Skip to playerSkip to main content
Hinampas, minura at pinagbantaan pa umano ng driver ng pickup ang isang nagkakariton sa harap pa naman ng umiiyak nitong anak. ‘Yan ay matapos mabangga ng kariton ang pickup.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inampas minura at pinagbantaan paumanon ng driver ng pickup ang isang nagkakariton sa karapan naman ng umiiyak nitong anak.
00:09Yan ay matapos umanong mabanggan ang kariton ang pickup, ang ipinataw na parusa ng LCO sa pagtutok ni Oscar Oida.
00:30Nauwi sa pananakit ang galit ng isang driver sa nagtutulak ng kariton na si Crispin Villamor.
00:36Sa gitna ng kanyang pagmumura at paghampas kay Crispin, maririnig ang iyak ng isang bata.
00:46Kwento ni Crispin habang nagtutulak ng kariton sa may barangay San Roque sa Antipolo City nitong Sabado ng gabi,
00:54nakasalubong niya ang isang puting pickup, dere-diretsyo daw ang takbo nito at muntik pang mabangga ang kanyang kasamang anak.
01:02Buti na lang daw at naiiwas niya ito hanggang sa tamaan na raw ng sasakyan ang kanyang kariton.
01:08Natulala na lang daw siya ng hampasin sa ulo at pagbantaan ng driver.
01:13Parang di niya ako nakikita. Parang yung nagkabanggaan na lang, bumanggaan na lang po sa kanyan, saka po siya bumaba.
01:20Parang doon siya nabuhayan. Sabi po niya, papatayin niya daw po. Tapos babarilin.
01:27Ang kanyang anak, halos di raw maawad sa pag-iyak, bunsod ng pangyayari.
01:33Masakit po yun para sa atin kasi magulang po tayo eh.
01:35Kasi para pinakita natin sa mga tao na pinakita mo sa anak mo na hindi mo siya pinag-tanggol.
01:41Ang video ng pananakit, viral na ngayon matapos ipost ng nakasaksi sa insidente.
01:47Nag-antay po kami ng mag-asawa mula umaga hanggang tanghali baka mag-sorry.
01:52Pero hindi po kasi nag-sorry. Kaya naisipan ko po na ipost na lang.
01:55Eh kung wala kami doon, baka hindi lang po batok inabot niyan.
01:58Nakita lang niya na nakakamera ko eh. Kaya po yun pumasok. Pero nagbanta pa po yun pagpasok niya.
02:03Ayon sa Antipolo City Police, nagpunta kanina sa kanilang tanggapan ang driver ng puting pickup upang makipag-ayos kay Crispin.
02:11Nag-sadya rito para humingi ng paumanhin din. Sabi niya ay nagkamali siya.
02:18Yung sinapak niya sa video, pumunta naman sa police station para linawin din yung issue na inimbisigahan namin na sabi niya ay hindi na siya para magsampapan ng reklamo.
02:30Nag-issue na rin ang Land Transportation Office ng Show Cost Order upang pagpaliwanagin ang driver na nanakit.
02:37Pinatawan na rin ang driver ng 90-day suspension habang isinasagawa ang imbistigasyon.
02:44Para sa GMA Integrated News, Oscar Oida, Nakatutok, 24 Oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended