00:00Wala ang uupong acting chief o officer in charge sa National Bureau of Investigation ng NBI.
00:05Yan ang nilinaw ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulia.
00:09Kasunod na bigla ang pagbibitiw sa pwesto ni Director Jaime Santiago.
00:13Yan ang ulat ni Luisa Erisbe.
00:16Ikinabigla ng Department of Justice ang pagsusumite ng irrevocable resignation ni Director Jaime Santiago
00:23bilang hepe ng National Bureau of Investigation.
00:25Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulia, maging siya mismo nagulat sa desisyon ni Santiago.
00:45Ang dahilan naman ang pagbibitiw sa pwesto ng Director ayon mismo kay Santiago
00:50ay ang mga naninira at nagpapakalat na may bagman umano siya mula sa NBI Special Task Force
00:56na nangungulekta ng payola mula sa online sabong at pogo.
01:01Giit niya, hindi niya hahayaang masira ang kanyang reputasyon dahil lang dito.
01:06Ang DOJ naman, hindi rin basta-basta naniniwala sa mga binabatong aligasyon sa Director.
01:12Nananatili ang tiwala at kumpiyansa ng ahensya kay Santiago
01:16at aminado rin silang malaking kawala ng pag-alis nito.
01:20Si Director Jeannie ay nanggaling sa labas.
01:22Meron din siyang sariling approach which we saw was very proactive.
01:26Marami po talagang initiative.
01:28Kaso nga lang, you cannot discount the fact na baka meron siyang ginawa
01:32na hindi nagustuhan ng mga dati pang nandyan.
01:36It will not warrant an investigation unless there are pieces of evidence that come out
01:42that will support the allegation.
01:44But mere allegations and mere statements that are uncorroborated and unsubstantiated
01:50cannot be acted on because that will only open the floodgates and it is subject to abuse.
01:56Pero ang tanong ngayon, sino na nga ba ang papalit kay Santiago?
02:00Sa isang panayam, sinabi ni Assistant Secretary Miko Clavano
02:04na posibleng maging acting director, si DOJ Undersecretary Jesse Andres.
02:09Pero ang nilinaw ni Justice Secretary Remulia,
02:12walang uupo na acting o kahit officer in charge bilang respeto kay Santiago.
02:18Sabi nga ang kanyang request sa kanyang resignation
02:20is that he will stay on until the appointment of his successor.
02:24So the thought of an OIC does not cross my mind now.
02:27Wala pa namang napipili ngayon ang DOJ na ire-recommendang pumalit kay Santiago.
02:31Masusi pa itong pinag-aaralan ni Secretary Remulia
02:35dahil ang gusto nila ang magpapatuloy ng reforma sa NBI.
02:40Luisa Erispe para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.