Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga Kapuso, 8 tulog na lang!
00:30At muling bumida ang mga float at mga parol sa taon ng Lantern Parade sa UP Diliman.
00:36At gaya po ng nakasanayan, may mensahe ang mga ipinarada na sumentro sa paksa ng pagpapanagot sa mga kurakot.
00:45Saksi si Jamie Santos.
00:50Makahulugan at makabuluhan, ganyan ang mga tampok na float sa UP Lantern Parade ngayong taon.
00:56Takaw pansin ang malaking float na ito na mukha ng isang lalaki at tinawag nilang si Mayor Balbal.
01:02Sa likuran nito, makikita pa ang isa pang mukha.
01:06Ito raw ay maskara na simbolo raw ng pagpapanggap na katauhan.
01:09Ang disenyo ng aming float ay nananawagan para managot yung mga korap sa flood control, maraming korupsyan dito po sa Pilipinas po.
01:20Sa mutsaring parol, ilaw at malikhaing disenyo na kumakatawan sa mga karanasan, alaala at kwento ng buhay iskolar,
01:28mula sa silid-aralan hanggang sa lansangan ng pakikibaka.
01:33At dahil nga likha ng mga iskolar ng bayan ng mga float at parol sa parada,
01:37hindi lang ito balot ng kagandahan ng disenyo.
01:40Paggus, ipinapakita rin ang kanilang mga float at parol ang kasalukuyang hinaharap na problema ng bayan.
01:46At mga panawagang managot ang mga dapat managot.
01:50Ang Kulehyo ng Ekonomiyang Pangtahanan ipinakita ang payak na pamumuhay ng mga Pilipino sa pagpapakita ng isang munting bahay
01:58at ang mga alon sa paligid nito na nagsisimbolo raw ng mga agos at unos at katiwilian na bumubuo sa atin.
02:07Hiling din nila na sana ngayong Pasko matupad ang wish ng bawat Pilipino.
02:12Makulong ang mga dapat makulong.
02:14Makamit po ng bawat pamilyang Pilipino ang mga, ang hustisya po na matagal na naming hinihingi
02:24para ang bawat pamilyang Pilipino po ay masaya rin ang Pasko.
02:29Ang National College of Public Administration and Governance, ONCPAG naman,
02:34ipinakita sa kanilang float ang mga tumatayong kanser sa ating nipunan
02:38at binigyan nila ito ng titulong pagkukurap.
02:41Ang wish ko po, gamitin po natin ang ating kapangyarihan at ang boses ng kabataan
02:47upang patuloy tayong tumindig laban sa korupsyon.
02:51Malinaw na malinaw ang mensahe ng College of Law sa kanilang float
02:54na may malaking buwaya at may mga katagang,
02:58justice delayed is justice denied.
03:00Ito na ang panahon para magkaroon ng hustisya sa ating bansa
03:03laban sa korupsyon at katiwilian.
03:06Kaya ito po, pag-aasap po natin ang hustisya.
03:09May float din mula sa College of Fine Arts
03:12na nananawagan ang katarungan para sa mga missing sabongeros.
03:17Bukod sa panawagan ng katarungan,
03:19may panawagan din para pangalagaan ng kalikasan.
03:22Lumahok din ang UP Varsity Pep Squad
03:24na nagpakita pa ng kanila mga breathtaking stunts.
03:28Para sa GMA Integrated News,
03:30ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.
03:33Salamat po sa inyong pagsaksi.
03:37Ako po si Pia Arcangel para sa mas malawang misyon
03:39at sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
03:43Mula sa GMA Integrated News,
03:45ang news authority ng Pilipino.
03:47Hanggang bukas,
03:48sama-sama po tayong magiging
03:50Saksi!
03:51Mga kapuso,
03:57maging una sa saksi.
03:59Mag-subscribe sa GMA Integrated News
04:00sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Comments

Recommended