00:00Nagpaalala ang Department of Labor and Employment sa mga employer kaugnay ng tamang pasahod sa mga empleyado pumasok sa trabaho ngayong holiday.
00:09Kung ang empleyado ay hindi nagtrabaho, ang no work no pay ay ipatutupad maliban na lamang kung ang kumpanya ay may polisiya o collective bargaining agreement na magbibigay ng sahod sa nasabing araw.
00:22Para naman sa mga papasok ngayong araw, dapat makatanggap ang empleyado ng dagdag na 30% ng kanyang arawan sahod para sa unang walong oras sa trabaho.
00:33Para sa mga pumapasok ng higit sa walong oras, dapat makatanggap ng dagdag na 30% ng kanyang orasang kita.
00:39Kung natapat naman na day off ng empleyado at pumasok ito sa trabaho, dapat bayaran ng dagdag na 150% ng arawan sahod para sa unang walong oras ng trabaho.
00:50Kapag natapat naman sa rest day, ang empleyado at pinapasok sa trabaho, babayaran ng employer ng dagdag na 30% sa orasang kita sa nasabing araw.
Be the first to comment