00:00Samantala, bukod sa pagpapabagal sa pagkalat ng African Swine Fever sa bansa sa tulong ng bakuna,
00:07paiigtingin pa ng Department of Agriculture ang hakbang nito pagdating sa hog repopulation.
00:13Kung paano yan, alamin sa Sentro ng Balita ni Vell Custodio.
00:19Nakatakdang bumili ang Department of Agriculture ng 32,000 na inahing baboy para sa hog repopulation
00:25para mas mabilis na makabawi sa epekto ng African Swine Fever na lubhang naka-apekto sa populasyon ng baboy matapos tumaas ang kaso nito noong nakaraang taon.
00:36Kailangan natin ibalik yung hog population, yung nawala na 5 million, kailangan natin ibalik yun.
00:43Babalik natin 6 million hogs in the next couple of...
00:48Pag ibalik natin yan, then bababa na ang presyo ng baboy to its former presyo before ASF, hopefully.
00:56And of course, dagdag nyo na yung inflation, but pork prices should be more reasonable.
01:04Inakasahang maipapadala sa bansa ang 32,000 hogs sa ikalawang kwarterang 2026.
01:10Unang ididistribute ang mga bibilhing inahing baboy sa mga medium at large farms.
01:16Target naman ang DA na makabili ng 100,000 inahing baboy sa 2027 at 100,000 baboy sa 2028
01:24para maibalik ang nawawalang populasyon ng baboy dahil sa ASF.
01:28Kukuni ng ahensya ang pondo ng pagbili ng mga baboy mula sa 20 billion budget na nakapaloob sa Animal Industry Act sa susunod na limang taon.
01:38Samantala, nasa 260,000 doses na ang naiturok sa mga baboy mula sa 500,000 doses sa binili ng ahensya.
01:48Batay sa ulat ng DA, mataas ang efficacy rate ng mga bakuna kontra ASF.
01:54Vel Custodio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments