00:00Nag-abiso ang pag-asa sa publiko na asahan pa ang pagbaba ng temperatura sa mga susunod na linggo at mga buwan.
00:08Ito'y dahil na rin sa pag-iral ng amihan.
00:11Ayon kay Pag-asa Climate Monitoring and Prediction Section Chief, Ana Lisa Solis,
00:16posibleng maglaro sa 11-14 degrees Celsius ang lowest temperature ngayong buwan.
00:22Habang posibleng naman bumagsak hanggang sa 7.9 degrees Celsius ang temperatura pagdating ng Enero hanggang Pebrero.
00:31Dahil dito, pinag-iingat ni Solis ang ating mga kababayan sa mga matataas na lugar sa Luzon,
00:37particular sa Cordillera Administrative Region.
00:42So mas lalamig pa po sa mga susunod na weeks and months.
00:46So around between 11.4 to 14.3 po, yung lowest temperature na forecasted ng pag-asa.
00:52Ngayong December, and then between 7.9 to 11.8,
00:57yan po yung mga possible na mga lowest temperature na pina-forecast po ng pag-asa mula January up to February 2026.
01:05Kailangan pa din pong mag-iingat yung ating mga kababayan,
01:08lalong-lalo na po dyan sa may mountainous areas ng Luzon, dyan sa my car.
01:13Dahil possible din po yung formation ng mga frost.
01:16So, possibly pong maka-apekto doon sa kanilang mga tanim sa ating mga high-value crops,
01:21dyan po sa my car region.
01:23So, yun din po, ay ibayo din po natin pinag-iingat ang ating mga magsasaka doon.