00:00Pinangunahan ng Office of the Presidential Advisor for Poverty Elevation,
00:04ang Walang Gutom Kitchen Program ng DSWD sa Pasay City.
00:07And ang ulatin Denise Esori.
00:11Hindi lamang libring pagkain ang makukuha sa Walang Gutom Kitchen,
00:15kundi ang mainit na espiritu ng bayanihan.
00:17Mismo ang Office of the Presidential Advisor for Poverty Elevation
00:21ang nagtutulungan sa paghain ng pagkain para sa ating mga kababayang kapuspalad.
00:26Pinangunahan ni Opapa Secretary Larry Gadon
00:29ang isang volunteer activity sa Walang Gutom Kitchen
00:32bilang suporta sa programang hindi lang bumubusog,
00:35kundi bumubuo rin ng komunidad.
00:37Ayon kay Gadon, mahalaga ang pagkakaisa ng iba't ibang sektor
00:40para mas mapalawak ang servisyong na ibibigay ng Walang Gutom Kitchen.
00:45Napakaganda rin na yung ibang mga organizations ay mag-volunteer
00:49na magpunta rito at tumulong sila sa pagsiserve.
00:53Kasama na dyan yung pagluto, yung pagsiserve,
00:56yung paglilinis ng mga pinagkainan, talagang voluntary work ito.
01:02Araw-araw sinisiguro ng Department of Social Welfare and Development
01:05na masustansya ang mga inihahanda para sa mga nakakaranas ng involuntary hunger.
01:11Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng on-board nutritionist,
01:14daan-daang kababayan ang nakakatanggap ng libre at mainit na pagkain
01:18na walang pinipili at walang tinatanggihan.
01:22Wala talagang discrimination dito at saka hindi sila hinahanapan
01:26ng kahit na anumang qualification.
01:29O, basta nandito sila, e gusto nilang kumain, e bibigyan sila ng pagkain.
01:35Dahil na ito ay open sa lahat, marami rin ang nasasip na pagsisilbihan nito araw-araw.
01:42Maabot ng mahigit limandaan, pinakamababa na ay limandaang tao araw-araw.
01:48Bukod sa pagtugon sa gutom, ipinaliwanag ni DSWD Pag-abot Program Chief Administrative Officer
01:55Atty. John Dwight Cruz na mahalagang bahagi ng programa
01:58ang paglikha ng isang ligtas at masayang espasyo para sa mga benepisyaryo
02:03o mas tinatawag nilang kliyente o customer.
02:06Isang lugar na may pagkain, may kasama at may pag-asa.
02:10Ito yung nagbibigay ng pag-asa sa ating mga mararil tang kababayan
02:14to give them hope and bigyan natin sila ng pag-asa
02:18para magkaroon sila ng buhay na maayos at may dignidad.
02:23Masaya sila na pumupunta dito, masaya sila na kumakain
02:27at may mga nakakasama silang mga tao na pwede silang mag-interact
02:32or pwede nilang, minsan sa pila pa lang ay nakakaroon na ng interaction
02:36at saka yung vibe eh, di ba na sama-sama, may kasama kang kumakain
02:40lalo na kung mag-isa ka lang sa bahay.
02:42At least parang kung malungkot ka, naiibisan yung ganong feeling,
02:47yung nararamdaman mo.
02:48At least medyo, there's a feeling of relief, there's a feeling of joy and happiness
02:53lalo na ngayong season of Christmas.
02:55Si Nanay Esperlita del Rosario, halos araw-araw nang dumadayo sa walang gutom kitchen
03:00dahil sa maayos na pakikitungo sa kanya ng mga volunteer service staff
03:04at sa pagkakaroon ng isang masayang komunidad.
03:07Pag pumupunta po ako rito, masaya po rito yung makisalam mo ako po
03:11yung mga maraming mga nakikilala, maraming mga tao na parang
03:17alam naman tayong mga sinyo na mga magkasunod natin, magliba-liba.
03:21Masaya na ako rito, makisama sa mga tao, mga ano rito,
03:25mga kumakain. Masaya ng feeling po nun.
03:29Nakakawala ng stress.
03:30Isang vendor naman ng spongha o mga panghugas ng kaldero sa baklaran si Nanay Esperlita
03:36at laking pasasalamat niya para sa programang nakakatulong sa kanya
03:39para hindi na gumastos sa pagkain.
03:41Napakaganda po ng programang binigyan dahil po malaki po ang tulong po sa mga mahirap,
03:47lalong lalo po na po sa mga homeless.
03:49Ganun po, talaga po, napalaki po talaga ng tulong sa mga walang mga pambili
03:54at sa mga kalsadang tulong at nabaltano lang mayroon dito.
03:58Talaga po nakakalibre po sila. Napakalaki po ang tulong po sa product ni BBF.
04:03Nakakalakip ng walang gutong kitchen ang pag-abot program ng DSWD
04:07na layong tulungan ang mga pinakamahirap na hindi lamang makatawid sa isang araw
04:11kundi unti-unting makabangon mula sa kahirapan sa pamamagitan ng holistic reintegration.
04:17Patuloy naman ang panawagan ng pamahalaan sa mga pribadong individual,
04:21kumpanya at organisasyon na mag-volunteer at mag-donate sa walang gutong kitchen
04:26dahil hindi lamang pagkain na lamang tiyan ang hatid ng programa
04:29kundi nagdadala rin ito ng iba yung pag-asa.
04:33Denise Osorio
04:34Para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas
Comments