Skip to playerSkip to main content
  • 17 hours ago
Ari-arian at accounts ng isang construction firm na iniuugnay sa flood control scandal, inipit ng korte; Patuloy na pagtugis sa mga akusado, tiniyak ni PBBM | ulat ni Kenneth Paciente

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Samantala naglabas na ng freeze order ang korte sa mga ari-arian at bank accounts ng magkapatid na kongresistang iniuugnay sa korupsyon sa flood control projects.
00:10Si Kenneth Paciente sa report.
00:16Makukulong na sila. Wala silang Merry Christmas. Before Christmas, makukulong na sila.
00:21Iyan ang malinaw na pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong November 13 kung saan tiniyak niya na mapapanagot ang mga indibidwal na iniuugnay sa maanumalyang flood control projects.
00:32O ilang oras makaraang sabihin ng Pangulo na lalabas na ang warrant of arrest laban kay Sara Diskaya ay kaagad rin itong sumuko sa National Bureau of Investigation o NBI.
00:42Inaasahan din ang mabilis na pagsuko ng iba pang sangkot sa irregularidad sa ilang proyekto kontrabaha sa Davao Occidental.
00:49Inaasahan na rin natin lalabas ang warrant of arrest na ni Sara Diskaya itong linggong ito at hindi na rin magtatagal ang pag-aresto sa kanya.
00:59Una nang nagdeploy ang pambansang pulisya ng tracker teams para matuntun ang kinaroroonan ni Diskaya at iba pang dawit sa anomalya.
01:06Bagaman hindi na pinangalanan pa ng Pangulo, may mga indibidwal na rin anya ang nagsabing susuko sa NBI.
01:12Mayroon din walong taga DPW8 sa Davao Occidental na nagpadala na ng sulat na sila ay magsusurender sa NBI dahil sa hinaharap nilang mga kaso.
01:24Kasunod nito, ibinalita rin ng punong ehekutibo ang karagdagang mga ari-arian na pinatawa ng freeze order ng Court of Appeals.
01:31Partikular na rito ang mga ari-arian at accounts ng isang construction firm na iniuugnay din sa flood control scandal.
01:37Sakop ng freeze order ang mga account at ari-arian ng Silver Wolves Construction Corporation at Skyyard Aviation Corporation.
01:48Pati na rin ang mga personal account at asset ng mga indibidwal na nasangkot sa imbistigasyon.
01:54Kabilang ay si Congressman Eric Quiap at Ed Biquiap.
01:58May mahigit 16 billion na ang pumasok sa mga transaksyon ng Silver Wolves mula 2022 hanggang 2025.
02:06Na karamihan ay may kaugnayan sa mga flood control project ng DPWH.
02:11Ang Silver Wolves Construction Corporation na binanggit ng Pangulo ay iniuugnay sa umano'y hindi tapos na flood control project sa La Union.
02:19Una nang iginiit ng ombudsman na si Benguet Representative Eric Quiap, ang beneficial owner ng kumpanya.
02:25Bagaman sinabing nag-divest na siya noon, habang si Act CIS Representative Ed Vic Quiap naman,
02:30ay inaakusahan na nakatanggap umano ng pera mula sa kontraktor couple na sina Curly at Sara Diskaya.
02:36Wala pang inilalabas ang dalawang mambabatas na opisyal na pahayag sa ngayon.
02:40Kabuhuang 280 bank account ang na-freeze, 22 insurance policy, 3 securities account, at 8 sasakyang panghimpapawid,
02:51kabilang ang mga eroplano at helicopter na konektado sa Skyyard Aviation.
02:55Ipinunto ng Pangulo na malaking bagay ang freeze order para maiwasan na ang paggalaw o pagbibenta ng naturang mga assets,
03:02habang kasalukuyan ng investigasyon.
03:04Kailangan natin ang mga freeze order na ito para hindi maibenta ang mga ari-arian
03:09at para maibalik natin sa ating mga kababayan ang bawat pisong pinaghihinalaang ninakaw.
03:17Sa kabila ng usad na ito sa isyo ng malawakang korupsyon sa flood control projects,
03:21tiniyak ng punong ehekutibo na patuloy na tutugisin ang mga nasasangkot.
03:25Magpapatuloy ang embisigasyon, magpapatuloy ang pagpapanagot,
03:29at titiyakin ng pamahalaan na ang pera ng bayan ay maibabalik sa taong bayan.
03:34Kenneth Pasyente, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended