00:00Magpapakalat ang National Capital Region Police Office ng 14,000 mga polis
00:06sa harap na rin ang nalalapit na pagsisimula ng Simbang Gabi.
00:10Bukod dito, magpapakalat din ang NCRPO ng mga polis at K-9 units sa mga train station
00:16para matiyak din ang ligtas na biyahe ng ating mga kababayan.
00:21Si Ryan Lesiguez sa Setro ng Balita.
00:23Bilang paghahanda sa pagsisimula ng Simbang Gabi, itataas ng National Capital Region Police Office o NCRPO
00:33ang kanilang alerto sa full alert status, layo nitong matiyak ang siguridad ng publiko sa paparating na holiday season.
00:41Ayon kay NCRPO Director, Police Major General Anthony Abirin, naka-heightened alert status ngayon ng NCRPO.
00:48Magpapakalat sila ng 14,000 polis na bahagi ng 70,000 polis na ipapakalat sa buong bansa.
00:55Kabilang sa mga babantayan ng mga polis ay ang places of worship, pamilihan, parke, pasyalan at mga transport hubs gaya ng paliparan at pantalan.
01:05Samantala, magde-deploy na rin ng nasa 300 polis sa mga train stations, kabilang ang K-9 units.
01:11Ito'y upang masiguro na walang makakalusot na kahinahinalang bagay na maaring humalo sa mga pasahero.
01:18Dalawa po, sa rail station po, magtatalaga po tayo ng dalawang polis po, kasi may kasama na rin po silang gwardyo doon.
01:25At saka mga, I understand, nag-deploy din po ata yung Philippine Coast Guard sa mga MRTs and LRTs.
01:31Sa ngayon, sinabi ni Abirin na wala pa niya silang augmentation na manggagaling sa ibang regyon.
01:37Wala naman daw kasing namomonitor na banta sa siguridad ng mahabang bakasyon.
01:42How based po sa latest threat assessment po natin ay wala naman po tayo na re-receive na threat po sa security po dito sa NCR.
01:54But just the same, hindi po tayo nagpapakampante.
01:58Tuloy-tuloy po yung intelligence monitoring po natin in coordination po and in collaboration po sa other intelligence unit po
02:04ng Armed Forces of the Philippines and other law enforcement agencies.
02:08Paalala ng NCRPO sa publiko, mag-ingat sa mga kriminal na mananamantala sa ganitong panahon upang mambiktima at makapanglamang.
02:18Sa mga kababayan po natin na lalabas po ng kanilang kabahayan para po mag-shopping or mag-enjoy po sa holiday season,
02:28paalala lang po natin na huwag na po tayong mag-suot ng mga mamahaling kagamitan or magdala ng mga mamahaling bagay
02:37and sana po ay palagi po tayong alerto at mapagmatsyag po sa ating kapaligiran.
02:44Ryan Lisigues para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments