00:00Direct ang karasan sa buhay sa bukid naman ang ipinaranas ng National Irrigation Administration sa NIA Farm Camp 2025.
00:09Panawin po natin ito.
00:18Masaya at puno ng bagong kaalaman, ganito kong ilarawan ang Farm Camp 2025 ng National Irrigation Administration Region 6,
00:26isang taon ng programa na layong hikayate ng kabataan na yakapin ang modernong agrikultura.
00:33Sa camp na ito, hindi lang natuto ang mga kabataang ilonggo tungkol sa irrigation systems.
00:38Naranasan din nila ang totoong buhay sa bukid mula sa pagtatanim at pag-ani hanggang sa proseso ng pagdaloy ng tubig na mahalaga sa bawat taniman.
00:47Through this activity natin ngayon, yung farm camp natin, i-train natin o magiging aware yung kabataan na malaman nila on hand yung actual na yung basic farming talaga
01:00at saka yung ano ba ang tulong at ano ba ang engagement nila sa community.
01:06Nakita ng mga kaluhok mula San Miguel, Capiz at mga karatig bayan sa Iloilo kung paano gumaga ng isang irrigation system mula dam hanggang lateral canals.
01:16Nasubukan din nila ang pagsakay sa kalabaw, paggamit ng tractor, pagbayo at pagtahop ng palay o rice pounding,
01:24pagluluto ng bigas at crafting gamit ng dahon ng niyog.
01:28Ako nga po pala si Danica Faith Alibay.
01:31Natutunan ko po ngayong araw, simula pa lang po natutunan ko na paano makipag-usap sa iba, makipag-socialize.
01:38Natutunan ko rin paano gumana yung dam, paano dumatali yung mga tubig mula sa dam, sa main canal hanggang sa lateral.
01:45Ang ganda lang po kasi.
01:47Ang ibang kabataan, ayaw na sa farming, ayaw sa pagsasaka kasi mahirap at maliit daw yung kita.
01:52Ano yung masasabi ninyo sa mga kabataan na yun?
01:55Bakit importante na yung mga kabataan gaya ninyo, e huwag iwanan yung pagsasaka kasi yan yung bumubuhay sa atin?
02:01Ano yung mga mensahe nyo sa kanila?
02:03Alam nila kung ano yung importansya ng pagtatanim kasi ito yung source ng ating pagkain, especially yung rice.
02:08Kasi dahil sa mga farmers, doon tayo nabubusog. Dahil sa mga gawa nila, sa trabaho nila, sila yung nagpo-produce sa atin ng pagkain po.
02:19So sabi ko sa mga kabataan ngayon na mag-try din sila ng mga activities na kagaya nito.
02:26Dahil dito ang buong katawan mo na-exercise. Pwede humaba pa ang buhay mo dahil nakaka-exercise ka every day.
02:34Sa kasalukuyan, ang average age ng Filipino farmers ay 57 hanggang 59 years old.
02:40Malinaw na senyales na papalapit na sa pagretiro ang malaking bahagi ng ating magsasaka.
02:46Patuloy ang niya sa pagpapatupad ng youth-centered programs upang masiguro ng agrikultura sa Pilipinas ay may matatag na kinabukasan.
02:54Alam naman natin yung mga kabataan ngayon susi ng bansa, yung kinabukasan, magandang kinabukasan.
02:59But we should act also as a government agency. We should do our part, not just to give programs and projects, but of course to uplift the importance of agriculture.
03:09So this youth camp or farm camp, isa sa mga paraan para ma-retain natin o ma-save natin yung problems sa agriculture. That is the farming generation gap.
03:19Ang farm camp ay higit pa sa training. Isa itong investment sa susunod na henerasyon.
03:24Sa pamagitan ng mga ganitong programa, unti-unting nabubuo ang bagong batch ng ag leaders na may modernong pananaw at tunay na malasakit sa sektor.
Be the first to comment