Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hila eksena sa action movie ang pagbulusok na isang parachute at pagsabit nito sa traffic lights sa Mexico City.
00:08Nakapag-landing naman ang skydiver habang walang dumaraang sasakyan.
00:12Dalawang motorista ang tumigil para tulungan siya. Walang nasaktan sa insidente.
00:17Humarap sa civic judge, ang skydiver na kalauna ay pinauwi rin matapos mapatunayang wala siyang naidulot na pinsala.
00:24Nasunog ang isang bahay sa Cordova, Cebu. Kabilang sa natupok, ang labi ng isang babae na tatlong araw ng pinaglalamayan noon.
00:34Ayon sa nasunugan, isa sa kanyang anak ang nakapansin sa pagsiklab ng apoy at sinubukan pa nila itong apulahin.
00:42Nang lumaki pa ang sunog, agad daw niyang inilabas ang asawa niyang PWD pero hindi na nila nailabas ang labi ng kanyang anak.
00:49Napabaya ang katol, ang isa sa tinitignang sanhinang sunog.
00:53Nagpadala ng tulong ang Cordova LGU sa pamilya.
00:58Binaril at kinatay ang isang kalaw sa Lasam, Cagayan.
01:01Isa po itong uri ng hornbill na nanganganib ng maubos.
01:06Ayon sa Kaakibat Biodiversity Watch volunteer, Airgun,
01:10ang ginamit sa paghuli sa ibon sa kaniluto para gawing ulam, tuka at paanalang nito ang naiwan pagkatapos.
01:16Sa ilalim ng Wildlife Conservation Act, ipinagbabawal ang paghuli, pagpatay at pagbibenta ng mga endangered species gaya ng kalaw.
01:28Mga kapu, sa labing apat na tulog na lang, Pasko na.
01:31Patuloy ang pagningning ng mga naglalakihang Christmas trees sa iba't ibang parte ng bansa.
01:36Sa munisipyo ng Padre Garcia sa Batangas, mahigit tatlongpong talampakan ang taas at pinalamutian ng mga parol.
01:44Mayroon ding bilin para mas may padama ang diwa ng Pasko.
01:49Let's paint the town red naman ang paandar sa Limay Bataan.
01:53Atraksyon ang Christmas tree na makikita rin sa kanilang munisipyo.
01:57Sa paanan nito, may lagusan papasok ng munisipyo kung saan may nakaabang na Santa Claus.
02:03Sa Medsayap, Kotabato, may stulang konsyerto ang pailaw sa pagbubukas ng Christmas Bazaar.
02:10Tampok sa bazaar ang iba't ibang lokal na produkto ng mga lokal na negosyante.
02:15Mas pinain grande pa ang gabi sa isang nagawang Pyramusical fireworks display.
02:23Salamat po sa inyong pagsaksi sa ngalan ni PR Canghel.
02:27Ako po si Mariz Umali.
02:28Para sa mas malaking misyon at mas malawak na paglilingkod sa bayan,
02:33mula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Pilipino,
02:37hanggang bukas, sama-sama tayong magiging saksi.
02:45Mga kapuso, maging una sa saksi.
02:47Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
02:52Mga kapuso.
02:54Mag-saría.
02:55Mag-saría de News.
02:56Ma-saría de News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended