Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Maygit 70 Pilipinong biktima ng human trafficking sa Myanmar ang nailigtas mula sa mga scam hub.
00:06Hinihintay na lang ng Department of Migrant Workers na makatawid sila papuntang Thailand.
00:12Sa 56 na Pinoy human trafficking victims naman sa Cambodia na narescue, halos kalahati ang makakabalik bansa ngayong linggo.
00:20Who happen to be also caught in the border conflict. So 22 of them will be home within this week.
00:29Ang tinutukoy ng DMW na pauwi ngayong linggo mapapabilang sa mahigit 2,000 Pilipinong biktima ng human trafficking mula sa mga scam hub sa Myanmar, Cambodia at Laos na nakabalik na sa Pilipinas.
00:42Ngayong International Migrants Day inilunsad at ipatutupad sa Pilipinas ang Operational Guidelines for Referral of Cases Involving Trafficked Migrant Workers and Overseas Filipinos.
00:54Layo nitong bumuo ng sistematiko o institutionalized na paraan sa pagtanggap, pagmonitor, pagtrack at pagrescue sa mga Pilipinong biktima ng human trafficking.
01:05Isa sa mga kasama sa Operational Guidelines ang pagkakaroon ng isang unified information sheet.
01:12Dahil kapag natukoy natin kung sino yung mga biktima at may tamang proseso at mekanismo para sila ay matukoy, madali natin silang mabibigyan ng assistance.
01:23Sa ilalim ng guidelines, unang aaksyon ang Embahada ng Pilipinas at ang Migrant Workers' Office o MWO.
01:30Dito sa Pilipinas, tutugunan ito ng DMW, DFA at ibat-ibang ahensya na miyembro ng Interagency Council Against Trafficking o IACAT.
01:39Kung may kakilala kang biktima ng human trafficking o anumang uri ng trafficking, maaari itong itawag sa IACAT, sa DMW o sa DFA at sa hotline number na 1343.
01:52Para sa GMA Integrated News, JP Soriano, ang inyong saksi.
01:57Mga kapuso, maging una sa saksi.
02:01Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Comments

Recommended