00:00Tiniyak ng Malakanyang na hindi titigil si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. hanggat hindi napapanagot ang mga sangkot sa korupsyon.
00:08Supportado rin ng Pangulo ang pagpapalakas sa kapangirihan ng ICI o Independent Commission for Infrastructure.
00:15Yan ang ulat ni Kezo Pardilla.
00:19Hindi aatras si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. hanggat hindi napapanagot ang mga sangkot sa katiwalian.
00:27Ito ang tiniyak ng Malakanyang, kasunod ang pahayag ni Senate President Pro Temporay Pan Filolakson na tila malamig ang palasyo sa panukalang pagbuo ng Independent People's Commission.
00:41Ayon sa Malakanyang, mismong ang presidente ang nagbuo sa Independent Commission for Infrastructure na nanguna sa paghabol sa mga individual na nasa likod ng maanumalyang flood control projects.
00:55Dahil diyan, marami na ang naaresto, naipakong ari-arian at nabawing pera.
01:02Kaya supportado ang palasyo sa pagpapalakas ng ICI.
01:07Paglilinaw ito ng Malakanyang, matapos ihayag ang pangamba na baka madoble ang gagawin ng Panukalang Independent People's Commission sa Justice Department at Ombudsman.
01:19Sa ilalim ng Senate Bill 1512, magsisilbitong fact-finding body na a-assiste sa Ombudsman at DOJ sa pagbuo ng matibay na kaso laban sa mga individual na nilulustay ang pondo ng bayan.
01:35Bibigyan ng kapangyarihan na mag-issue ng subpina, contempt, witness immunity at protection.
01:42Itatatag ito at magiging permanenteng kapalit ng Independent Commission for Infrastructure.
Be the first to comment