00:00Isa pang away kalsada sa Marikina City naman.
00:04Ang singitan papasok sa parking e nauwi sa pananakal, duruan at hampasan.
00:09Nakatutok si Von Aquino.
00:13Sa viral video na ito, makikita ang komprontasyon ng driver ng pickup at gray na kotse sa Riverbanks Avenue, Marikina City.
00:21Maya-maya lumabas ang isang lalaki mula sa puting sasakyan na nasa harapan ng kotse.
00:26At sinunggaban ang driver ng pickup.
00:28Noon na lumabas ang babaeng sakay ng pickup at hinatak ang isa pang babaeng mula naman sa kotse.
00:34Nagkagulo pang lalo ang mga sakay nila hanggang sa maawat na sila ng pasahero ng pickup.
00:39Ayon sa Marikina City Police, nangyari ito kahapon alas 3.30 ng hapon habang papasok ang mga sasakyan sa parking lot.
00:47Ang mga sakayan nila ng Sedana Gray at puting sasakyan sa harap nito ay magkakamag-anak.
00:52May nauna pang sakyan sa kanila na nakapasok na.
00:56Nakapasok na ngayon.
00:57Sumusunod po itong pickup natin yung nasa left side.
01:02Then from there po, hindi po na po sila makapasok din kasi nga po, nakaharang na rin po yung...
01:08Hindi na nagbigay yung nasa white kasi nahiharang niya na yung sasakyan niyang nauna.
01:13Then hanggang nagkatapat po yung BIOS at yung pickup.
01:18Matapos ang insidente, sa police station dinala ang mga motorista.
01:22Kung meron man anilang traffic violation ang mga motorista dahil sa nangyaring gulo sa kalsada,
01:28ang MMDA at LTO na anila ang titingin dito.
01:31Holiday man o hindi laging paalala ng mga otoridad sa mga motorista,
01:36habaan ang pasensya at huwag pairali ng init ng ulo.
01:39Ang pagbibigaya tuwing kapaskuhan, gawin din daw sana sa lansangan.
01:43Para sa GMA Integrated News, Von Aquino Nakatutok, 24 Horas.
Comments