00:00Muling binubuhay ngayon sa Kamara ang Charter Change sa pamamagitan ng Constitutional Convention.
00:06Ayon sa isang House Leader, makatutulong ito para mas mapalakas ang pagsusulong ng accountability sa gobyerno.
00:13Si Mela Lasmora sa Sandro ng Balita, live.
00:18Naomi, naniniwala nga si House Deputy Speaker Ronaldo Puno na mas mapalalakas ang pagpapanagot sa mga opisyal ng pamahalaan kapag naamiendahan ang konstitusyon.
00:28Sa katatapos lang na press conference dito sa Kamara, nanindigan si House Deputy Speaker Ronaldo Puno na napapanahon na para baguhin at itama ang ilang probisyon ng konstitusyon.
00:47Katulad anya ng mga salitang fortuit at one versus once patungkol sa isyo ng impeachment.
00:52G.T. Puno, dahil malabo ang konstitusyon, nagtatalo-talo na agad ang ilan sa mga patakaran pa lang,
00:59gayong mas malaking isyo sana ang pagkakasala sa batas at pananagutan ukol dito.
01:05Sa salitang fortuit, mainam anya nga, tukuyin na kung ilang araw mismo ang kailangan at hindi lang basta sa lalong madaling panahon.
01:13Kapag nalinaw na ito at ang iba pang bahagi ng konstitusyon na may kaugnayan sa impeachment,
01:18naniniwala si Puno na mas mapalalakas ang pagsusulong ng accountability sa gobyerno.
01:23Sa mga puntong ito, pakinggan natin ang bahagi ng pahayag ng Deputy Speaker Particularna sa magiging proseso ng isinusulong niyang CONCON.
01:31Ang proseso na gagamitin natin is, sa tangin ko, dapat katanggap-tanggap sa lahat.
01:39Alam niyo yung CONCON, dalawang steps yan eh.
01:41Unang-una, kailangan magkaroon ng joint resolution, calling for a constitutional convention.
01:49Yang joint resolution na yan, kailangan niyan is two-thirds vote.
01:53So, two-thirds vote dito sa House of Representatives at two-thirds vote sa Senado.
01:59So, hindi ipagsasama yan. Separate voting.
02:03Pag natapos na yan, magkakaroon tayo ng batas.
02:07Magkakaroon ng bill implementing law para sa constitutional convention.
02:12Anong ilalagay doon?
02:13Ilalagay doon kung ilan ang miyembro ng constitutional convention,
02:18saan sila kukunin, mga distrito ba yan, mga appointed ba yan, ganon.
02:23So, maraming pamamaraan sa tingin ko, pagdating natin doon sa paglaad ng batas,
02:29sa pagtatag ng constitutional convention,
02:32na maaring lagyan ng safeguard,
02:35para hindi magnerbius yung mga senador na maaboli sila,
02:38o magnerbius yung gusto magpresidente na magperpetuate in office yung mga ibang nadya na sa pwesto.
02:46Naomi, kanina nga natanong din tungkol sa timeline dito nga sa pagsusulong ng CONCON
02:53at sinasabi nga ni DS Puno na naniniwala siya na maaari naman itong mailusot ngayong kongreso
02:58at as iginigit nga niya na malaki ang maitutulong nito kapag tuluyan nang naamiendahan ang konstitusyon.
03:05Naomi?
03:05Naomi, may lakatang pinag-uusapan yung charter change.
03:09May mga nagdududa na agad sa tunay na hangarin nito.
03:12E paano ba makukumbinsin ang kamera yung kanilang counterpart sa Senado
03:15at ang publiko ukol sa kahalagahan nito?
03:22Naomi, sabi ni DS Puno sa ngayon,
03:25may mga nakakausap na siyang kongresista at ilang personalidad
03:28patungkol nga sa inisulong niya ng Constitutional Convention
03:31at ang sinasabi nga niya, mahalaga na mapaintindi sa lahat kung ano yung kanilang ipinaglalaban
03:37na ito ay tunay na makakatulong din para sa bansa.
03:40Kaya katulad ng press conference kanina ay willing siya nga patuloy na i-educate,
03:45i-inform ang ating mga kababayan at maging ang kanilang counterparts patungkol dito
03:49para nga magkaisa sila at maisulong na at maipasa itong isusulong niyang pag-amienda sa konstitusyon.
03:56At Naomi, sa mga susunod na araw, abangan nga natin yung aktual na paghahain niya ng joint resolution
04:02ukol nga rito at abangan natin yung magiging pag-usad nitong panukala para nga sa CONCON.
04:09Naomi?
04:10Maraming salamat, Mela Lasmoras.