Skip to playerSkip to main content
  • 1 day ago
Panayam kay NCRPO Spokesperson, PMAJ. Hazel Asilo ukol sa assistance at deployment nang kapulisan sa kinasang 3 days transport strike, simula ngayong araw

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Samantala Assistance at Deployment ng Kapulisan sa ikinasang 3-Day Transport Strike,
00:06simula ngayong araw, ating pag-uusapan kasama si Police Major Hazel Asilo,
00:12ang tagapagsalita ng National Capital Region Police Office o NCRPO.
00:17Major Asilo, magandang tanghali po.
00:21Major Asilo.
00:23Joey and Yusik Margarito.
00:24Yes. Sige ma'am.
00:26Ma'am, kamusta po yung monitor?
00:30Sa ngayon po, naka-full monitoring po tayo mula madaling araw pa lamang,
00:41at lahat po ng ating district commanders ay naka-alerto at naka-focus sa convergence points
00:46upang matsak po na walang pagkaantala sa biyahe ng ating mga kababayan.
00:51Sinusunod po natin ang direktiba ng ating Regional Director, Police Major General Anthony Aberin,
00:56na siguraduhin ang strike ay hindi magdudulot ng panganib o malawak ang pagkastrandan ng ating mga commuters.
01:04Ma'am, ilang tauhan po ba ang dineploy ng NCRPO para po tiyakin ang kaayusan at kaligtasan po ng publiko sa transport strike nito?
01:11At saan po ba yung mga lugar po na kung saan sila idineploy?
01:15Paabot po ng 7,137 personnel po ang naka-deploy mula December 9 hanggang 11,
01:24ito po'y binubuo ng fixed post, mobile patrols, motorcycle riders, foot patrols, traffic personnel, border control teams,
01:32CDM forces at ganun din po meron tayong mga drone operators.
01:35Meron po tayong malaking deployment na nasa area ng Quezon City, nasa 1,800.
01:41Kasunod po nito ang Northern Police District na merong 1,683.
01:45Sa Southern Police District naman po meron tayong 1,358.
01:50Sa Eastern Police District nasa 1,165.
01:53At sa Manila Police District ay 1,131.
01:57Naka-focus po ang mga ito sa high-density routes, transport hubs, business districts, at areas na traditionally affected ng ating mga strikes.
02:07Major, kamusta po yung pakikipag-ugnayan nyo sa ibang ahensya ng gobyerno gaya ng MMDA, DOTR,
02:14pati na rin po sa mga LGU para tiyakin pong hindi gaano maaapektuhan talaga yung ating mga pasahero?
02:21Patuloy po yung ating koordinasyon sa local government units, lalo na po sa monitoring ng strike areas,
02:29food traffic, at availability ng alternative transport.
02:33Guided po ang lahat ng distrito sa parehong direktiba para mabilis na ma-adjust ang deployment kung kinakailangan.
02:39So patuloy po yung ginagawa nating pag-monitor kung alin po yung mga areas na kailangan puntahan ng ating mga libreng sakay,
02:46ng ating mga patrol cars, ganoon din po meron tayong mga motor na nakaantabay para po siguraduhin na yung ating mga kababayan
02:53ay hindi ma-i-stranded lalo po na ngayon na patlong araw po itong mangyayari na strike.
02:59Major, kaugnay naman po sa holiday season po, ano po ba yung mga inilatag na hakbang ng NCRPO po
03:05sa inaasang dagsa ng mga tao sa iba't ibang lugar sa Metro Manila?
03:09Ilang tauhan ng NCRPO po ba ang ipapakalat?
03:13Pagdating naman po sa ating deployment ngayon para sa Luletide season,
03:19meron po tayong mahigit 14,000 na personnel na i-deploy sa ating mga transport hubs,
03:25sa ating mga shopping centers, yung mga areas po na kung saan mamimili yung ating mga kababayan.
03:31Ganon din po dito sa ating mga major toro fairs.
03:34At ating syempre yung mga places of worship natin lalo pa ngayon na malapit na po yung ating Simbangabi.
03:40So ito po yung mga areas na paglalagakan natin, itong nasa mahigit 14,000 natin ng mga personnel.
03:47Ma'am, kailan po ipapatupad yung full alert status ng NCRPO at hanggang kailan po ito?
03:53Maaari po kami magtaas na po ng full alert status by December 16,
04:01sa simula po ng ating Simbangabi at maaari po itong magtapos hanggang po sa araw ng 3 Kings or hanggang January 2026.
04:10Ma'am, hingi na rin po kami ng updates sa crime rate po sa NCR.
04:14At ano po ba yung datos at ano po yung mga kadalasang insidente na itatala?
04:19Lalo po ngayon na malapit na po yung ating, syempre yung pamimili ng ating mga kababayan,
04:27isa po sa datos na ating mga nakuha mula September 1 hanggang December 8,
04:33makikita po natin na mixed trends sa crime situation ng Metro Manila.
04:37Bumaba po yung ilang major crimes tulad ng murder, rape, at special complex crimes
04:42na nagpapakita ng ating efektibo na preventive at investigative efforts.
04:47Binabantayan po natin sa ngayon ng ilang property crimes,
04:51particular ang theft, robbery, at physical injuries,
04:54na karaniwang tumataas habang papalapit ang holiday season
04:57dahil sa mas mataas na food traffic sa malls, terminals, at commercial areas.
05:01Sa kabuan po ay manageable naman ang crime situation at nakadeploy ang ating mga tauhan
05:06para siguraduhin mabilis ang response at hindi makakalusot ang mga kriminal ngayong kapaskuhan.
05:12Bukod po sa pagkalat po ng personnel, ano po yung mga hakbang ng NCRPO
05:16para mabawasan po yung mga property crimes na ito?
05:23Mas lalo po natin pinalakas yung ating expanded police visibility sa mga pangunahing lugar
05:28at sinasabayan po natin ito ng 24-7 na monitoring
05:32para mabilis po yung makita natin kung ano man po ang mga pagbabago sa sitwasyon.
05:37Nakaantabay din po ang ating quick response teams para agad rumispondi kung kinakailangan
05:42habang mahigpit na ipinapatupad natin ang zero tolerance policy
05:45laban sa harassment at obstruction upang maprotektahan po ang mga commuters at operators.
05:52Kapag may bigla yung pagdami naman po ng mga tao sa mga iba't ibang lugar,
05:56agad naman po tayong gumagalaw para po sa ating rapid redeployment
06:00para mapanatihi po ang kaayusan at kaligtasan ng ating publiko.
06:05Okay ma'am, mensahe at paalala nyo na lang po para sa ligtas at maayos po na holiday season.
06:11Sa ating mga kababayan, kami po ay nananawagan na maging maingat at mapagmatsyag
06:18ngayong panahon ng pagdagsa ng tao sa Metro Manila.
06:21Pakiusap po namin na sundin ang mga abiso at agad pong ipaalam sa pinakamalapit na polis
06:26kung may nakita kayong kahinahinalang kilos o anumang uri ng pananakot o aberya.
06:32Nakadeploy po ang ating mga tauhan, mobility teams at monitoring units
06:36upang tsaking ligtas ang inyong pagbiyahi at pagdiriwang ng holiday season.
06:40Sa buong holiday season po, asahan ninyo ang mabilis, responsive
06:44at palaging nararangtang damang presensya ng NCRPO
06:47para sa inyong kapayapaan at siguridad.
06:50Okay, maraming salamat po sa inyong oras.
06:53Police Major Hazel Asilo, ang tagapagsalita ng NCRPO.
06:58Maaf, ang pagdiriwang, ang pagdiriwang, ang pagdiriwang.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended