Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Itinanggin ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga ulat na naaresto siya sa The Netherlands.
00:06Nagpakita pa siya ng ticket para sa biyahing via na Austria.
00:09Pero sabi ng Department of Justice, hindi na dapat nakakabiyahe si Roque dahil kinansila na ng gobyerno ang kanyang passport.
00:17Ngayon ang balita si Joseph Moro.
00:22Sa pananaw ng Department of Justice, may tuturing ng fugitive o pagante si dating Presidential Spokesman Harry Roque.
00:29Isa si Roque sa mga nahaharap sa kasang qualified human trafficking, kaugnay sa Pogo na Lucky South 99 sa Porac, Pampanga.
00:37Hiniling na ng gobyerno na mailagay sa Interpol Red Notice si Roque para sa pag-aresto rito.
00:43Sinapubliko ang utos ng Pasig RTC Branch 157 na kanselahin ang kanyang passport.
00:49Sa Facebook Live ni Roque,
00:50Meron po po akong 15 araw para mag-file ng motion for reconsideration at nagpa-file po ako ng motion for reconsideration.
00:57Dagdag ni Roque, hindi siya pwedeng arestuin dahil nag-a-apply siya ng political asylum sa the Netherlands.
01:03Ang paghingi po na asylum ay karapatang pantao.
01:05That is a justifiable means po of why I am away from jurisdiction of the Philippines.
01:12Wala pong ebidensya na ako'y nag-recruit na kahit sino para pagsamantalahan ang kanilang trabaho.
01:17Pero sa anunsyo ng DFA, kinansila na ang passport ni Roque, kinatawan ng Lucky South 99 na si Cassandra Ong at tatlong iba pa.
01:25Our understanding of the passport law is that if there's a court order declaring the passport holder as a fugitive,
01:31the DFA can take action and implement the order.
01:34Itinanggirin ni Roque ang mga lumabas na ulat na inaresto siya sa the Netherlands.
01:39Sabi ni Roque may flight siya ang patungo sa Vienna, Austria.
01:42Nang tanungin kung posible nga ba makabiyaya si Roque dahil kanselado na ang passport nito,
01:47sabi ng DOJ hindi raw ito posible kung wala siyang valid passport.
01:52At pwede siyang hulihin ng immigration authorities at maaring madetain ang anumang bansa kung gawin niya ito.
01:57Ang DILG wala rin natanggap na opisyal na komunikasyon na kumukumpirma sa pag-aresto kay Roque.
02:04Tingin ang DOJ walang basihan ang paghingi niya ng asylum.
02:07At the end of the day, he has to demonstrate and establish to the authorities na he is being persecuted here.
02:17There is no persecution but he is evading prosecution.
02:20Ayon sa DOJ, nag-alok sila ng isang milyong pisong pabuya para sa impormasyong makatutulong upang ma-aresto si Cassandra Ong.
02:28We confirmed that we're having difficulty precisely. The reward is basically crowdsourcing ito.
02:34With the current information we have, we don't have enough.
02:37Batid naman po natin sa nakalipas may kakayanan na umikot, malaw, makalabas at pumasok ng Pilipinas na hindi natutukoy.
02:51Ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission of PAOK, huling natrack si Ong sa Japan sa unong bahagi ng taon.
02:58Nasa red notice na rin umano ng Interpol si Ong, nangangahulong ang tutulong ito sa pag-aresto sa kanya.
03:04Pero sabi ng DOJ walang record na lumabas si Ong sa bansa.
03:07Baka nag-backdoor. Isa po siya talaga dun sa principal. Isa siya dun sa may malalim na kaalaman sa kasong nangyari.
03:20Di ba? At tulad ng sinabi ko, kaya rin tayo nag-offer ng reward, kulang pa ang aming impormasyon.
03:28Sa isang pahayag, sinabi ng abogado ni Ong na diversionary tactic o mano ang hakbang ng DOJ.
03:34Ito ang unang balita, Joseph Morong para sa GMA Integrated News.
03:39Gusto mo bang mauna sa mga balita? Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
03:47Mag-subscribe na sa GMA.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended