00:00Umaasa mga Pilipino na mapananagot ang mga sangkot sa katiwalian na iniuugnay ng marami sa kahirapan base sa resulta ng isang survey.
00:10Lumabas din sa parehong survey na presyo ng mga bilihin ang isa sa mga problema na is ng mga Pilipino na matugunan ng gobyerno.
00:17Saksi si Sandra Aguinaldo.
00:22Mas mababang presyo ng bilihin, pagsugpo sa katiwalian at paglikha ng mas maraming trabaho.
00:29Ito ang pangunahing hangat ng mga Pilipino na tugunan ng gobyerno para sa kanilang komunidad.
00:35Base sa survey ng Pulse Asia na kinumisyon ng think tank na Strat Base.
00:41May 1,200 respondents ang survey na ginawang mula December 12 hanggang 15, 2025.
00:48Panahong mainit ang usapin sa mga maanumalyang flood control projects.
00:5238% ng respondents naniniwalang ang pagpapababa ng presyo ng bilihin ang pinaka-urgent na dapat gawin ng gobyerno.
01:0131% ng respondents ang nagsabing dapat sugpuin ang katiwalian para mapaganda pa ang servisyo ng gobyerno.
01:0921% ang nagsabing dapat lumikha ng mas maraming trabaho at pagkakakitaan.
01:15At 10% ang nagsabing dapat maging accessible ang edukasyon at healthcare.
01:20Meron ding plus minus 2.8% error margin at 95% confidence level ang survey.
01:28Ayon sa Strat Base, pinapakita ng survey na iniuugnay ng mga Pilipino ang epekto ng katiwalian sa kanilang mahirap na kalagayan.
01:36Sa kamila, nagkukulang ang servisyo ng pamahalaan.
01:40Hirap sila sa buhay, gutong, walang trabaho, kulang ang livelihood.
01:45Tapos meron pang pagnanakaw na nangyayari sa kaba ng marayan.
01:50Makikita rin daw sa survey na umaasa ang mga Pilipino sa gagawing hakbang ng gobyerno sa pagpapanagot sa mga sangkot sa katiwalian
01:57habang tinutugunan din ang kanilang mga economic concern.
02:02On top of their concern is really affordability.
02:06At side by side with that is reality na kailangan harapin ang pagnanakaw, may panagutin.
02:12Kasi kundi, hindi masasubre-resolve ba rin ang hirap ng kabuhayan ng tao.
02:17Because they feel the economy is driven by government sa actions and activities.
02:21Ayon sa Strathbase, regular silang nagpapagawa ng survey na ganito na maaring maggamit ng gobyerno bilang gabay ngayong 2026.
02:31This should be seen as a guide moving forward to 2026.
02:37These are the voters, these are the general public, these are your consumers, iba?
02:43That means they define what Philippine society is today.
02:47Kinukuha pa namin ang reaksyon ng Malacanac, kaugnay dito pero wala pa silang tugon sa ngayon.
02:52Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, ang inyong saksi.
Comments