Para sa Gemma Integrated News
18:55James Agustina
18:56Katuto
18:5724 Horas.
19:00Babala po sa sensitibong paksa.
19:02Ang susunod naming ibabalita
19:04ay maglalarawa
19:05ng pagkamatay
19:06ni dating DPWH
19:08Undersecretary
19:09Catalina Cabral
19:10batay sa
19:11imbestigasyon
19:12ng PNP.
19:13Hindi umuno itinulak
19:14o tumalon
19:15kundi
19:16nagpadausdos
19:17sa bangin
19:18si Cabral
19:19batay sa mga sugat
19:20at bali
19:21at mga 3D scan
19:22ng lugar
19:23kung saan siya
19:24natagpuan patay.
19:25Nakatutok si June Veneration.
19:30Sa mismong bangin
19:31sa baba ng Cannon Road
19:32sa Tuba Benguet
19:33kung saan natagpuan
19:34ng labi
19:35ni dating Undersecretary
19:36Maria Catalina Cabral
19:38ginawa ng 3D scanning
19:39ng PNP
19:40Forensic Group
19:41ipinakita na
19:42ang resulta niyan kanina.
19:43So ito po
19:44yung ating
19:47highway
19:48yung edge
19:52tapos yan po yung
19:53actual na ravine.
19:55Sa investigasyon
19:56ng Forensic Group
19:57mahigit 16
19:58metro
19:59ang lalim
20:00ng bangin
20:01o katumbas
20:02ng 6 hanggang
20:03siyam na palapag
20:04na gusali.
20:05Sa baba,
20:06nakita ang katawan
20:07ni Cabral
20:08na 0.2 hanggang
20:090.8 meters lang
20:10ang layo
20:11mula sa base
20:12ng bangin.
20:14Kung tinulak ito,
20:15chances are
20:16lalayo pa pa siya
20:17doon.
20:18So makikita
20:19niyo dito
20:20na ang kamay niya,
20:21yung palm
20:22ng kamay niya
20:23ay may gas-gas din po.
20:24Pati yung likod
20:25may gas-gas din po.
20:26So ang laki po
20:27ng probabilidad
20:28na nagpadaus-dos po
20:29talaga siya.
20:30Sabi ng Forensic Group
20:32ng PNP,
20:33lumalabas na
20:34feet first fall
20:35ang nangyari
20:36kay dating DPWH
20:37Undersecretary
20:38Maria Catalina Cabral.
20:39Ibig sabihin,
20:40unang tumama
20:41ang kanyang mga
20:42paapagbagsak
20:43sa lupa,
20:44bago na bagok
20:45ang kanyang ulo.
20:46Base raw ito
20:47sa mga bali sa paa,
20:48bukong-bukong,
20:49binti,
20:50hita,
20:51at dislocated hip joint
20:52ni Cabral.
20:53Sa toxicology test
20:54ng Forensic Group,
20:55nagpositibo si Cabral
20:56sa isang antidepressant drug
20:58na posibleng
20:59ng negatibong epekto
21:00sa dating opisyal
21:01ng DPWH.
21:02Si Cabral ay sinasabing
21:04isa sa mga pangunaheng karakter
21:06sa mga manumalyang
21:07flood control project.
21:08Isa sa mga
21:10primary actions po
21:12ng
21:15anti-psychiatric drugs
21:16or anti-depressant drug
21:17is pinapakalma po niya
21:19yung tao.
21:20So,
21:21parang mas madaling
21:22magkaroon
21:23ng decision making.
21:24Usually,
21:25nagkakaroon nga ito sila
21:26ng suicidal behavior.
21:28That's why
21:29it is a regulated drug.
21:31Sa tayaan ng Forensic Group,
21:32sa pagitan ng
21:33alas tres
21:34at alas cinco
21:35ng hapon noong December 18
21:36na matay si Cabral,
21:37wala pang nagagawang
21:38DNA test
21:39dahil ayaw daw
21:40ng mga kaanak ni Cabral
21:41na magbigay
21:42ng kanilang DNA sample.
21:43Pero sabi ng Forensic Group,
21:45walang dudang
21:46kay Cabral
21:47ang narecover na katawan
21:48dahil ang mga
21:49fingerprint na nakuha
21:50ay nagtugma
21:51sa mga fingerprint niya
21:52na nasa 2014 record
21:54ng National Bureau
21:55of Investigation.
21:56Yung po ay nagbigay
21:58ng kalinawan na
21:59ang ating cadaver
22:01is the late
22:02USEC
22:03Maria Catalina
22:04I Cabral.
22:05Para sa GMA Integrated News,
22:08June Veneracion
22:09Nakatutok
22:1024 Horas.
22:12Dahil sa matinding lamig
22:14na balot ng frost
22:15o andap
22:16ang ilang pananim
22:17sa Benguet,
22:18kung saan umaabot
22:19na sa 10 degrees
22:20Celsius
22:21ang temperatura.
22:22Ayon sa pag-asa,
22:23posibleng lalo
22:24pang maramdaman
22:25ang lamig ng amihan
22:26sa ilang bahagi
22:27ng bansa
22:28sa mga susunod na linggo.
22:29Nakatutok si Mav Gonzales.
22:31Sa lamig ng panahon,
22:34nabalot ng andap
22:36o frost
22:37ang mga pananim
22:38sa Atok Benguet.
22:39Sa kalapit nitong bayan
22:40ng La Trinidad,
22:41sumadsad sa 10.6 degrees Celsius
22:43ang temperatura
22:44ngayong araw,
22:45ang pinakamalamig
22:46sa bansa
22:47mula nang magsimula
22:48ang amihan season.
22:50Sa isang hotel
22:51sa Atok,
22:52namangha
22:53ang mga namamasyan
22:54sa mga nagyayielong bulaklak.
22:55Hawakan mo
22:56sa sobrang lamig pa.
22:58Hawakan mo.
22:59At yelo?
23:00Sige.
23:02Ayon sa staff ng hotel,
23:03kuha ito
23:04kaninang alas 6
23:05ng umaga.
23:06Pero ang pagyayelo
23:07na bihirang makita
23:08ng mga pumasyal
23:09na turista,
23:10pero wisyo ang dala
23:11sa mga magsasaka.
23:12Kapag nagpatuloy
23:13kasi ang andap,
23:14maaaring masira
23:15ang mga pananim nila.
23:17Kasabay kasi
23:18ng pagyayelo
23:19ay nawawala
23:20ng pagkukunang tubig
23:21ang halaman.
23:22Ipinaliwanag
23:23ng pag-asa
23:24kung paano nabubuo
23:25ang mga andap
23:26o frost.
23:27Pag bumababa yung temperatura
23:28sa madaling araw,
23:29yung mga water vapors
23:30sa ibabaw ng kalupaan
23:31posibleng mag-turn
23:32into ice crystals.
23:33Ayon sa pag-asa,
23:35panandalian pa lang
23:36ang nakikitang andap
23:37ngayon sa Benguet.
23:38Merong mga
23:39mangilangilang na lugar
23:40na nagkakaroon na
23:41ng andap or frost
23:42bagamat ito'y panandalian pa lamang
23:43because
23:44yung ating mga temperatures
23:45hindi pa naman
23:46siya sapat talaga.
23:47Typically,
23:48kapag nagkakaroon tayo
23:49ng frost,
23:50usually nasa more or less
23:51zero degrees Celsius po yan.
23:52Sa mga susunod na linggo,
23:54inaasahan ng pag-asa
23:55na lalakas pa ang hanging amihan
23:57kaya posibleng umabot
23:59sa 7.5 degrees Celsius
24:01ang temperatura sa Benguet
24:02sa Enero
24:03hanggang unang bahagi
24:04ng Pebrero.
24:05Sa Enero rin daw posibleng
24:06mas madalas ang andap
24:07sa Cordillera.
24:09Sa Metro Manila naman,
24:1121.6 degrees Celsius
24:13ang naitalang
24:14pinakamababang temperatura
24:16noong Sabado.
24:17Mananatili pa rin itong mababa
24:19sa mga susunod na araw.
24:20Kapag sapit ng tanghali,
24:22medyo mainit pa rin po
24:23umabot sa 30 to 32 degrees
24:25yung ating maximum temperature naman.
24:27In the coming days,
24:28we're seeing na meron pa rin
24:29namang northeast monsoon
24:30na makakaapekto
24:31dito sa Metro Manila,
24:32party cloudy to cloudy skies.
24:34May mga tsansa po
24:35ng mga pagulan
24:36lalo na po sa bisperas
24:37at sa araw mismo
24:39ng bagong taon.
24:40Para sa GMA Integrated News,
24:42Mav Gonzales ng Katutok,
24:4424 Oras.
24:49Happy last Monday of 2025,
24:52Chikahan mga kapuso!
24:53Thankful at grateful.
24:55Yan ang nararamdaman
24:56ng ilang sparkle artist
24:58dahil sa mga natanggap nilang biyaya
25:00ngayong 2025.
25:01May chika si Nelson Canlas.
25:07Marami sa mga kapuso stars
25:09ang naniniwala
25:10that 2025 is their lucky year.
25:12Kaya naman
25:13nang tanungin namin
25:14ng ilang celebs
25:15na magbalik-tanaw
25:16sa taong ito
25:17at ano ba
25:18ang kanilang winish,
25:19big or small,
25:20na nagkatotoo.
25:22Queen of manifesting na ata
25:24si Shuvie Etrata
25:25dahil lahat daw
25:26ng kanyang hiniling
25:27mula sa career
25:28hanggang sa mga kagamitan
25:30achieved niya
25:31in 2025.
25:33Promise po talaga,
25:34manifestation is real.
25:35As long as you work hard for it
25:37and you really believe
25:38in it.
25:39So nung nag-start ako dati,
25:41ano ko lang yung
25:42magkaroon ng sasakyan.
25:43Diba?
25:44Ano ko lang yun,
25:45minanipis ko lang yun.
25:46Nang nangyari.
25:47Milestone sa pagiging artista
25:49ang pinangarap naman
25:50ni Allen Ansay
25:51at natupad ito
25:53ngayong taon.
25:54Meron.
25:55Yung first movie.
25:56Kasi talagang before,
25:58pangarap ko talaga
25:59magkaroon ng movie
26:00and natupad yun.
26:02And yung character ko pa doon
26:04talagang malalim.
26:05Career advancement din ang hiniling
26:08ni Ashley Ortega.
26:09At pagkatapos maging housemate
26:11sa PBB Celebrity Collab Edition,
26:14nakamit niya ang matagal
26:15ng pangarap.
26:16Nako, napakarami po.
26:18Hindi lang isa.
26:19Unang-una,
26:20gusto ko magpasalamat
26:21kay Papa Jesus.
26:22Pangalawa,
26:23sa lahat ng mga fans ko talaga.
26:25Sila talaga yung highlight ko
26:26this year.
26:27Sila yung...
26:28naramdaman ko talaga
26:29yung pagmamahal nilang lahat.
26:31Same goes with skater actress
26:33Sky Chua,
26:34na dati pangarap lang
26:35makasama sa isa
26:36sa biggest telepantasya on TV.
26:38Always grateful for everything,
26:41every milestone.
26:42Mga shows ko,
26:44napasama po ako sa Encantad
26:46yan.
26:47Napakalaking project nun.
26:48Success naman sa negosyo
26:50ang naging hiling
26:51ni Kapusong Hank,
26:52Kim Sontan.
26:53Siguro, ano,
26:55mas umaki yung business.
26:57So, feel ko na,
26:58na-achieve ko naman siya this year.
27:00And looking forward to open more
27:02before 2025 ends.
27:04Para naman kay Prince Clemente
27:06at Jeff Moses,
27:07ang mga aral na dumating sa kanila
27:10at ang patuloy pa rin
27:11napapaligiran ng pagmamahal
27:13ang kanilang parating hiling
27:15at patuloy na na-achieve
27:17sa taong ito.
27:19Ayun talaga,
27:20pinaka-importante naman,
27:21yung magkakasama kayo sa bahay,
27:22lahat kayo masaya,
27:23okay kayo ng family mo.
27:25Ang dami kong lessons
27:26na natutunan this 2025.
27:28Ang daming setbacks actually,
27:30but,
27:31pero,
27:32sobrang grateful ako kasi
27:34hindi ako pinapabayaan ni God
27:36yung work.
27:37Sobrang happy ako.
27:38Nielson Canlas updated
27:40sa Shubis Happenings.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended