Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga papakinabangan na ng mga miyembro ng PhilHealth ang libre gamot kada taon na nagkakahalaga ng hanggang 20,000 piso.
00:08Kung paano po yan makukuha, alamin sa pagsaksi ni Darlene Cai.
00:17Dahil limang buwan ang walang patrabaho kay mga Jerry bilang tilesetter,
00:22wala rin siyang pambili ng maintenance sa alta presyon na isa hanggang 2 piso kada buwan din.
00:27Ngayon, ang prices ng commodities natin, pataas ng pataas ang pagkain.
00:34Pero ang salary natin, sa amin, hindi naman kami regular. Kung ano yung nandyan lang, nandyan lang yan.
00:40Kaya malaking tulong daw sa tulad niya ang libre gamot sa PhilHealth Gamot Program,
00:44kung saan hanggang 20,000 piso sa halaga ng gamot ang maaring makuha ng bawat PhilHealth member kada taon.
00:51Malaki talaga yan, ma'am. Malaki talaga yan ang tulong sa amin, lalo na sa pinansyal.
00:57Malaking bagay, miska sa gamot nga lang, malaking bagay na, hindi na kami bibili.
01:01Ang 52 taong gulang na si Jose Manuel, natutuwa rin na malilibre na ang kanyang maintenance para sa hypertension.
01:08It's very nice. Napakalang bagay yan kasi ang maintenance, sa 1,000 hanggang 2,000 per month.
01:16Epektibo noong August 21, ang PhilHealth Gamot o Guaranteed and Accessible Medications for Outpatient Treatment
01:22ay isang drug benefit package para sa lahat ng PhilHealth member.
01:26Saklaw nito ang 75 klase ng gamot na nire-reseta para sa hika, ubo, diabetes, mataas na kolesterol,
01:33alta presyon, sakit sa puso, nervous system disorders at iba pa.
01:38Kasama rin ang antibiotics. Paano ba mag-avail?
01:41Gamit ang eGovPH app sa inyong computer o mobile device,
01:45magrehistro muna sa PhilHealth member portal sa napiling Yakap Clinic.
01:49Makikita ang kumpletong listahan ng Yakap Clinic sa website at official social media pages ng PhilHealth.
01:55Pero kung hirap na gumamit ng mobile device o may problema sa connection,
01:59pwede rin pumunta sa anumang PhilHealth office.
02:01Sa Yakap Clinic, may mga form na kailangang i-fill out.
02:05Kailangan ding magpatingin sa doktor at kumuha ng reseta.
02:08Kung may lumang reseta, pwede rin ipakita sa doktor.
02:12Pagkatapos nito, pwede rin ang pumunta sa kahit saang accredited gamot provider o butika
02:17para ipakita ang ibibigay na code para makakuha ng mga gamot.
02:21Long weekend po ngayon, Sabado, pero susubukan natin.
02:24Kung totoo ba itong Yakap na ito, tsaka yung gamot.
02:30Ako po mismo, kahit sa DOH tayo, hindi rin ako makapaniwala.
02:34Pero sige, tingnan natin ngayon kung talagang meron.
02:37Sinubukan mismo ni Assistant Health Secretary at DOH Spokesperson Albert Domingo
02:42ang pagkuhan ng libre gamot.
02:44Inabot siya ng isang oras mula pagpila hanggang sa pagkuhan ng reseta sa isang Yakap Clinic sa Alabang.
02:51Meron lang issues ng konti daw dun sa gamot app na sinasabi.
02:55Pero nabigyan pa rin po ako ng reseta.
02:57Okay po yung pagbigay ng PhilHealth gamot.
02:59Aminado si Domingo na pwede pang pagandahin at pabilisin ang sistema.
03:03Nung ako nga nagsusulat sa loob-loob ko, pwede nating paikliin to.
03:07Pero ang mahalaga dito ay may simula na.
03:10Sa Metro Manila palang ipinatutupad ang programa pero dati nang sinabi ng PhilHealth
03:14na palalawakin pa rin nila ang programang ito sa ibang bahagi ng bansa.
03:18Para sa GMA Integrated News, ako si Darlene Kay, ang inyong saksi.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended