00:00Arestado ang isang DPWH engineer dahil sa tangka umanong panunuhol kay Batangas 1st District Representative Leandro Legarda Leviste.
00:18Gusto umanong nitong ipatigil ang investigasyon ng mambabatas sa mga proyekto kontrabaha sa kanilang distrito pero nagsumbong sa polisya ang kongresista.
00:29Mula sa Balayan, Batangas, nakatutok live si Ian Cruz.
00:34Ian!
00:37Yes, Vicky, binisita nga ni Congressman Leandro Legarda Leviste yung isa sa mga nasirang proyekto ng dike ng DPWH dito yan sa Balayan, Batangas.
00:47Isa nga itong proyektong ito ng DPWH sa mga iniimbisigahan ng kongresista na maaaring nagtulak-umano sa isang district engineer na tangkang suhulan ang kongresista.
00:59Gamit ang bakho ay binunot ang sheet pile sa nasirang dike sa Barangay Santol sa Balayan, Batangas.
01:09Ito ay para malaman kung sapat ang haba ng sheet pile lalo ang bahagi nitong nakabaon.
01:13Maraming bahagi kasi ng diking ito sa Binambang River ang nawasak ng Manalasang Bagyong Cristino October 2024.
01:21Kahit 2023 lang natapos ay sa kapitan ng Barangay Santol, isa ang dike sa mga DPWH projects na iniimbisigahan ng tanggapan ni Congressman Leandro Leviste.
01:31Bumunot ng sheet pile mula nga doon sa nakabaon sa nasirang dike itong tanggapan ng kinatawan ng kongreso dito sa Batangas.
01:41Kailangan kasing malaman kung gaano ba talaga kahaba yung ibinaong sheet pile para malaman kung sapat na ba yung habang yun para maprotektahan ang pampang ng ilog na ito kapag may malakas na bagyo o pagulan.
01:55Dapat 15 meters, 15, 1,5 ang sheet pile.
02:02Sabihin po natin, sabihin mo na kalahati ng ginastos sa proyektong ito na 338 M o mahigit ay sa sheet pile.
02:11At sabihin po natin, one third lang pala ang haba ng sheet piles na actually na inilagay.
02:21Yung 150 million pesos worth of sheet piles ay 50 million pesos worth lang pala ang inilagay.
02:32Pero ang investigasyon sa proyekto at iba pang DPWH project sa 1st District ng Batangas,
02:38gusto mo nung pahinto kaya tinangka mo nung suhulan si Leviste ni Batangas 1st District Engineer Abilardo Calalo ng DPWH.
02:45Pero nagsumbong si Leviste kaya inentrap si Calalo at inareso sa Talbatangas itong biyernes.
02:52Na-recover umano kay Calalo ang bundle-bundle na perang papel na nang bilangin ng mga pulis ay umaabot sa mahigit 3.1 million pesos.
03:01Si Kong Leandro may tinawagan po siyang tao na nag-inform sa akin ng mga detalye.
03:07Kaya pumunta po kami doon, naabutan namin si DE na may hawak na ekobag at may lamang pera.
03:13Sa isang panayam ng mga mamamahayag, sinabi ng kongresista na tuloy ang paghahain niya ng reklamo bukas laban sa District Engineer sa tanggapan ng piskalya.
03:22We should not tolerate any corruption in DPWH. We should demand projects at better quality and lower cost
03:29and obligate contractors to correct any deficiencies immediately without additional cost to government.
03:35Beyond this case, we will push for broader reforms to address systemic problems of DPWH.
03:40Sa pamamagitan naman ng inang si Senadora Loren Legarda, pinaalalahanan daw ni Senador Ping Lakson ang neophyte congressman.
03:47Ukol sa seguridad nito, lalot bilyong piso ang halaga ng mga kontratang pang-imprastruktura.
03:53Sinikap ng GMA Integrated News sa makuwang panig ni Engineer Calalo na nakadetain sa Taal Police Station.
03:59Baka makuha lang po namin panig niyo?
04:03Lawyer na lang, sir. Lawyer na lang?
04:06Ah, opo. Engineer, tanong lang namin yung 3 million para saan po ba yun?
04:11Sa lawyer na lang po.
04:13Papatawan din ang preventive suspension ng DPWH si Engineer Calalo.
04:18Buti na sa kanya at niya kinulong. Kung yun ang ginawa niya, hindi ho tama yan.
04:22And we don't tolerate that kind of action.
04:24Vicky, bukas nga ay inaasahang dadalhin na ang District Engineer sa Batangas Provincial Prosecutor's Office para siya ay maipagharap ng reklamo.
04:39Yan muna ang latest mula rito sa Batangas. Balik sa iyo, Vicky.
04:43Maraming salamat sa iyo, Ian Cruz.
04:45Maraming salamat sa iyo, Ian Cruz.
Comments