00:00Mga kapuso, nagbabalak ba kayong mag-lechon sa Noche Buena?
00:04Hinay-hinay lang, sabi ng Department of Health for a healthy holiday.
00:08Sa Lalo Ma Quezon City naman, tumaas ang gastos ng mga lechonero
00:11dahil sa mga bagong patakaran contra African Swine Fever.
00:15Balita ng atit ni EJ Gomez.
00:20Tuwing Noche Buena o Medianoche, bida sa ilang handaan ang lechon.
00:26Sa lechon capital na Lalo Ma Quezon City, naglalaro na sa 12,000 to 25,000 pesos ang lechon.
00:34Ayon sa ilang nagtitinda, naka-apekto sa kanila ang dalawang ligong pagsasara ng ilang lechonan itong Nobyembre
00:40dahil sa African Swine Fever.
00:42Hindi na kami dito nagkakatay.
00:45So from slaughterhouse, may sasakyan na vehicle papunta dito.
00:50Kasi yun ang direktiba sa amin ng city para at least safe lahat ng baboy na pumapasok.
01:01Gayunman, di pa rin nawawala ng namimili.
01:04Hindi pa rin walang lechon eh.
01:05Traditional na mga Pilipini.
01:08Ngayong kabi-kabila na ang handaan, paalala ng Department of Health, ingatan ang kalusugan.
01:14Kadalasang tumataas ang insidente ng atake sa puso, alta presyon at stroke tuwing holiday season.
01:20Dapat daw maghinay-hinay sa mga pagkain mamantika o di kaya'y sobrang alat o tamis.
01:26At kung maaari, iwasan din ang bisyo gaya ng paninigarilyo at pag-inom ng alak.
01:33Bilang bahagi ng Ligtas Christmas Campaign, iikot sa mga ospital si Health Secretary Ted Herbosa.
01:39Mula December 23 to January 5, araw-araw na maglalabas ang DOH ng datos na mga nagkakasakit sa puso,
01:46na sa stroke, ina-astma, gayon din ang mga naaaksidente sa kalsada at nasasabugan ng paputok.
01:53EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments