00:00May mga mungkahi ang Philippine Amalgamated Supermarket Association kung paano makatitipid sa handaan ngayong Pasko
00:07na hindi nagsasakripisyo ang kalidad at nutisyon ng pagkain.
00:10Si Denise Osorio sa report.
00:14Habang papalapit ang Pasko, nananatiling hamon sa maraming pamilya ang paghanda ng masarap ngunit abot kayang handa sa Noche Buena.
00:22Paalala ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association may paraan para makatipid ng hindi sinasakripisyo ang nutisyon at kalidad ng pagkain.
00:52Ilan sa mga suggestions ni Mr. Steve Kuwa ang paggamit ng alternatibong sangkap tulad ng mas murang pasta sauces, affordable protein sources at smaller pack sizes.
01:06Sa ganitong paraan, mas mapapahaba ang budget habang nasusunod pa rin ang nutisyon at sustainability ng ating Noche Buena.
01:12Pero pagkain, kaya. So right here, I'm preparing sandwich, spaghetti. Ang spaghetti ko may gatas pa. So hindi lang spaghetti, malasa. May hahaluan pa ng gatas.
01:24At masistansya po, sir.
01:25Oo, diba? So spaghetti, sandwich, and for dessert, gelatin. Huwag ng fruit salad, napakamahal ng sangkap. Fruit cocktail lang, kinain na one pip ng budget na 500, diba?
01:42Ang mga alternatibong suggestions ni Kuwa, pasok sa budget at sapat ang nutrisyon.
01:48Payo rin ni Kuwa, maging bukas sa alternative products at mas maliliit na packaging sizes, depende sa budget ng bawat pamilya.
01:55Dapat maging praktikal ang mamimili sa pagpili, lalo na kung hindi kaya ang presyo ng mga kilalang brands.
02:01Dagdag ni Kuwa, pumili ng produktong sulit at abot kaya, lalo na ngayong mataas ang demandang holiday items sa mga pamilihan.
02:09Kung saan kayo komportable, diba? Kung sukihin nyo, pwede kayong tumawad.
02:14Eh, nakala nyo nakatipid kayo, sulit, yun na, diba?
02:18Tanda nyo, hindi pinakamurang pinakasulit.
02:22Pinakasulit yung gives you the benefit that you want out of the product that you're paying for. Value for money.
02:28Sa harap ng pagnanais na magsayang ngayong Pasko, paalala rin ni Kuwa ang pag-iwas sa gastusin na maaaring makahila sa budget ng pamilya pagkatapos ng holidays at piliing maging responsable sa paggastos para sa kapakanan ng pamilya.
02:43Denise Osorio, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Comments