00:00Mas dumami pa po ang mga pasaherong biyaheng probinsya para sa holiday break.
00:06Silipin po natin ang sitwasyon sa PITX sa live na pagtuto ni Dano Tingcunco.
00:11Dano?
00:15Pia, lumagpas na nga ng 100,000 ang bilang ng mga pasaherong dumaan sa PITX ngayong araw.
00:22Kaya kung ngayon kayo babiyahe dito, mararamdaman nyo yan sa bungad pa lang ng terminal.
00:27Mahigit 130,000 na nga yung bilang ng mga pasaherong ngayong araw as of 4pm dito sa Paranaque Integrated Terminal Exchange batay sa tala ng PITX as of 4pm.
00:40Wala pang fully booked paglilino ng PITX bagamat nasa 40% na yung bookings pa Bicol at 25% naman pa Visayas at Mindanao.
00:50Sa bungad ng PITX o dito sa entrance, isa sa mga entrance dito sa PITX ay ramdam na yung dami ng mga taong naghahabol sa biyahe bago ang Pasko sa Webes.
01:01Mula sa haba ng pila sa security check hanggang sa gate mismo bago sumakay ng bus.
01:06Ang ilang mga lumuluwas o luluwas ay nagtsatsaga na sa pila.
01:10Kala ko po maluwag dito. Tapos wala na pong masakyan sa amin eh kaya nagdayan na kami dito.
01:18Maghihintay na lang kami kaysa bumalik pa.
01:21Parang dumagsa. Kasi nung hinatid ko yung parents ko dito noong 18, hindi naman ganito kadami.
01:29Noong December 18. Pero ngayon po, ang dami na pong tao. Parang hindi na kami makalakan.
01:35Akit naman tayo sa Quezon City. Bakas naman sa bigat ng traffic sa EDSA kanina ang holiday rush sa mga terminal sa Kamuning at sa Cubao.
01:51Halos walang galawan sa EDSA, lalo dun sa mga bahaging malapit sa mga terminal ng bus kung saan mahaba ang pila ng mga paseherong naghihintay ng masasakyan.
02:00Sa Batangas Port naman, lagpas 6,000 ang mga bumiyahing pasahero kanina hanggang tanghali.
02:06Mas mahigpit on, mas naghigpit na rin sa siguridad ang PNP at pinalawak na raw nila ang police visibility sa mga pantalan, terminal at iba pang transportation hub sa buong bansa.
02:19Pia, sa monitoring naman ng Quezon City Police District ay payapa naman ang kabuang sitwasyon sa mga sakaya ng mga pampublikong sasakyan.
02:28Balik sa iyo.
02:30Maraming salamat, Dano Tingkungko.
Comments