Inirekomenda ng Justice Department na kasuhan ng Kidnapping with Homicide at Kidnapping with Serious Illegal Detention ang negosyanteng si Charlie Atong Ang kaugnay ng mga nawawalang sabungero!Dawit din ang dalawampu't isang iba pang indibidwal kabilang ang ilang opisyal ng pulisya! May report si Sandra Aguinaldo.
Justice for Missing Sabungeros Network: "Hindi pa tapos ang laban hangga't wala pang hatol; hangga’t hindi pa napapanagot ang lahat"
Para naman sa kaanak ng mga nawawalang sabungero, ang desisyon ng DOJ ay pagkilala na may naganap na krimen.
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.
00:00In-recommendan ng Justice Department na kasuhan ng kidnapping with homicide at kidnapping with serious illegal detention
00:13ang negosyanteng si Charlie Atong Ang, kaugnay ng mga nawawalang sa bongero.
00:18Dawit din ng 21 iba pa, kabilang ang ilang opisyal ng pulisya.
00:24May report si Sandra Aguinaldo.
00:2510 counts ng kasong kidnapping with homicide ang ininungkahin ng Department of Justice na ihain laban sa negosyanteng si Atong Ang at sa 21 iba pa.
00:39Kabilang din sa listahan ng mga pinakakasuhan ng ilang opisyal ng pulisya, kabilang sina Lt. Col. Ryan J. Orapa, Police Major Philip Almedilla at iba pa.
00:50May hiwalay pang 16 counts of kidnapping with serious illegal detention ang in-recommend ng isang pa laban kinaang, Orapa, Almedilla at ilang John Doe's o hindi pa nakikilala mga pulis sa grupo ni Orapa.
01:04Ayon sa DOJ, isasampang ang mga kaso sa iba't ibang regional trial court, kabilang na ang Lipas City sa Batangas at sa Santa Cruz at San Pablo sa Laguna.
01:15Ibig sabihin, binigyang bigat ng panel of prosecutors ang mga testimonya ng whistleblowers na sina Julie Dondon Patidongan at mga kapatid na sina Elaki Matose.
01:26Pati na ang salaysay na isa pang tauhan ni Ang na si Glear Codilla.
01:30Matatandang itinuro ni Patidongan si Ang bilang mastermind sa pagdukot ng mga nawalang sabongero mula 2021 hanggang 2022 sa iba't ibang lugar sa Bulacan, Maynila, Laguna at Batangas.
01:43Sinabi pa ni Patidongan, pinatay na raw ang mga sabongero at itinapon sa Taal Lake.
01:48Tinawag naman ang abogado ni Ang na depektibo at hindi patas ang rekomendasyon ng DOJ.
01:55Maghahain daw sila ng motion for reconsideration.
01:58Sinusubukan pa ng GMA Integrated News na makunan ng pahayagang iba pang mga inirekomendang kasuhan.
02:05Sandra Aguinaldo nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:10Para naman sa kaanak ng mga nawawalang sabongero, ang desisyon ng DOJ ay pagkilala na may naganap na krimen.
02:17Pero hindi pa raw tapos ang laban hanggat wala pang hatol at hanggat hindi pa napapanagot ang lahat.
Be the first to comment