Skip to playerSkip to main content
Saglit namang nakahinga sa mga hinarap na hamon ang maraming Pilipino ngayong araw ng Pasko. Pinagpasalamat ‘yan ng mga nakausap nating namasyal sa Luneta. Kung saan pami-pamilya at magbabarkada ang nagsalo-salo.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Saglit namang nakahinga sa mga hinarap na hamo ng maraming Pilipino ngayong araw ng Pasko.
00:07Pinagpasalamat yan ng mga nakausap nating na Mashal Saloneta,
00:12kung saan pami-pamilya at magbabarkada ang nagsalo-salo.
00:16Makisaya rin tayo doon sa live na pagtutok ni Ivan Mayrilla.
00:20Ivan, Merry Christmas!
00:22Well, Merry Christmas! Ramdam na ramdam ang positive Christmas energy dito sa Rizal Park, Luneta sa Maynila.
00:32At maraming nga sa atin ang matindiang pinagdaanan ngayong taon.
00:36Pero hindi kayang burahin yan ang matindi at tunay na kahulugan at kahalagahan ng Pasko para sa maraming pamilyang Pilipino.
00:45Saan man ibaling ang tingin, good vibes ang makikita at mararamdaman sa Rizal Park, Luneta maghapon.
00:55Lalo sa mga bata na masayang naglalaro sa mga espasyo ng parke.
00:59Marami sa kanila, dala at nilalaro ang mga natanggap na regalo.
01:03Marami ka nakuha ang gift?
01:05Gift.
01:06Gift? Asan gift mo yan? Gift mo? Gift mo yan?
01:09Titi.
01:10Opo.
01:11Titi.
01:12Merry ang Christmas mo? Happy?
01:14Happy.
01:15Thank you po.
01:18Thank you. Thank you. Merry Christmas.
01:19Yes.
01:19Merry Christmas.
01:20See you.
01:22Nakisama ang panahon ngayong Pasko.
01:24Makulimlim lang pero hindi umulan.
01:26Kaya presko ang pamamasyal.
01:28Tamang-tama sa mga gusto maglakad-lakad sa labas,
01:31maglatag ng banig at magpiknik.
01:34Maiba naman sa mga mall, ika nga,
01:35kaya paboritong pasyalan ng marami tuwing Pasko.
01:38Pero si Irving ang kasama ang pamilya,
01:40andito maghapon dahil may iniiwasan.
01:43Para may iba naman ang view,
01:44pag doon sa, I mean, maraming inuman,
01:48nasi yung medyo iwas-iwas tayo sa ganun.
01:50Mas maganda dito.
01:52Para sa...
01:52Bakas na itiiwasan mo, inaanak mo?
01:54Hindi.
01:56Mako-corner pa, yun.
01:59Iwas na inuman?
02:00Iwas na inuman.
02:01Ang pinagsaluhan nilang magkakaanak kaninang tanghali.
02:04Fried chicken, hotdog, sinaing, at may cake pa.
02:08Iba-ibang baon sa salo-salo ang bawat pamilya.
02:11Pero nagtapa-espesyal, hindi naman daw ang mismong handa,
02:14kundi ang pagkakataong magsama-sama at mabuo ang pamilya,
02:17kahit minsan lang sa isang taon.
02:19Ito naman kasi ang kahulugan ng Pasko
02:21para sa maraming pamilyang Pilipino.
02:23Kapag magkakasama kami, ganyan,
02:25hindi naman sa handa, hindi naman sa aginaldo.
02:28Masaya magkasama-sama lang po, masaya na.
02:30Malaking bagay po.
02:31Maliwala na po yung pagkasama mo
02:33at masaya yung mga anak mo.
02:35Pagkakataon din ito para ma-relax at makatawa.
02:37Nadinig ko ng tanongin ang Christmas wish ng ilan.
02:40Christmas wish ko?
02:42Sana pumayat ako.
02:45Okay ba?
02:46Ang kaso, daming handa.
02:47Iba paano yun?
02:47Eh, yun na nga.
02:48I-dayat ako.
02:50Nice year.
02:50Anong Christmas wish mo?
02:52Sana magkajowa.
02:55Saglit din nakahinga marami sa mga hamon sa buhay,
02:58kalamidad at mga krisis na hinarap ng bansa.
03:01Ngayon, Desyembre.
03:02Pasyalan muna ang luneta.
03:04Pero sa liwasan nito,
03:06nasaksi sa buhos ang galit sa mga kanser ng lipunan.
03:09Mula pa noong panahon ni Gat Jose Rizal,
03:12hindi nakalilimot ang mga nakausap ko
03:14na maningil ng pananagutan.
03:16Sana po yung mga kurap,
03:18eh, mapanagot na.
03:19Sana mabago na lahat yung
03:21patakalan yun sa Pilipinas.
03:24Kaya mga kurap na yan,
03:25mawawala na.
03:27Ako po bilang scholar po ng bayan,
03:30ayun po yung wish ko.
03:31Yung wish ko para sa ating lahat,
03:34yung kapayapaan po,
03:35and yung kaayusan para po sa bansang Pilipinas.
03:42Mel, ipapakita ko lamang yung nasa likurang ko,
03:44ayan yung dancing fountain ng luneta.
03:46Isa yan sa mga main attractions na dinadayo dito.
03:50Ayan, napapatili pa nga yung mga bata
03:51pag nakikita nila yung nakamamanghanga naman
03:54na paggalaw ng fountain.
03:55At syempre,
03:56ang ganda rin ng mga ilaw dito,
03:58Instagramable.
03:59Ika nga nila.
04:00Mel,
04:01bukas itong luneta hanggang alas 11
04:03ngayong gabi.
04:04Merry Christmas!
04:06Maraming salamat!
04:07Maligayang Pasko sa iyo,
04:08Ivan Mayrina!
04:08Bye!
04:11Bye!
04:12Bye!
04:12Bye!
04:14Bye!
04:14Bye!
Be the first to comment
Add your comment

Recommended