00:00Nagpapatuloy ay araw ng Road Worthiness Inspection ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation o SAIC.
00:07Tinikita ng ilang chuper dahil sa iba't ibang paglabag.
00:11Live sa Casano City, may unang balita si Jomera Presto.
00:14Jomera!
00:18Egan, good morning. Narito ako sa bahagi ng Quezon Avenue kung saan nagsasagawa ng Road Worthiness Inspection sa mga PUV,
00:25ang mga tauhan ng SAIC Special Operations Group.
00:28At para daw yan sa kaligtasan lalo na ng mga pasahero.
00:35Halos kararating lang ng SAIC Special Operations Group sa bahagi ng Quezon Avenue kanina,
00:40isang traditional jeep ni Kaagad ang kanilang pinara.
00:43Makikita kasi napudpud na talaga ang dalawang gulong nito sa harap.
00:47Wala naman po akong masasabi ko kasi trabaho naman po nila yan.
00:50Hindi rin nakalusot ang UV Express na ito na piyaheng Fairview Buendia na pundido ang headlight.
00:55Depensa ng driver, kababalik niya lang galing bakasyon at hindi niya alam na may problema ang kanyang unit.
01:01E sana po minsan, magbigay silang konsiderasyon.
01:05Kasi hindi naman po lahat.
01:06Lalo na ngayon, hindi naman malaki kinikita na sa UV.
01:09Tinikitan pa rin siya ng SAIC.
01:10Ang UV Express naman na ito, pinara dahil sa kanyang improvised plate.
01:14Sabi ng driver nito, nawala kasi ang plaka ng van.
01:17Nakapagpakita naman siya ng mga updated na dokumento, kaya pinaalis din siya.
01:21Ayon sa SAIC, mahalaga ang ganitong klase ng operasyon para matiyak ang siguridad ng publiko, lalo na ng mga pasahero.
01:27Humingi naman ng paumanhin ng SAIC sa mga pasaherong naapektuhan sa kanilang operasyon.
01:31Pinapauna na po namin yung aming paghingin, ang paumanhin, kung kayo po ay nagkakaroon ng konting pagkaabala.
01:38Pero ito naman po ay para po sa inyong kapakanan at sa inyong kaligtasan.
01:47Igaan sabi ng SAIC, hindi raw bababa sa sampung sasakyan ng kanilang nahuli na ngayong umaga.
01:51Kabilang na ang bus na nasa aking likuran, dalawa ang violation niyan.
01:54Isa ang paggamit ng unauthorized na plaka o yung improvised na plaka na walang authorization galing sa LTO at yung unregistered vehicle.
02:04Hindi daw nakarehistro yan, kaya impounded ang nasabing bus.
02:07Bukod dyan, meron ding mga sasakyan na natikitan kanina kabilang na ang dalawang traditional jeepney na pudpudang gulong.
02:13Sabi ng SAIC, kung maaari raw, araw-arawin nila ang ganitong klase ng operasyon para na rin sa kapakanan ng publiko.
02:19At live mula dito sa Quezon City, ako po si Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
02:23Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
Comments