00:00Sa papalabit na bisperas ng Pasko, sisimulan na ng Department of Public Works and Highways
00:05ang rehabilitasyon ng EDSA na inaasahang matatapos sa loob lamang ng 8 buwan.
00:11Iyan ang ulat ni Gab Villegas.
00:15Inilatag na ng Department of Public Works and Highways ang panibagong plano para sa rehabilitasyon ng EDSA.
00:21Sa halip na dalawang taon, ang itatagal ng EDSA Rehab ay magiging 8 buwan na lamang ito.
00:26Mahahati sa dalawang phase ang rehab kung saan sakop ng unang phase
00:30mula Rojas Boulevard sa Pasay City hanggang Orense Street sa Makati City
00:34at sakop na second phase ang nalalabing bahagi ng EDSA.
00:38Mula alas 11 ng gabi ng December 24 hanggang alas 4 na madaling araw ng January 5 ng susunod na taon,
00:4524-7 ang magiging trabaho ng DPWH para sa Reblocking Works at Asphalt Overlay ng Busway Lanes.
00:52Mula January 5 hanggang May 31, 2026 ng alas 10 ng gabi hanggang alas 4 na madaling araw,
01:00tuwing Lunes hanggang Biernes, lane by lane ang paglalagay ng asfalto sa northbound at southbound.
01:06At tuwing Biernes hanggang linggo naman,
01:08magsasagawa rin ng reblocking at paglalagay ng asfalto ang DPWH sa tikisang linya ng northbound at southbound lane.
01:15Sa panibago rin versyon ng plano para sa EDSA Rehab, malaki rin ang magiging diferensya sa magiging gastos ng pamahalaan.
01:24Sa halip na 17 billion pesos ang tinatayang magagastos para sa EDSA Rehab ay magiging 8 billion pesos na lamang ang inaasahang magiging gastos para rito.
01:33Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, gagamit ang kagawaran ng panibagong klase ng asfalto na ginagamit sa Japan para sa rehabilitasyon ng EDSA.
01:43We will be using stone mastic asphalt technology.
01:47Itong gagamitin sa EDSA, I don't think it has been used on our national roads yet, itong technology nito.
01:55Makikita nyo ito mostly sa Japan.
01:58Kung makikita nyo yung mga asfalto sa Japan, ito yung gagamitin nating teknoloya.
02:03Dahil hindi na nga tayo magre-reblock ng lahat, kailangan natin asfalto matibay.
02:09Hindi yung asfalto isang ulan lang yun eh, kaya nasisira na.
02:13Daanan lang ng tubig na sisira na.
02:15Ito mas matibay and mas madaling i-maintain.
02:20Mas mahaba ang maintenance life nung asfalto ito.
02:26Ang Department of Transportation, tiniyak na sapat ang supply ng bus units sa EDSA busway
02:31at sisimulan na rin ang pag-rollout ng tatlong bagon ng Dalyan trains pagsapit ng Pasko.
02:36We'll make sure na kahit paano ma-mitigate yung epekto ng trafico sa EDSA.
02:42Makakasiguro po kayo na yung ating MRT-3 at busway, parati po nga dyan kahit na merong EDSA rehab.
02:49Sinabi naman ng MMDA na walang magiging pagbabago sa number coding scheme kahit na nagsimula na ang EDSA rehab.
02:57Ang pagsasara lang ng karasada will happen December 24 to January 5, which is sa experience namin, sa datos namin, kakaunti talaga ang sasakyan sa buong Metro Manila.
03:11Maybe because siguro 70% ng population ng Metro Manila ay either nasa abroad or nasa probinsya.
03:19Ang mga motorista, positibo ang kanilang pagtingin sa oras na matapos ang EDSA rehab.
03:24Malaking ginawa, yun ang magiging kalalabasang magandang malaking ginawa na pag natapos.
03:33Magginawa talaga, umayos talaga nila yung mga lubak-lubak na yan kung tutusin.
03:36Pero yun nga, magtiis muna tayo sa air-raf sa trafic. Pero kailang magtiis talaga.
03:41So kapatanda na yung natin yung mga karasada ba para mas maayos yung dalin ng trafico.
03:47Tiniyak ng DPWH na magiging minimal lamang ang may dudulot na abala kapag nagsimula na ang rehabilitasyon ng EDSA.
03:54At makakaasa ang publiko na sa oras na makompleto ito, ibang EDSA na ang makikita ng mga motorista.
04:01Gab Villegas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments