Skip to playerSkip to main content
Deretso sa pamimili ng laruan ang ilang chikiting na nakatanggap ng aguinaldo ngayong Pasko.
Habang ang ilang pamilya, sa mga parke o kaya'y theme park, nagpasko.
Live mula sa Maynila, may report si Vonne Aquino.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Diretso sa pamamili ng laruan ng ilang chikiting na nakatanggap ng Aguinaldo ngayong Pasko,
00:06habang ilang pamilya sa mga park o kaya'y theme park, nagpasko.
00:10Live mula sa Maynila, periport si Von Aquino.
00:13Von!
00:16Atom, sinulit na ng ating mga kababayan ang pagbabanding kasama ang pamilya sa iba't ibang pasyalan dito sa Maynila ngayong Pasko.
00:23Tapos, makakuha ng Aguinaldo sa mga ninong, ninang, tito at tita.
00:33Sugod na agad ang mga bata sa mga tindahan ng laruan sa mall na ito sa Divisoria, Maynila.
00:38Yung mga pag nirigalo sa kanya na pera, binili namin ng laruan.
00:42Biling laruan po.
00:44Tapos yung binabili mo ng laruan, kanino galing?
00:48Sa ninang po namin at tito.
00:51Sino may birthday kapag Christmas?
00:54Si Jesus.
00:56Kinaaliwan naman ang mga mascots sa Pasig River Esplanade sa Maynila.
01:00Enjoy sa view at food trip ang ilan.
01:03Maganda naman po kasi ano, parang prisko siya.
01:08Masarap po lahat. Masasarap po lahat ang pagkain dito sulit.
01:12Napuno naman ang mga namamasyal ang Rizal Park.
01:15Kanya-kanya silang latag sa damuhan at dito na rin nagsalo-salo ng hapunan.
01:19Kasi gusto rin ang mga bata na makapunta dito.
01:23Maganda po yung tanawin. Dito talaga kami pag may okasyon.
01:28Sa dami na mga tao, ilang bata naman ang nawala at dinala sa Lost and Found.
01:33Agad din silang nasundo ng kanilang nag-aalalang mga magulang.
01:37Marami rin ang nagmumuni-muni at tahimik na humiling.
01:40Christmas wish ko? Sana pumayat ako.
01:45Okay ba?
01:46Ang kaso, daming handa. Paano yun?
01:47Eh, yun na nga. I-diet ako next year.
01:50Anong Christmas wish mo?
01:52Sana magkadyawa.
01:55Pero sa liwasang ito na saksi sa buhos ng galit sa mga kanser ng lipunan
01:59mula pa noong panahon ni Gat Jose Rizal,
02:02may ilan rin hindi nakalilimot na maningin ng pananagutan.
02:05Sana po yung mga kurap, eh, mapanagot na.
02:08Sana mabago na lahat yung patakalan yun sa Pilipinas.
02:13Kaya mga kurap na yan, mawawala na.
02:16Pero ang tiyak na nasingil ngayong Pasko, mga ninong at ninang.
02:20Nag-iipunan ko ito, ito yung Pasko eh.
02:23Gawa nung ayokong madisapoint yung mga inaanak ko.
02:27Pero may ilang hirap mahanap.
02:28Nakabutan niya ba?
02:29Hindi pa po kasi mga lulog pa po.
02:32Yung iba, nasa probinsya.
02:34Ang mga tiba-tiba ngayong araw sa mga Aguinaldo,
02:37ginamit na ang napamaskuhan sa pamamasyal sa mga amusement park.
02:41Gaya ng sa Pasay City.
02:42Mula po sa Iloilo, dumayo po kami dito para malang magsaya kasama ang pamilya.
02:49Favorite ride ko po dito is yung Vikings.
02:52Kasi bukod sa mataas, bumabalik siya, parang yung ex ko.
02:57Merry Christmas!
02:58For the bonding with the family or post sa IG, ang amusement park sa Laguna ang puntahan ng marami.
03:06Pasyal lang, ganyan, sumakay ng mga rides kung nakakayanin.
03:12Para sa mga bata, para sa mga puko, ganyan, masyal tuwing araw ng Pasko.
03:17Nakakatakot, pero pag natapos ko na, piling ko na, piling ko gusto ko pa ulit.
03:25Kanya-kanyang ganap at gimmick din ang ilang bakasyonista sa Baguio.
03:29Bukod sa go-karts sa Burnham Park, horseback riding sa Ride Park at the Mansion.
03:34Dagsa ang tao sa Central Business District at Kastilyong Bato inspired ng Windsor Castle.
03:40In fairness, mas maganda siya in real life rather than sa social media.
03:43Sa Boracay naman, literal na nagiinit ang fire dancing ng isla,
03:48na lalong nagpa-espesyal sa mga Noche Buena by the Beach na mga turista.
03:53It's a Christmas experience for them, which will be videoed and hopefully watched in years to come.
03:58It's such a wonderful place to come to. The Philippines, Boracay.
04:02Pero sa Tagaytay, Christmas rush traffic ang inabutan ng ilang dumayo na umabot pa sa dalawang oras.
04:07Nandito na, enjoy na lang kasi minsan lang naman at sabi ko basta makauwi ng safe.
04:15Bawas init ang ulo ang malamig na simoy ng Pasko, sabay higop ng masarap na sabaw ng bulalo.
04:21Yung mga may hangover, tra-higop tayong sabaw sa Tagaytay, malamig.
04:31Atom hanggang 11pm lang itong luneta, kaya naman unti-unti na rin naguuwian yung ating mga kababayan.
04:37At yan muna ang latest mula rito. Maligayang Pasko sa'yo, Atom.
04:41Maligayang Pasko at maraming salamat, Von Aquino.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended