00:00Noon, isla itong pinagdadalhan ng mga mayketong o leprosy at tinawag na Island of the Living Dead.
00:07Pero ngayon, buhay na buhay ang isla ng Kulyon, Palawan bilang isang dinarayong heritage site.
00:14At nakatutok si Oscar Oida.
00:20Ang malaparaisong isla ng Kulyon, Palawan.
00:24Sinong mag-aakala na minsan itong tinawag na Island of the Living Dead?
00:321900s, nang makilala ang Kulyon Island bilang pinakamalaking leper colony o komunidad ng mayketong sa buong mundo.
00:42Dito dinadala ang libo-libong Pilipinong mayketong, isang sakit na walang lunas noon.
00:48Higit labing-alim na libong pasyente ang dinala rito, karamihan sa kanila, sa apilitang hinawalay sa kanilang pamilya.
00:57Pero matapos ang dekada ng gamutan at panaliksik, taong 2006, tuluyang idinikna na ng World Health Organization na leprosy free ang Kulyon.
01:09Kaya ang dating isla ng Pantorusa, ngayon, isla na ng pag-asa.
01:16Yan ang ipinadarama sa mga buwibisita roon, gaya ni Shane Funcion.
01:21When you visit Kulyon, first talaga pupunta ka doon because of the heritage sites.
01:26Kung sabihin mo na the Philippines is beyond beaches, Kulyon is like really a proof of that.
01:32Ang madilim na nakaraan, naging heritage sites at may walking tour para sa mga nais maglibot.
01:40Yun po yung injection clinic. Diyan sila tinuturukan. Tinuturukan ng kanilang gamot.
01:451997 nang itayo ang Kulyon Museum kung saan bawat sulok may hatid na kwentong kanilang pinagdaanan.
01:54Even their family, they consider them as dead. Kaya nabansagan tayong na rin. Island of the living dead.
02:01Matapos balikan ang masalimot na nakaraan, naghihintay naman ang mga underrated beaches ng isla.
02:10Nais ng lokal na pamalaan na makilala rin sila bilang lugar na babalik-balikan at bilang minsang tapunan ng may sakit.
02:20It's not for everyone but kung pupunta ka talaga and you will experience the tour, it's a different travel experience. It's a meaningful experience.
02:28Para sa GMA Integrated News, Oscar Oyda, Nakatutok 24 Oras.
Comments