Skip to playerSkip to main content
  • 5 weeks ago
14 Brgy. officials sa Iloilo City, sinampahan ng reklamo ng DSWD sa Ombudsman dahil sa umano’y pagbabawas ng ayuda ng AICS beneficiaries | ulat ni Gab Villegas

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ilang opisya ng iba't ibang barangay sa Iloilo City ang formal ng inereklamo ng Department of Social Welfare and Development
00:07dahil umano sa pagbabawas ito sa mga ipinamahaging tulong mula sa AX program ng ahensya.
00:13Si Gabiniega sa Sentro ng Balita.
00:18Sinampahan ng Department of Social Welfare and Development na reklamo sa ombudsman ang 14 barangay official
00:24mula sa 16 barangay sa Iloilo City.
00:27Ito ay matapos makatanggap ng ulat ang kagawaran na humihingi ng porsyento
00:32ang mga nasabing opisyal sa mga benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AX.
00:38Nangyari ang insidente noong November 7, 11 at 12.
00:42Ang KDSWD Secretary Rex Gatchalian, noon pang panahon ng COVID-19 pandemic,
00:48mayroong ganitong kalakaran kung saan noon ay humihingi lamang ng maliit na porsyento
00:53ang mga opisyal mula sa mga benepisyaryo.
00:55Mga barangay captain, kagawad, mga barangay treasurer at barangay appointed officials
01:00ang mga sangkot sa reklamo.
01:03Pero ngayon nagkaroon ng massive na complain kasi dati ang kinakalta sa kanila maliit lang na porsyento.
01:09Kung 10,000, mayro yan noon na iiwan sa kanila.
01:12Pero ngayon na binaliktad, medyo pinilit silang kunin yung mas malaking porsyento.
01:18Kunin sa kanila, that's around 8.
01:20Ang natitira na lang sa kanila, halos 2,000 or 1,000.
01:23Paglalahad pa ni Gatchalian, nangyari ang umano'y pagbawas ng mga opisyal sa ayuda
01:28pagkatapos ng payout kung saan nakawina ang mga benepisyaryo sa kanilang mga bahay.
01:33Dito ay tinatakot ng mga opisyal ang mga benepisyaryo
01:36na hindi sila isasama pa sa listahan kung hindi sila magbibigay ng porsyento.
01:41Itong mga payout sites namin, nakabantay yung mga social worker namin
01:45at yung mga development workers namin, hindi doon nangyayari.
01:48It's always a misnomer na empleyado namin yung kumakaltas.
01:52Hindi po. Ang kumakaltas sa reports normally are people in their communities already,
01:58people of authority na kinakatakutan nila.
02:00Dahil dito, pinasususpindi muna ng lokal na pamahalaan sa DSWD
02:04ang schedule ng payout sa mga benepisyaryo ng AICS.
02:08Target ng DSWD na muling maibalik ang payout sa Iloilo City
02:12pagdating ng Enero ng susunod na taon.
02:15Mahaharap ang mga sangkot na opisyal sa kasong Grieve Miscandak
02:18paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act,
02:22Ethical Standards for Public Officials and Employees at Abuse of Authority.
02:27Nakatakdaring magsampa ng karagdagan reklamo ang DSWD
02:30laban sa mga sangkot na barangay opisyal.
02:33Ang Ombudsman magiging seryoso sa ganitong mga kaso.
02:36Yung procedure po dito ay kung admin case po na ang ifa-file nila,
02:41it will go through administrative adjudication.
02:43Kaya naman, may babala ang kalihim sa mga magtatangka na magsamantala.
02:48So hopefully this sends a strong signal.
02:51Tulad ng lagi namin sinasabi sa DSWD,
02:53ang ayuda o ang tulong pinansyal ay para sa mga benepisyaryo.
02:57Hindi pwedeng may kumakaltas, hindi pwedeng may nakikialam dyan
03:00kahit sino pa, kahit na elected official ka pa.
03:03Ang pera na yan ay para sa mga biktima natin o sa mga kliyente natin.
03:07Gab Villegas, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended