Skip to playerSkip to main content
  • 8 months ago
Rehabilitasyon ng EDSA, magsisimula na sa susunod na linggo at magtatagal na lamang ng walong buwan; sapat na transportasyon, tiniyak | ulat ni Gab Villegas

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sisimulan na ng Department of Public Works and Highways ang rehabilitasyon ng EDSA sa susunod na linggo
00:06at batay sa plano ng Hensha sa halip na dalawang taon ay aabuti na lamang ito nang wala pang isang taon.
00:13Ang mga detalye sa Sento ng Balita ni Gav Villegas.
00:19Inilatag na ng Department of Public Works and Highways ang panibagong plano para sa rehabilitasyon ng EDSA.
00:25Sa halip na dalawang taon ang itatagal ng EDSA rehab ay magiging walong buwan na lamang ito.
00:30Mahahati sa dalawang phase ang rehab kung saan sakop ng unang phase mula Rojas Boulevard sa Pasay City hanggang Orense Street sa Makati City
00:38at sakop na second phase ang nalalabing bahagi ng EDSA.
00:42Mula alas 11 ng gabi ng December 24 hanggang alas 4 na madaling araw ng January 5 ng susunod na taon,
00:4924-7 ang magiging trabaho ng DPWH para sa re-blocking works at asphalt overlay ng busway lanes.
00:57Mula January 5 hanggang May 31, 2026 ng alas 10 ng gabi hanggang alas 4 na madaling araw,
01:04tuwing lunes hanggang biyernes, lane by lane ang paglalagay ng asfalto sa northbound at southbound.
01:10At tuwing biyernes hanggang linggo naman, magsasagawa rin ang re-blocking at paglalagay ng asfalto ang DPWH sa tikisang linya ng northbound at southbound lane.
01:20Sa panibago rin versyon ng plano para sa EDSA rehab, malaki rin ang magiging diferensya sa magiging gastos ng pamahalaan.
01:28Sa halip na 17 billion pesos ang tinatayang magagastos para sa EDSA rehab ay magiging 8 billion pesos na lamang ang inaasahang magiging gastos para rito.
01:37Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, gagamit ang kagawaran ng panibagong klase ng asfalto na ginagamit sa Japan para sa rehabilitasyon ng EDSA.
01:47We will be using stone mastic asphalt technology.
01:51This has, itong gagamitin sa EDSA, I don't think it has been used on our national roads yet, no, itong technology nito.
02:00Makikita nyo ito mostly sa Japan.
02:02Kung makikita nyo yung mga asfalto sa Japan, ito yung gagamitin nating teknolohiya.
02:07Dahil hindi na na tayo mag-re-re-block ng lahat, kailangan natin asfaltong matibay.
02:13Hindi yung asfalto, isang ulan lang, nasisira na.
02:17Daanan na ng tubig, nasisira na.
02:19Ito mas matibay and mas madaling i-maintain.
02:24Mas mahaba ang maintenance life nung asfaltong draw.
02:30Ang Department of Transportation, tiniyak na sapat ang supply ng bus units sa EDSA busway at sisimulan na rin ang pag-rollout ng tatlong bago ng Dalyan trains pagsapit ng Pasko.
02:41We'll make sure na kahit paano ma-mitigate yung epekto ng trafico sa EDSA.
02:46Makakasiguro po kayo na yung ating MRT-3 at busway parati po nga dyan kahit na merong EDSA.
02:53Sinabi naman ng MMDA na walang magiging pagbabago sa number coding scheme kahit na nagsimula na ang EDSA rehab.
03:01Ang pagsasara lang ng karusada will happen December 24 to January 5, which is sa experience namin, sa datos namin, kakaundi talaga ang sasakyan sa buong Metro Manila.
03:15Maybe because siguro 70% ng population ng Metro Manila either nasa abroad or nasa probinsya.
03:23Ang mga motorista, positibo ang kanilang pagtingin sa oras na matapos ang EDSA rehab.
03:28Malaking ginawa, yun ang magiging halalabasang magandang malaking ginawa na yung natapos.
03:37Magginawa talaga, umayos talaga nila yung mga lubak-lubak na yan kung tutusin.
03:40Pero yun nga, magtiis muna tayo sa air-raf sa trafic. Pero kailan magtiis talaga?
03:45So kapaganda na yung natin yung mga karusada pa para mas maayos yung darin ng trafico.
03:51Tiniyak ng DPWH na magiging minimal lamang ang may dudulot na abala kapag nagsimula na ang rehabilitasyon ng EDSA.
03:58At makakaasa ang publiko na sa oras na makompleto ito, ibang EDSA na ang makikita ng mga motorista.
04:05Gab Villegas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended