Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Wala pong bagyo pero nakaranas na naman ang malakas na ulan at hangin ang ilang lalawigan kahapon.
00:06Sa Apayaw, dalawang bangkay ng lalaki ang narecover matapos ang pagguho ng lupa.
00:12Narito ang unang balita.
00:16Tatlong lalaking residente ang natabunan ng gumuhong lupa sa barangay Badwat sa Kabugaw, Apayaw
00:21sa kasagsagan ng masamang panahon kahapon.
00:25Sa tulong ng ilang residente, tagumpay na narecover ang dalawang bangkay.
00:29Sinuspin din naman muna ang paghahanap sa isa pang bangkay dahil sa banta ng muling pagguho ng lupa.
00:39Nagsagawa ng clearing operation sa ilang kalsada sa barangay San Juan sa Santa Prasedes, Cagayan.
00:45Kasunod ito ng pagguho ng lupa sa gilid ng bundok, dulot ng pagulan doon.
00:50Nalinis na rin ang mahumambalang na gumuhong lupa sa ilang kalsada sa barangay San Miguel.
00:54Sa Tugigaraw City, ilang kalsada tulay ang hindi madaanan dahil sa pagbahang dulot ng malakas na ulan.
01:03Binabantayan ang antas ng Cagayan River sa bandang Bunton Bridge dahil malapit na sa critical level.
01:10Nagbabala ang mga otoridad sa mga residente malapit doon na lumikas na kung kinakailangan.
01:15Samantala, ang mga residente ang inilikas mula sa iba pang lugar ay dinala na sa evacuation center.
01:23Sa pagod po di Locos Norte naman, humambalang ang malalaking tipak ng bato at puno sa kabaan ng barangay Pasaling kasunod ng malakas na pagulan doon.
01:33Nagsasagawa na ng clearing operations.
01:35Naranasan din ang masamang panahon sa Pantawan People's Park sa Dumaguete, Negros Oriental.
01:46Nagtago ang ilang medik sa ilalim ng tolda dahil sa lakas ng hangin na sinabayan ng ulan.
01:52Sa isa pang video, nagliparan na ang mga kanopi at nawasak.
01:56Pansamantala rin na wala ang supply ng kuryente.
01:59Ayon sa pag-asa, ang masamang panahon sa Dumaguete ay dulot ng localized thunderstorm.
02:04Ang pagulan naman sa Cagayan at Tapayaw ay dahil sa shear line.
02:09Ito ang unang balita.
02:10Bea Pinlak para sa GMA Integrated News.
02:13Gusto mo bang mauna sa mga balita?
02:16Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
02:26Mag-subscribe na sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended