Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Naniniwala ang isang accredited lawyer sa International Criminal Court na hindi basta-basta isa sa publiko ng Korte kung may arrest warrant na para kay Sen. Ronald Bato de la Rosa.
00:12Posible nang mas maging maingat din daw ang ICC matapos ang magulong pag-arrest noon kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
00:19May unang balita si Tina Panganiban Perez.
00:21Sa isang Facebook post, sinabi ni dating presidential spokesperson Harry Roque na lumabas na umano ang arrest warrant para kay Sen. Bato de la Rosa mula sa International Criminal Court.
00:37Pinayuhan din ni Roque si de la Rosa sa naturang post na huwag magpakidnap.
00:43Sabay sabing dapat igiit nito ang karapatang maiharap muna sa isang Korte sa Pilipinas.
00:49Sa huling balita, nasa The Hague si Roque pero wala naman siyang binigay na detalye kung saan niya nakuha ang impormasyon.
00:57Wala naman daw natanggap na impormasyon kaugnay sa arrest warrant ang legal counsel ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Atty. Nicholas Kaufman.
01:07Aniya, labag sa prosecutorial logic ang paghiling sa karagdagang ICC arrest warrants bago maresolba ang mga inapela nilang isyo sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
01:20Si Ombudsman Jesus Crispin Remulia ang unang nagsabing meron ng arrest warrant laban kay de la Rosa.
01:26Pero sabi ni Atty. Nicholas Kaufman, hindi siya naniniwalang magpapabaya si Remulia sa posibilidad na ma-contempt sa pag-leak ng confidential na arrest warrant.
01:37Punto niya, walang ganoong panganib sa pagkakalat ng fake news.
01:42Nang tanungin naman si ICC Accredited Lawyer Atty. Gilbert Andres tungkol sa issue,
01:48sinabi nitong kung maglabas man ang arrest warrant ang International Criminal Court kay de la Rosa, hindi ito isa sa publiko.
01:56Hindi rin nila kinoconfirm. Alam naman natin, sabi ng spokesperson ng ICC na I don't have any info on that.
02:03At knowing ICC, they're very secretive, they're very careful about such sensitive issue.
02:12Kaya wala din silang publicly confirmed information on this.
02:18Sa tingin niya, mas magiging maingat pa ang ICC ngayon matapos sa magulong pag-aresto kay dating Pangulong Duterte noong Marso.
02:26Definitely, kasi napaka-sensitive ng ICC sa mga any potential repercussions.
02:33Kaya sa tingin ko po, mas magiging careful po sila.
02:37Lalong-lala na kung may alleged ICC arrest warrant against kay Sen. Bato de la Rosa.
02:43Hinihinga namin ang pahayag si Ombudsman Remulia.
02:46Pero para kay dating Sen. Antonio Trillanes IV na kabilang sa mga nag-ha-in na reklamo sa ICC laban kay Duterte.
02:54I am not in a position to confirm or deny yung existence ng warrant na yan.
03:03Ang masasabi lang natin, we will have to give the benefit of the doubt kay Ombudsman Boying Remulia.
03:13Kasi he won't have any reason to make up stories.
03:19Ito ang unang balita. Tina Panganiban Perez para sa GMA Integrated News.
03:25Igan, mauna ka sa mga balita. Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended