00:00Magiging 3 million pasahero ang inaasang babiyahe sa Paranaque Integrated Terminal Exchange o PITX ngayong holiday season.
00:07At ayan po sa pamunuan ng PITX, posibleng maramdaman ang dagsa ng mga biyahero simula December 19 hanggang January 5.
00:15Tingin po nila, hindi naman magkakasabay-sabay ang dagsa ng mga pasaherong magbabakasyon dahil meron pong long weekend pagtapos ng Pasko.
00:23Sa ngayon, available naman ang lahat ng biyahe pero marami na rin anilang nagpa-reserve ng bus ticket.
00:31At bukod naman sa supply ng mga bus at kaligtasan ng mga pasahero, nakamonitor din ang pamunuan sa hindi-autorizarong pagtaas ng presyo ng mga ticket.
Comments