- 4 hours ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Sa Camarines Norte, arestado ang isang nagpakilalang konsihal
00:04matapos maharang ang sinasakyang pickup na may kargang mga bahagi ng automatic rifle at ibang armas.
00:11Nakatutok si Marisol Abduraman.
00:17Isa-isang ibinababa ang karga ng pickup na hinarang ng Special Operations Division
00:21ng Highway Patrol Group o HPG sa Camarines Norte.
00:25Ang iba, laruan lang, pero ang iba, mga kontrabando.
00:29May compartment na malaki sa loob at doon na-discovery ng PNP-HPG talagang dami ng mga undocumented na parts po ng armalike.
00:40Ayon si HPG, may nag-tip sa kanila na may iligal na karga ang pickup.
00:44Nakuha roon ang 61 upper receiver at 61 ring lower receiver ng M16.
00:50Meron ding M16 barrel, 9mm pistol at mga bala.
00:54Kasi yung 61 na bilang ng front sites ay nangangalugag din na 61 din nakabuang barrel.
01:01So napakadami neto at hindi biro.
01:05Bagamat hindi pa matukoy sa ngayon kung saan talaga galing ang mga parte ng armalike at barrel,
01:11sabi ng HPG, galing dito sa tagig ang naharang na sasakyan sa Camarines Norte at papuntang Mindanao.
01:17Arestado ang dalawang suspect, kabilang ang isang napakilalang konsihal sa isang bayan sa Maguindanao.
01:24May mga nakuha tayo mga identification cards.
01:26Nabanggit din ng ating pong nahuling suspect na EEC member of San Guniang Municipalidad.
01:34Ayon si HPG, posibleng sangkot sa pagbibente ng baril ang mga suspect.
01:39Sinampahan sila ng iba't ibang reklamo, kabilang na ang illegal possession of firearms.
01:43Para sa GMA Integrated News, Marisol Abduraman, Nakatuto, 24 Horas.
01:52Kinwestyon ang isang senador ang patuloy na pag-angkat ng bigas ng Agriculture Department.
01:59Ang sabi ng kagawaran, di kayang punan ng lokal na bigas ang konsumo ng mga Pilipino.
02:06Nakatutok si Chino Gaston.
02:07Naungkat sa pagdinig sa budget ng Department of Agriculture, ang umano'y kakulangan ng production ng bigas.
02:17Kaya kailangan pa rin daw mag-angkat mula sa ibang bansa.
02:20Sa datos ng DA, 14 million tons ng bigas ang nakukonsumo ng Pilipino kada taon.
02:26Katumbas daw yan ng 122 kilos o halos dalawat kalahating kaban bawat Pilipino kada taon.
02:32Base ito sa datos ng Philippine Statistics Authority, noong 2015, gamit ang population figure na 112 million.
02:40Noong 2023, ang production ng bigas hindi rawaabot ng 13 million tons kaya may shortage.
02:46Assuming lahat ng rice ay gagamitin na pagkain, short na po tayo ng 13 million bags.
02:54Pero hindi po lahat ng rice na napuproduce natin ay nagiging pagkain.
02:59Meron po tayong post-service losses ngayon, standing about 17%.
03:04Kung 13.6, 10.5, 13.6 less 10.5, you have 3.1 million metric tons ang insufficiency.
03:17Pero ayon kay Sen. Rodante Marco Leta, hindi naman pwede sabihin lahat ng 112 million na Pilipino ay pare-pareho ang konsumo.
03:25Kaya dapat may surplus pa ng bigas kung tutuusin.
03:28Meron pa tayong surplus na 74 million bags.
03:33Kahit na po ina-assume natin, pati po yung mga sanggul ay kumakain na ng bigas.
03:41O sinaing na bigas.
03:45Hihintayin ng komite ang updated population figures mula sa PSA para makumpute kung gaano talaga kalaki.
03:51Ang sinasabing rice production deficiency.
03:55Samantala, hihingi raw ng tulong sa local government units at mga farmer organization and Department of Agriculture
04:01para masuri ang problema ng mga hindi na kumpleto o hindi nasimulang farm-to-market roads na idinaan sa DPWH.
04:10Over 10 billion in potential overpricing has plagued the 70,000 kilometers of FMRs already built.
04:17And we consider this as ghost or semi-ghost projects.
04:21We need and we will work hand-in-hand with local governments.
04:25We will bring in farmer groups and we will need to enlist independent auditors and third-party surveyors.
04:33If we're going to build roads, they must lead to farms, not fraud.
04:37Sa pagdinig sa Senado, sinabi ni Laurel, posibleng umabot sa 10 billion pesos na pondong nakalaan sa farm-to-market roads
04:45ang itinuturing ng ghost o semi-ghost projects.
04:48Para sa GMA Integrated News, sino gasto na katutok? 24 oras.
04:56Excited ang magkapatid na si Mavi at Cassie Legaspi na mapanood ng mga kapuso ang kanilang series na Hating Kapatid simula sa lunes.
05:04Love letter daw ni Mavi ang serie para sa fans.
05:07Habang si Cassie, maraming first time na ibibida, lalot proud siyang napagtagumpayan ang recent health scare.
05:14Makitsika kay Nelson Canlaas.
05:20Hanggang ngayon pa nagdududahan mo ako?
05:22Sa kanilang pagsasama-sama as a whole family sa newest offering ng GMA Afternoon Prime.
05:27Kung gusto niyo gawin, edi sana ginawa niyo nga lang.
05:33Doble effort ang ibinuhostin na Mavi at Cassie Legaspi, lalot kasama nila ang kanilang mga magulang na sina Carmina at Zorin.
05:41Si Cassie, marami raw first time na gagawin sa series, kabilang ang pagsusuot ng swimsuit sa isang eksena.
05:49Yes.
05:55Did it take a lot of convincing?
05:56Yes.
05:57Um, actually...
05:59For when you saw the script.
06:00Sige, game ako dyan.
06:01Hindi naman natakot, but I got a bit nervous na, okay, I think this is it.
06:05And I think I want to do it also for myself, to prove to myself na alam mo, um, you know, I worked so hard to get to where I am now in terms of my confidence.
06:16I think it's time to show the world where I am in terms of my confidence.
06:19Itinuturing na fitspo o fit inspiration ang pagpayat ni Cassie sa mga nagdaang buwan.
06:25Pero hindi raw ito dahil sa workout o diet lang.
06:28I just finally, finally put myself and my health first.
06:34Nagpa-check up po ako and I found out na may hypothyroidism ako and decided it's time to take action na.
06:40Because I think I just left my hypothyroidism for a year or two and it just got worse.
06:45I got more sick.
06:46Ayun nga, I think last year was my wake-up call na I think I need to get my health in check.
06:52And the more I didn't focus sa aesthetics ko, dun po ako pumayat and I actually got stronger.
06:57Basically, I got stronger.
06:59So, yun.
07:01I focused on the inner.
07:02And lumabas siya.
07:05Love letter naman kung ituring ni Mavi ang kanyang pagsabak sa drama.
07:09Just this role, dito ko binuhos lahat ng gusto kong sabihin, gusto kong ipakita sa buong mundo, sa kapo kong Pinoy,
07:20na manonood hopefully ng ating kapatid.
07:22Ito yung love letter ko para sa kanila because lahat ng gusto nilang marinig sa akin or what they want to see from me, ito na yun.
07:32Bawat eksena, ginagawa ko na parang nagpo-post ako sa social media na this is my side.
07:39Nang kamustahin ko ang lagay ng puso ni Mavi at girlfriend na si Ashley Ortega.
07:44We're doing great.
07:45I mean, it's been the best and honestly, for the longest time siya yung hinahanap ko.
07:52Yung taong, yung taong bibigyan ng time for myself.
07:59At gusto din niya yung time for herself also.
08:01And we both respect it.
08:04Are you saying mature love?
08:05Yes, it's very, very mature and I'm so surprised that may taong ganun pala.
08:12Kung sana ko natutuwa actually is, first time pa lang na bumisita siya sa family house, parang magkakapatid na sila.
08:19So I was like, oh wow, I think I met.
08:23Lalo na itong dalawa pag nakusap.
08:25Eh ang kambal niyang si Kasi, kaya kamusta ang lagay ng puso?
08:29I'm very happy and I'm, I think I'm at a level of peace that I have never achieved yet in my life.
08:39If there are guys, ayun nga, I don't, I don't reject naman.
08:42I make friends with them but I also let them know na ito yung priorities ko.
08:47So kayo na bahala if you want to continue making legal and if you can wait or something.
08:54Like what my dad said, I want to do so many things but I'm a firm believer na if I want something, I can get it.
09:02If I want two things, three things, I will get those three things.
09:06So kung kaya kong, sorry ha, sorry, kung kaya kong sabayan yung love, life and career, then kakayanin.
09:13Kaya kong gawin if I want to, but I won't force it.
09:16Yes, but I will take my time.
09:17Nelson Canlas updated sa Shoebiz Happening.
09:31Nilinaw ng FIVOX na walang kaugnayan sa isa't isa ang magkakasunod na lindol sa Luzon, Visayas at Mindanao.
09:39Taliwa sa pangamba ng ilan nating kababayan.
09:42Ang paliwanag ng mga eksperto sa pagtutok ni JP Soriano.
09:45Ang magnitude 7.4 na lindol kanina sa Mindanao nangyari dahil sa paggalaw ng lupa sa Philippine Trench.
09:58Paliwanag ng FIVOX, nagbabanggaan sa ilalim ng dagat ang dalawang tectonic plates o dalawang malaking piraso ng lupa.
10:11Kapag sobra na ang pressure, biglang dumudulas ng mabilis ang mga bato sa fault line.
10:16Kaya nagkakalindol.
10:18Yung trench naman at yung seafloor natin gumigit-git papailalim.
10:23We have the line dun sa dagat natin and gumigit-git yung seafloor natin dun sa trench.
10:30And as a result, yung pagigit-git niya, nagkakaroon ng friction.
10:33And once the friction is released, yun yung nagkakaroon ng paglindol.
10:37Sa loob lang ng sampung araw, tatlong malalakas na lindol na ang yumanig sa bansa.
10:44Bago itong magnitude 7.4 na lindol sa Mindanao nang epicenter ay sa dagat,
10:49nasakop ng Manay-Dabao Oriental dahil sa paggalaw ng Philippine Trench.
10:53Nangyari ang magnitude 6.9 na lindol noong September 30 na may epicenter malapit sa Bogo City sa Cebu.
11:01Dahil naman ito sa Bogo Bay Fault na apat na raang taon na mula ng huling gumalaw.
11:06Ang pangatlo, ang magnitude 4.4 na lindol sa Pugo La Union kahapon dahil naman sa isang aktibong fault sa La Union.
11:15May mga nangangambang baka konektado ang mga lindol na ito, pero paglilinaw ng FIVOX, wala itong kinalaman sa isa't isa.
11:23The Philippines is very much active tectonically and we have more than 180 active fault segments and we also have 6 trenches.
11:33And there's always this possibility na magkakaroon ng pagbindol sunod-sunod.
11:39In fact, every day we record at least 30 earthquakes a day coming from different segments of,
11:45coming from different active fault segments of the country as well as coming from the different trenches.
11:49Bukod sa Philippine Trench, may lima pang trench sa Pilipinas.
11:53Ang Negros Trench, Sulu Trench, Cotabato Trench, East Luzon Trough at Manila Trench.
12:00Generally, mga trenches natin are capable of generating great earthquakes.
12:05When we say great earthquakes, these are earthquakes greater than 8.
12:11And yung mga faults naman natin, yung magnitude na pwede niya i-generate would be based on its length.
12:18So the longer the fault, the higher the magnitude it would be able to generate.
12:24At muling giit ng FIVOX hanggang ngayon wala pa rin paraan para matetect kung kailan parating ang isang lindol.
12:30Kaya huwag daw ba siya maniniwala sa mga pinupost sa social media o mga nagpapadala ng text na merong parating na lindol.
12:36Ang pwede raw natin gawing lahat, laging maging handa at alerto hanggat maaari huwag magpanik
12:41at sundin ang mga alituntuneng itinakda kapag may lindol.
12:45Para sa GMA Integrated News, JP Soriano, nakatutok 24 oras.
12:55Magkakasunod na kalamidad ang sumubok sa ating mga kababayan itong mga nakalipas na linggo.
13:01At para maibsan ang kanilang kalbaryo, sinikap ng GMA Kapuso Foundation na marating ang mga apektadong lugar.
13:09Maraming maraming salamat po sa lahat ng volunteers, mga partners, supporters at mga donors na nakiisa para sa kanilang pagbang.
13:22Sa bagsik ng bagyong opong na tumama sa bansa noong mga nakaraang linggo,
13:30matinding pinsa lang iniwan ito sa ilang mga probinsya.
13:34Sa Tagapul'an Island, sa Samar, nawasak ang bahay ng ilang residente.
13:43Hindi rin nakaligtas ang kanilang silid-aralan at ang mga gamit dito.
13:48Si Dominado, nasira na nga ang bahay, pati ang sari-sari store at tanim na saging at kamoting kahoy, damay rin.
13:57Yung lakas ng tubig, yun ang matindi.
14:01Kasi umabot ng taga, parang kalahating baywang, sa dami ng bagyo na dumaan, parang ito yung matindi.
14:09Si Yutikyo naman, siniguro na ang kaligtasan ng kanyang pamilya.
14:14Ano na lang kami nang kuha na matataguan namin na hindi lang kami masasaktan sa yung mga kapatid ko.
14:22Doon kami nagtagot sa puno ng nyug.
14:25Mula kalbayog sa Samar, patlong oras tayong bumiyahe patungong isla.
14:33Isinakay din natin sa bangka ang relief goods para sa mga nasalantanang bagyo.
14:40Namahagi rin tayo ng relief goods sa Eastern Samar.
14:44Isa itong mahalagang partnership ng Jamie Capuso Foundation at ng Philippine Army,
14:49naming 3rd Infantry Battalion kasi through coordination, through communication,
14:54na ipapaabot natin, nakikita natin yung sitwasyon.
14:59Nagabot din tayo ng tulong sa Luzon, kabilang ang Mazbate, Oriental Mindoro, Laguna,
15:06at Cebuyan Island sa rumblo na matinding na pinsala ng bagyo.
15:11Sa kabuan, mahigit at 22,000 individual ang nahatiran ng tulong sa ilalim ng ating Operation Bayanihan para sa mga nasalantanang bagyong opo.
15:24Sa mga nais pong makiisa sa aming mga proyekto, maaari po kayong magdeposito sa aming mga bank account o magpadala sa Cebuana Loanier.
15:36Pwede ring online via Gcash, Shopee, Lazada, Globe Rewards, at Metro Bank Credit Card.
15:42Mga kapuso, sunod-sunod na sa kunang kinakaharap ng ating bansa.
15:49At ngayon, isang matinding pagsubok na naman ang dinaranas ng ating mga kababayan sa Davao,
15:56matapos yaniging ng 7.4 magnitude na lindon.
15:59Ang GMA Kapuso Foundation po ay pupunta na sa Davao bukas
16:03at magsasagawa ng first way ng ating relief operations bilang tulong sa mga apektadong residente.
16:12At probado na sa second reading ng Kamara ang panukalang 2026 national budget.
16:17Sa bersyong yan, hindi zero ang unprogrammed appropriations, pero inalis na ang ibang infrastructure project.
16:24Tinapyasan din ang ginihinging budget ng Office of the Vice President.
16:28Daraan pa yan sa huli at ikatlong pagbasa.
16:31Nakatutok si Tina Panganiban Perez.
16:36May pondo para tugunan ng mga kalamidad, tulad ng lindol sa Davao kanina.
16:42At lindol sa Cebu kamakailan dahil sa Quick Response Fund at Calamity Fund na nakalagay sa pambansang budget.
16:50May ganyan pa rin sa panukalang 2026 budget, pero baka kulangin ayon sa ilang majority congressmen.
16:57Kaya maglalagay pa sila ng alokasyong pantugon sa kalamidad sa unprogrammed appropriations.
17:01Ito yung pondong ilalabas lang kung may sobra pang kita o pera ang pamahalaan, halimbawa kung makautang.
17:10Kasi we cannot anticipate disasters. Kailangan laging may unprogrammed sa budget.
17:16Kasi hindi naman fixed yung income ng gobyerno.
17:20Kasama rin sa unprogrammed appropriations ang gastos na sagot ng gobyerno sa mga proyektong may bahaging pinupondohan ng mga dayuhang bansa o institusyon.
17:28Kaya tiyak ng hindi zero ang 2026 Unprogrammed Appropriations gaya ng panawagan ng iba.
17:36Hindi masi zero dahil mayroon tayong mga commitment doon sa ating mga foreign funded projects.
17:42So let's keep it at that. Basta wala ng senador, walang congressman ang pwede mag-access doon.
17:50Pero inalis na sa Unprogrammed Appropriations ang ibang infrastructure projects na di naman foreign assisted.
17:57Tinanggal na mga contentious issues sa infrastructure, katulad nung kinoconvert na flood control, karsada, tulay, wala na yun.
18:04The budget that is being passed here in the house satisfies all the demands and requirements of our development.
18:12It follows the ethical beliefs of our people and it follows the economic plan of the government.
18:20Sayang din ah nila ang potensyal na ambag sa ekonomiya na mga proyektong may paghuhuguta naman pala ng pondo pero hindi muna inilista dahil hindi patiyak na may pampondo nang planuhin ang budget.
18:34Para sa ganyan ang Unprogrammed Appropriations.
18:37Pag ang gobyerno ay kumikita, yung specific amount na within yung guidelines ng expenditure program nila, kailangan mag-gasitus yun.
18:47Otherwise, the economy will slow down.
18:49Tinapiasa naman ang Kamara ang 902 milyon pesos na hinihinging 2026 budget para sa Office of the Vice President at ipinantay sa 733.2 milyon pesos na budget nito para sa 2025.
19:04The current proposal of the Office of the Vice President reflects the salary increases of the said personnel in compliance with the salary standardization law.
19:16We will ensure that the personnel services will reflect that.
19:21Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, Nakatuto, 24 Horas.
19:27Dahil staple, lalo na para sa ating mga Pinoy, ang palay.
19:42Kailangan makasabal din ito sa banta ng climate change.
19:45Sa part 2 ng ating innovations para sa agrikultura.
19:48Silipin natin ang modern rice variants na kayang tumagal sa baha at mga variants na konting tubig lang ang kailangan.
19:55Tara, let's change the game!
20:01Talagang hindi na mawawala sa altanghap o almusal, tanghalian at hapuna ng mga Pinoy, ang kanin.
20:08Para sa bansa ang rice is life.
20:11Ideal ang klima ng Pilipinas para sa rice production.
20:13Pero dahil sa banta ng climate change, nasa 1.5 billion pesos na ang halaga ng pinsala sa rice crops dahil sa nagdaang habagat at mga bagyo.
20:25At halos 6 billion pesos naman ang pinsala sa rice crops sa nagdaang El Niño.
20:30What if pwedeng mag-develop ng stronger o better na palay?
20:34Yung kayang tumagal sa baha o mas konti yung kailangan tubig?
20:37Yan ang patuloy na dinedevelop sa International Rice Research Institute sa Los Baños, Laguna.
20:47Mga climate-tolerant rice variants na kayang sumabay sa bantalang climate change.
20:52Para sa lumalalang bagyo at pagbaha, mas pinahaba na ang 14-day submersion to 21 days sa latest flood-tolerant rice variant.
21:02For example, if there's a water for more than 3 days, the traditional rice variety will die because they want to grow out of the rice.
21:10This gene makes rice to survive underwater. It is like you put a life jacket on the rice.
21:15Hindi rin dapat masayang ang anis sa panahon ng tag-init dahil meron ding drought-tolerant rice variant.
21:23ERI, we are trying to help out nearly 7 million hectares of land where farmers are facing shortage of rains later part of the crop.
21:32We want to identify rice variants, rice varieties that can actually complete their life cycle with the less water.
21:39Mga kapuso, ito yung example ng drought-resistant rice.
21:43Sabi sa atin kanina ni Dr. Suresh, 60% lang daw usually yung nilalagay nilang tubig.
21:48Pero kita mo naman, napakaganda pa rin ang tubo compared dito, sa normal variant na halos hindi na nga tumubo.
21:57Dinevelop ang mga ito gamit ang modern breeding method.
22:01Dito ina-identify ang magagandang traits at genes mula sa iba't ibang rice variant.
22:06At saka ibibreed o pag-aasawahin ang magagandang traits para ma-produce ang favorable crop.
22:15Yung mga insekto, yung climate change na tinatawag, patuloy din silang nag-evolve at nagbabago.
22:21So dapat, yung variety natin na nade-develop, nag-a-adapt.
22:24Another game-changing innovation to help our farmers get better yields at makatulong sa food security.
22:36Para sa GMA Integrated News, ako si Martin Avier.
22:39Changing the game!
Recommended
16:17
|
Up next
Be the first to comment