00:00Tiniyak ng mga senador na sa 2026 proposed budget ay maibabalik na sa PhilHealth ang 60 billion pesos sa ipinagutos sa Korte Suprema.
00:10Bukod pa rito, mahigit 50 billion pesos pang pondo ang PhilHealth,
00:14kaya naman mas napapainting pa ang pagpapatupad ng zero balance billing at ng PhilHealth packages sa susunod na taon.
00:22Si Luis Erispe sa Sentro ng Balita.
00:24Sang-ayon ng mga senador sa naging disisyon ng Korte Suprema na ibalik ang 60 billion pesos fund sa PhilHealth na kukunin mula sa 2026 national budget.
00:37Ayon pa nga kay Senate President Vicente Soto III, bago pa man ang disisyon ng SC,
00:42nilagay na nila sa 2026 budget ang 60 billion pesos na alokasyon para sa PhilHealth.
00:48Ito na ang pagbalik ng pondo sa ahensya na nasa National Treasury.
00:52Si Sen. Sherwin Gatchalian naman at chairman ng Committee on Finance sa Senado,
00:57Bukod raw sa 60 billion, may 53 billion pang regular fund ang PhilHealth sa 2026 proposed budget,
01:04kaya lalabas na may 113 billion pesos na alokasyon para sa PhilHealth.
01:10Nagpasalamat naman si Sen. Risa Hontiveros sa disisyon ng SC.
01:14Anya, matatawag na major error ng gobyerno ang pagkuhas sa pondo ng PhilHealth.
01:20Ang 60 billion din sa proposed 2026 budget na nakalaan para sa PhilHealth ay patunay na handang ibalik ng Kongreso ang perang nawala para sa ahensya.
01:30Ayon naman kay Sen. Christopher Bongo, ito ay maituturing na panalo ng mga Pilipino.
01:36Naniniwala naman ng PhilHealth na ang disisyon ng Korte may kaakibat na hamon na siguruhing makakapagbigay ng wastong serbisyo pang kalusugan ang gobyerno sa mga Pilipino.
01:47Kaya titiyaki nilang masusunod at magagawa ang mandatong magbigay ng tulong pang kalusugan sa publiko.
01:54Ayon naman kay DOH, Secretary Ted Herbosa.
01:57Dahil dito, pag-iigdingin pa ang zero balance billing sa mga ospital ng DOH,
02:02universal healthcare law at pati ang benefit packages ng PhilHealth.
02:06Malaking tulong ito sa ginagawa nating mga programa ngayon, yung pag-implementa ng universal healthcare at yung ating zero balance billing na ginagawa natin ngayon sa mga ospital ng DOH at yung pagtaas ng mga PhilHealth benefit packages.
02:22Nagpasalamat din si Herbosa sa kongreso dahil bago pa man ang disisyon ng Korte ay may 60 billion na agad na alokasyon sa PhilHealth sa 2026 proposed national budget.
02:33Samantala, pumasanas sa ikalawang pagbasa ng Senado ang panukalang pondo para sa 2026 noong isang linggo.
02:40Bukas, inaasahan na ang third reading at sa December 11 ang pagsisimula ng bicameral conference.
02:46Positibo ang kongreso na maipapasa ang panukalang pondo para sa 2026 bago matapos ang taon.
02:53Luisa Erispe para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments