Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ramdam sa patok na pasyalan tuwing Semana Santa ang Kalbaryo ng Mahal na Langis.
00:05May ilang dumidiskarte para matuloy pa rin ang kanilang biyahing Baguio.
00:09At nakatutok doon live si Bea Vila.
00:13Bea?
00:17Ivan, sa lagay na ito, hindi pag-aano karami ang dumarayo dito sa Baguio City ngayong Semana Santa.
00:23Pero may ilan tayong nakausap na tinuloy na lang daw yung matagal na nilang nakaplanong bakasyon kahit aminadong apektado.
00:30Nang taas presyo, sa langis at iba pang mga bilihin.
00:37Karaniwang dinarayo ang Baguio tuwing Semana Santa.
00:40Pero ngayong taon, masakit na sa bulsa ang pag-akyat sa summer capital ng bansa.
00:45Dahil malayo-layo ang biyahe natin paakyat ng Baguio, syempre kailangan natin magpakarga ng diesel.
00:51Sa isang gasolinahan sa Quezon City, mahigit 120 pesos na ang kada litro ng diesel.
00:57Halos 3,000 pesos ang ibinayad namin para sa full tank.
01:01Maluwag ang daan at dere-diretsyo ang biyahe namin kaninang madaling araw.
01:06Halos 1,000 pesos din ang binayad namin sa tol.
01:09Pagdating sa Rosales, Pangasinan, bahagyang mas mura ang petrolyo sa ilang gasolinahan.
01:14Sa Pangasinan namin naabutan ang barkada ni Lizzie at May, na piniling magdala ng sariling sasakyan paket ng Baguio.
01:22Nagpa-full tank na sila ng diesel dahil marami naman silang mag-aambagan.
01:26Kung sakaling magkocommute ka, mas mahal tapos wala rin gaanong masakyan.
01:31Kaya mas prefer namin sariling kotse talaga.
01:33Kung sa Baguio sila nagpakarga, mahigit 136 pesos per liter na ang diesel.
01:39Mas mahal ng 16.35 pesos kesa sa pinakaragan naming diesel sa QC.
01:45Mahigit 250 kilometers ang aming biyahe mula QC hanggang Baguio.
01:49Lagpas pa sa 25 liters ang nakonsumong diesel at umbas ng mahigit 3,000 pesos.
01:56Ang pamilya naman ni Queenie, team commute paket ng Baguio.
02:00Galing sila ng Cebu at noong Desyembre pa nilang binalak mag-Baguio.
02:04Hindi puno ang bus na sinakyan nila galing Pasay.
02:06Pero halos 700 pesos ang tiket.
02:10Mabigat rin po.
02:11But naplana po kasi tapos na napaglaanan na po ng budget.
02:16Expected na namahal kasi tumas yung gas.
02:19Pansin naman nakausap naming bus driver.
02:21Mas kaunti ang mga biyahero ngayon.
02:23Tugma sa obserbasyon ng Baguio City LGU
02:26na nabawasan ng 30 to 50 percent ang mga bus trips sa Baguio
02:30dahil sa pag-alagwa ng presyo ng petrolyo.
02:33Malaki talaga yung tinomal ng biyahe.
02:37Kasi last year, halos pagdating namin ng terminal, balik agad kasi maraming pasahero.
02:43E ngayon, wala talaga.
02:45Pagkakaunti ang pasahero, tinatransfer na lang namin dun sa susunod, the bus.
02:50Kung talagang kaunting-kaunti.
02:56Ewan, simula kaninang umaga hanggang hapon, medyo malinsangan pa rin po yung panahon sa Baguio
03:02pero unti-unti nang lumalamig at inaasahang aabot ng mga 18 to 19 degrees Celsius ang temperatura dito mamayang gabi.
03:09Samantala, nag-abiso po yung Benguet Electric Cooperative na magkakaroon ng scheduled power interruption
03:15sa ilang bahagi ng Benguet, kabilang na ang piling mga lugar dito sa Baguio City mula Lunes Santo hanggang Merkules
03:22Santo
03:22dahil sa pagkukumpuni ng mga kawad at poste.
03:26Yan muna alitas mula rito sa Baguio City. Balik sa'yo, Ewan.
03:30Maraming salamat, Bea Pinlak.
03:34Isuko ang mga paghihirat sa Diyos.
03:37Yan pong mensahe ng Malila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa mga Katoliko.
03:41Ngayong Palm Sunday o Linggo ng Palaspas ang simula ng Semana Santa.
03:46Sa kanyang homily sa Manila Cathedral, hinikayat ng arsobispo ang mga mananampalataya
03:52na sundaan ang ipinakitang pagsuko ni Jesucristo ng kanyang Buhay sa Diyos.
03:58Dumagsas sa mga simbahan ng mga Katoliko para sa Palm Sunday, kabilang sa Antipolo Cathedral.
04:03Ayos sila na titinda tumaas ang presyo ng palaspas na nasa 30 to 50 pesos na
04:08dahil sa mahal na materyales at gasto sa pagbiyahe.
04:12Nagpaabot din ang pakikisa sa pagunitan ng Palm Sunday si Pangulong Bongbong Marcos.
04:17Anya, ipinaalala ng paghihirap ni Cristo na ang kadakilaan ay hindi matatagpuan sa kapangyarihan,
04:23kundi sa sakripisyo at pagtulong sa pinapasan ng kapwa.
04:28Ngayong biyaheng si Mana Santa, hindi napigilan ng mahal na petrolyo ang travel goals ng ilan.
04:35Pila-pila nga mga pasahero sa airport.
04:37At mula sa Naiya, nakatutok live si Darlene Tan.
04:40Darlene.
04:43Ivan, marami na mga pasahero ang pabiyahe papunta sa mga probinsya o palabas ng bansa.
04:48Kaya hindi na wala ng pila dito sa Naiya Terminal 1 buong araw.
04:57Umapaw ang mga pasahero sa departure lobby ng Naiya Terminal 1 kaninang umaga.
05:02Sa dami ng tao, lumikuliko na ang mga pila sa check-in counters.
05:06Mahaba rin ang pila ng mga pasahero papunta sa immigration counters.
05:10Inasahan na raw yan ang mga pasahero ngayong unang araw ng Semana Santa.
05:14Kaya kahit alas-aes pa ng gabi ang flight ni na J. Mar Pacagayan de Oro,
05:18bago pa magtanghali, nandito na sila sa airport.
05:36Walang humpayang pagdating ng mga pasahero sa buong maghapon.
05:39Karamihan sa nakausap namin, ilang buwan ang nakaplano ang pagbiyahe o pagbabakasyon
05:44gaya ng mag-asawang sina Aiza at Erickson na papuntang Davao.
05:48Sobrang struggle, sobrang ano din siya, sobrang ang laki ng kailangang budget.
05:54Sa normal, nakaka-book kami, dalawa na is around 3-5.
05:59Pero ngayon, yung na-book namin is 7-6.
06:03So doble talaga yung naging increase.
06:08Pikit mata na lang din si Kathy sa sobrang mahal ng inabot ng kanilang pamasahe pa Thailand
06:13kung saan sila magbabakasyon ngayong Holy Week.
06:15TIG 35,000 piso raw kada tao ang binayaran nila para sa round-trip tickets pa Thailand.
06:22Walang magawa. No choice. Kaya lang kasi, para maging masaya yung family.
06:28Epektibo na sa Miyerkules o April 1 ang pagdataas ng fuel surcharge
06:32para sa domestic at international flights
06:34dahil pa rin sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
06:38Sa loob ng labing limang araw, itataas sa level 8 ang passenger fuel surcharge
06:43mula sa dating level 4. Kaya staycation na lang daw muna si Naayza.
06:48Bukod sa mahal na petrolyo, maraming bilihin na rin daw ang nagtaas ng presyo.
06:52Dati, pwede kang pumunta sa ibang lugar. Pero ngayon, dito lang.
06:56Team bahay na lang din daw si Naayza pagdating sa Davao.
06:59Dati is more on vacation sa Samal, sa mga titos-titas.
07:04So, as of now, within the area muna. More stay sa bahay.
07:09Tingin ng CAAP o Civil Aviation Authority of the Philippines,
07:12hindi agaran ang magiging epekto ng taas presyo ng langis
07:15sa mga babiyahe sa mga paliparan ngayong Semana Santa.
07:18Sa tingin ko po, this week, medyo wala pa tayo makikita ang pagtabago
07:24kahit na tumaas na yung, or tataas na yung presyo ng mga fuel.
07:28Puel, starting April 1, may fuel searchers, so tumaas talaga.
07:34Dahil na rin dito sa sitwasyon sa Middle East.
07:37So, wala ako nakikita so far sa ngayon na kihina yung pagpunta ng mga pasahero.
07:44Dahil nabili na ako kasi mga tikit niyan in advance.
07:47Pero mula Abril ay posibleng bumabaraw ang bilang ng mga babiyahe palabas ng bansa.
07:52Sinisiguro naman ang CAAP na may sapat na langis para sa operasyon ng mga paliparan.
07:56Samantala, efektibo sa miyerkules ang tapya sa aeronautical fees na binabayaran ng mga airline
08:02at service charges na binabayaran ng mga pasahero alinsunod sa utos ng CAAP at DOTR
08:07para raw ito magbigay ginhawa sa mga airline at pasahero sa gitna ng tumataas na presyo ng petrolyo.
08:16Ivan, ayon sa new NIA Infra Corp o NNIC, yung operator ng NIA,
08:21maaari na umabot sa mahigit 1.35 million passengers yung babiyahe rito sa buong Holy Week.
08:27Kaya mahigpit ang siguridad dito.
08:29Yan ang latest mula rito sa NIA Terminal 1.
08:32Balik sa'yo, Ivan.
08:33Maraming salamat, Darlene Kai.
08:38Mga higpit na siguridad, mahal na pamasahe at mas kaunting biyahe
08:42ang ilan sa mga sumalubong sa mga pasahero sa Batangasport sa Biyaheng Simana Santa.
08:48At nakatutok doon live si Pam Alec.
08:51Pam.
08:55Ivan, patuloy ang pagdating ng mga pasahero dito sa Batangasport ngayong araw ng mga palaspas simula ng Holy Week.
09:05Kininang umaga, mahaba ang pila sa ticketing booth sa passenger terminal ng pier sa Batangasport.
09:11Ang ilang bibili ng tiket, paabra de ilog sa Occidental Mindoro.
09:14May dalawang oras na nakapila pero di pa rin nakakakuha ng tiket.
09:18Nagtaas pasahe na sa ilang biyahe ng barko dahil sa oil price hike.
09:21May shipping line ding nagbawas na muna ng isa mula sa dating tatlong biyahe pa Puerto Galera bilang pagtitipid.
09:27Pero marami pa rin humahabol na makatawid ng dagat.
09:30Partikular sa mga biyaheng pa Oriental at Occidental Mindoro, Romblon at Katiklan sa Aklan.
09:35Si Pepito Pulita dito na nagpalipas ng gabi para mag-abang sa ticketing booth dahil fully booked na kahapon ang
09:41mga biyaheng Romblon.
09:50Mahikpit ang siguridad na pinatutupad doon.
09:52Nitong Webes nakumpiskan ng mga otoridad ng isang sachet ng hinihinalang iligal na droga kasama ang isang glass tube kung
09:58saan itinago ang pakete.
10:00Nakuha ito sa isang pasaherong biyaheng Kalapan, Oriental Mindoro.
10:04Bawal din magdala ng matatalim na bagay at mga flammable material sa mga sasakay sa barko.
10:08Inaasahan ng Philippine Coast Guard na gaya noong isang taon,
10:11aabot muli sa halos 3 milyon na mga pasaherong maglalayag ngayong Semana Santa, lalo na sa Martes at Merkoles Santo.
10:18Sa assessment ng PCG, hindi umanog gaanong naapektuhan ng mataas na presyo ng langis, ang dami ng biyahero.
10:24Sisiguraduin po natin na wala po tayong paaalisin na anumang barko o anumang motorboost na nagpas po sa kapasitad.
10:32Kasama rin po dyan ang pagpapaigtin po natin ng security measures.
10:36Kaya nag-deploy rin po tayo ng ating mga Coast Guard Canine Working Dogs sa mga major ports.
10:41Kasama po yung pag-deploy ng ating mga sea marshals.
10:49Ewan, ito makikita ninyo sa halikuran. Ito yung mga ticketing booths.
10:52Bagamat hindi mahaba yung pila sa ngayon, ito'y laging may tao, laging may inquiry.
10:56Ito ang latest. Bala rito sa Batangas Port. Balik sa inyo.
11:00Maraming salamat. Bamalegre.
11:02Sa Paranaque Integrated Terminal Exchange, nagulat ang ilang pasahero dahil tumaas ang pamasahe nila
11:08kahit mas maaga na silang nagbook at hindi sapat o hindi dapat saklaw
11:13ng aprobadong taas pasahe nito lang March 14.
11:17Nakatotok doon live si Bon Aquino.
11:20Bon.
11:22Iban, tuloy-tuloy ang pagdagsa ng mga babiyaya sa kanika nilang mga probinsya ngayong Semana Santa dito sa PITX.
11:29Ang ilang sa kanila dumadaing sa itinaas ng kanilang pamasahe.
11:34Ngayon nagulat ako kasi...
11:37February 10, nakabili ng 880 pesos na tiket pa Don Sol Sorsogon si Ami Berbenzana.
11:42Pero siningil pa siya ng dagdag na 220 pesos.
11:46Ngayon nagulat ako kasi medyo tumaas.
11:49Biyahing Don Sol din si Minerva Napi.
11:51March 1 siya nagpa-reserve ng tiket pero mula 1,250 pesos.
11:561,350 na ang binayaran niya.
11:59Pest na lang, ganun lang.
12:01Ayon sa tiket seller ng bus line,
12:03nagtaas sila ng pamasahe dahil sa pagtaas ng presyo ng gasolina.
12:07May 100 pesos din daw na color fee at iba pang additional na base rin anya sa taripa.
12:12Nung una po kasi, nung di pa po nagtaas yung krudo,
12:15mura pa lang po talagang pamasahe na.
12:17Kaso bigla po nag-hike po ng sobrang taas po,
12:20hindi na po kinaya ng ano namin, bus.
12:23Kaya sobrang taas din po ng tinahas namin.
12:26March 14, ipinatupad ng LTFRB ang Provisional Fair Hike sa mga Provincial Bus.
12:31Kasunod niyan, pinapreno ni Pangulong Bongbong Marcos
12:33ang pagpapatupad ng fair hike sa mga Public Utility Vehicles.
12:37Kaya sabi ng LTFRB, maging ang pamunuan ng PITX,
12:40wala dapat ipinatupad na taasingil sa mga Provincial Bus.
12:44Ayon sa PITX, nananatiling mataas ang bilang ng pasahero sa PITX
12:48dahil tingin nila lumipat sa public transportation ng mga tao.
12:52Dumami rin ang nila mga private vehicle na nakapark sa PITX.
12:57Mahaba na rin ang pila ng mga bus sa isang terminal ng bus sa Cubao sa Quezon City.
13:06Ivan, kumpara kanina mas dumabi na yung pasahero dito, no?
13:10And that's so 4pm, nasa mahigit 100,000 na yung food traffic dito sa PITX.
13:15Ivan?
13:17Maraming salamat.
13:18Bon Aquino.
13:19Bon Aquino.
Comments

Recommended