Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Kasabay na uwian na marami para sa Kapaskuhan ang simula ng matagal ng hinihintay na rehabilitasyon sa EDSA.
00:07Binabantayan din ang mga PUV na namamasada kahit kolorong.
00:11Saksila, si Bam Alegre.
00:14Bam?
00:18Pia tatlong kolorong na van, biya ang probinsya na intercept ng mga otoridad dito sa Cubao, Quezon City.
00:25Naahuli ang ilang van na ito na bibiyahe sana pa probinsya isang araw bago ang bispiras ng Pasko.
00:35Papunda sana ng Isabela at Camarines Sur ang mga van, pero wala may pakitang kaukulang dokumento ng sitahin ng SAIC o Special Action and Intelligence Committee for Transportation.
00:44Kumpiskado ang kanila mga plaka at for impounding ang mga sasakyan.
00:47Bukunin din ang mga lisensya ng mga driver at kitikitan.
00:50Kailangan itong tubusin mismo sa LTO.
00:52Depensa ng driver ng mga van, mga kamag-anak lang daw ang sakay sana ng sasakyan.
00:57Pero sa pagsisiyasad ng SAIC, may ilang pasahero na hindi nila kakilala o kaano-ano.
01:01Ito po'y napaka-delikado para po sa ating mga kababayan sapagkat hindi po sila covered ng mga insurance ng mga sasakyan pong ito.
01:09At yung pong ika nga, yung pagiging kolorong ay iligal at yung pong mga pamasahe ay hindi na-regulate.
01:15Yung mga sakay po namin, sir, alos mga konektado lang din po sa pamilya po na mga gusto pong makauwi ngayong Pasko.
01:22Kanina, abala na rin ang provincial bus station sa Edsa Cubaw ng pasyalanamin.
01:26Patuloy ang pagdating ng mga pasahero.
01:28Bitpit ang kanilang mga bagahe, pauwi sa kanilang kanilang probinsya bago ang Pasko.
01:31Sa PITX, nagdagdag na ng mga bus.
01:38Bandang tanghali, nagkaroon ng ilang segundong power interruption.
01:41Pero hindi naman naka-apekto sa operasyon.
01:44Mula December 19 hanggang kahapon, nasa 800,000 pasahero na ang dumaan sa PITX.
01:49Inaasahan po natin na 23 pong pinakamaraming mga babiyahe dahil ito na po yung last day bago po yung start ng ating Christmas holiday.
01:57190,000 to 200,000 po nakita natin for today.
02:01Nasa 1,600 special permits ang in-issue ng LTFRB para sa dagdag na bus.
02:06Meron pong congestion ngayon sa Port of Matnog dahil sa volume lang talaga.
02:11So yung turnaround time ng ibang bus, medyo tumatagal more than usual.
02:18So yun ang ating binomonitor kung kailangan pa talaga mag-issue ng additional special permits.
02:24Kasabay ng exodus ng mga sasakyang biyaheng probinsya,
02:27ang simula ng rehabilitasyon ng EDSA bukas alas 11 ng gabi.
02:31Naglabas ng schedule ng DPWH para sa 24 oras na pagkukumpuni hanggang December 27.
02:37Sa southbound, may concrete re-blocking sa ilang bahagi ng P. Celia Street hanggang Rojas Boulevard at Tramo Flyover hanggang P. Celia Street.
02:44Gayun din sa northbound ng Rojas Boulevard hanggang Park Avenue at Park Avenue hanggang Taft Avenue.
02:51Asphalt overlay naman ang gagawin sa ilang bahagi ng EDSA Orense hanggang Ordaneta Village southbound.
02:56EDSA Orense hanggang Magallanes Interchange at Tramo hanggang Loring Street.
03:01Magbibigay ang DPWH ng panibagong schedule ng pagkukumpuni para sa December 28 hanggang January 5.
03:07Wala rin coding mula ngayong araw hanggang December 25 at mula December 29 hanggang January 2.
03:13Sa kanto naman ng EDSA at Scout Borromeo sa Quezon City,
03:16tumagilid ang isang van matapos sumalpok sa concrete barriers ng EDSA southbound.
03:21Pasado alas 10.30 ng umaga,
03:23nagtulungan ng mga motorista para mailabas ang mga naipit na pasahero.
03:26Ayon sa MMDA, isang sugatan. Wala namang indikasyon na nakainom ang driver.
03:35Pia, makikita ninyo sa ang likuran, ganito karami yung mga pasahero rito na naghihintay ng masasakyan.
03:41At patuloy naman ang pag-ikot ng DOTR Saig para tiyaking walang biyaheng color room.
03:46Mula rito sa Cubao, Quezon City para sa GMA Integrated News.
03:49Ako si Ba Malegre, ang inyong saksi.
03:52Mga kapuso, maging una sa saksi.
03:55Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment