00:00Halos 700 disgrasya na ang naitala ng Health Department ngayong holiday season.
00:0574% niyan, motorsiklo ang sangkot, tulad ng ikinasawi ng isang lalaki sa Iloilo.
00:11Sa Quezon naman, bus saka yung mga kabataan ang nadisgrasya at isa ang nasawi.
00:17May report si Rafi Tima.
00:22Tumagrit ang isang bus sa kahabaan ng Marilaki Highway sa Barangay Magsaysay, Infanta, Quezon.
00:26Sakay nito ang 20 siyam na membro ng sangguniang kabataan na mag-i-excursion sa Real Quezon.
00:33Isa ang dead on the spot ng maipit sa pagtagilid ng bus, habang ang ilan sugatan at dinala sa ospital.
00:40Basag ang mga salamin at gasgas ang kaliwang bahagi ng bus na naitayo na pero nagkalat pa ang ilang gamit ng mga pasahero.
00:47Isa sa mga unang nakaresponde ang baranglitanod na si Mang Ramon.
00:50Ang bilis o sir ng takbo niya.
00:52Eh pagdating dito ay nakarinig ko na lang ang kalampag niya.
00:57Umabilis talaga. Bago lang yata ang nakakano sila dito.
01:00Parang lumag pa siya sa kalsada.
01:02Eh tumama siya sa barrier ng ganyan sir.
01:05Tapos tumagilid na siya.
01:08Nasa kustudiya na ng Infanta Police ang driver ng bus.
01:11Kung makikita itong skid mark na ito ay posibleng sinubukan pa ng driver na magpreno pero hindi na nito kinaya.
01:17At dumiretso yung bus dito sa may barrier na ito kung saan siya bumanga.
01:22Kung wala itong barrier na ito ay posibleng dumiretso yung bus dito sa may bangin at mas naging matindi pa yung pinsala dito sa bus.
01:29Pagkatapos bumanga ng bus ay tumagilid na ito sa badang babaan itong kalsada kung saan naipit yung isa sa mga nasawi.
01:37Ayon sa Infanta Police, hindi dapat dumahan ang bus sa Marilaki Highway na para lang sa maliliit na sasakyan.
01:42Mistula namang nilang bukos na papel ang SUV na ito sa Cagayan de Oro City matapos mahulog sa bangin.
01:49Apat na sakay nito ang patay.
01:51Kagagaling lang daw nila sa year-end fellowship sa isang resort.
02:06Critical ang SUV driver ng sasakyan at hinihintay na magkamalay para makuha na ng pahayag.
02:12Nakahandusay sa gitna ng kalsada sa Baras Gimbal Iloilo ang rider na yan nang sumalpok sa kasalubong ng multicab.
02:21Sa lakas ng impact, nagtamu na malumang head injury ang rider at nasawi.
02:25Ayon sa Gimbal Police, sinakop ng motorsiklo ang kabilang lane kaya nahagip ng multicab.
02:30Pusibleng lasing din umano ang rider.
02:32Sa North Tucson Expressway sa bahagi ng Pampanga, nagpatong-patong ang mga sasakyan matapos magkarambola.
02:40Kwento ng saksi, nagbagal ang nasa unang MPV at pickup pero mabilis ang takbo ng kasunod na kotse kaya nagdulot ng salpukan.
02:48Sumalpok din ang kasunod pang truck na hindi rin nakapagminor.
02:51Sugatan ang driver ng kotse na narespondihan ng isang ambulansya.
02:54Sa gihulungan City Negros Oriental, narescue ang anim na magkakaanak kabilang ang dalawang bata matapos tatlong oras na nagpalutang-lutang sa laot.
03:05Papunta sana sila sa isang libing nang lumubog ang sinasakyang pump boat.
03:09May mga nadaan kasi silang lumulutang na kahoy at nang subukang alisin ang isa sa kanila tumama sa gilid ng bangka.
03:16Nabutas ang bangka at pinasok ng tubig.
03:18Mabuti nilang at may dumaang barge at agad silang nailigtas.
03:21Rafi Tima nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments