00:00Tuwing mayroon pong kalamidad, likas na po sa mga Pilipino ang magbayanihan.
00:04Tulad na lamang ng ilan po natin mga kababayan na hindi alintana ang panganib,
00:08makatunong lamang sa mga nasalanta ng bagyo at baha.
00:11Ang kwento po ng bayanihan ng mga Pilipino sa report ni Joshua Garcia.
00:18Nagbayanihan sa pagrescue ang mga kalalakihang ito sa isang lamay matapos pasukin ng tubig baha.
00:24Sa FB post nga ni Justin Dale de la Cruz, sinabi niya na pahirapan ang paglabas ng kabaong dahil sa makitig na eskinita na sinabayan pa ng malalim na tubig.
00:34Kung naantig kayo sa unang video, check, mafe-feel good naman kayo sa video post na ito ni Kim Molina sa kanyang FB.
00:41Sadyan lumalabas umano ang pagiging positibo ng mga Pinoy sa mga panahon na tila ba mahirap maging masaya.
00:48Ika nga, moment of joy in dark times.
00:51Umbaan niya ang video ng mga good comments.
00:53Sa mga litratong ibinita naman ni Jek Jek Jacob sa kanyang FB post,
00:57isang ayaw na magpakilalang donor ang nasa likod umano ng mga ipinamahagi nilang groceries sa mga binahang kabarangay.
01:04Para kay Jek Jek, kahanga-hanga at deserve na kilalangin ang Good Samaritan sa kanyang Act of Kindness.
01:11Joshua Garcia, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.