00:30Ang mga lunsod, bayan at mga lalawigan na nagpamalas ng tagumpay sa pagkumpleto sa mga kinakailangan serbisyo at proyekto sa kanilang mga lugar.
00:40Ang Subaybayani Awards 2025 ay pagbibigay pugay din sa participatory governance at citizen engagement o kolaborasyon sa pagitan ng LGU at mga mayan sa paggawa ng mga proyekto.
00:52Kabilang sa mga Subaybayani Awardee ay ang mga LGU na Mountain Province, Aklan, Zamboanga, Sibugay, Pasig, Science City, Victoria City, Victoria, Oriental Mindoro, Sumilaw Bukidnon at Magpetko Tabato.
01:07Naisa katuparan nila ang paggawa ng ilang provincial road o kalsada na mahalaga para mapabilis ang transportasyon, pagpapabuti ng ilang medical facility para makapaghatid na maaasahan serbisyong pangkalusugan,
01:19multi-purpose building at evacuation center na kanlungan sa oras ng emergency o sa kuna.
01:25Tampok din sa Subaybayani Awards ang regional office ng DILG sa National Capital Region, Eastern Visayas at Soxargen dahil sa kanilang epektibong pagbabantay sa mga local infra projects.
01:37Sabi pa ni Pangulo Marcus Jr., salamin ito sa layunin ng administrasyon ng makapaghatid ng dekalidad na sagbisyo para sa mga Pilipino.
01:46Kinikilala natin ngayon ang mga lokal na pamahalan at ilang DILG regional offices na piniling mamahala at gampanan ang kanilang tungkulin ng mahusay, tapat at may malasakit sa kanilang nasasakupan.
02:01High quality remains our standard. A government worthy of its people does not settle for mediocrity, does not cut corners, does not waver.
02:12We strive for excellence because that is what our citizens deserve and that is what our country deserves.
02:18Hinikayat ni Pangulo Marcus Jr. ang patuloy na pagsulong sa transparency sa mga ginawang proyekto ng pamahalaan. Tulayan niya ito para maiwasan ng korupsyon at maging matatag ang tiwala ng publiko sa gobyerno.
02:31Tandaan natin na ang mamamayang Pilipino ay nagmamasid at may karapatang pumuna at tayong mga nasa gobyerno ang tagapanday at tagahatid ng tunay at maaasahan na servisyo.
02:44So let us prove that when the public has access to government processes, they become more empowered as our partners in promoting accountability.
02:52Sa kanyang talumpati, ibinida rin ng Presidente ang DPWH Transparency Portal.
02:59Naglalaman ito ng impormasyon sa lahat ng proyekto ng Department of Public Works and Highways mula sa halaga ng infrastruktura, bidding, status ng konstruksyon, hanggang sa satellite image o larawan ng mismong proyekto makikita sa portal.
03:13Inaasahan natin na kapag bukas tayo sa publiko, mas titibay ang kanilang tiwala sa gobyerno, mas lalawag pa ang kanilang pakikipagbahagi sa ating pagbabago.
03:25Joshua Garcia para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
03:30Samantala habang palapit na ang Pasko, naghatid ng saya at pag-asa ang Pambansang Polisya sa mga batang may cancer sa Everlasting Hope Childhood Cancer Mission sa Guadalupe, Cebu City.
03:40Sabay sa paggaliwang ng kanilang ikadalawampung taong anibersaryo, mas pinili ng PNPA kay Sambisig Class of 2009 na maglingkod sa mga nangangailangan.
03:51Naghandog ang grupo ng mga regalo sa mga bata.
03:54Naglaan din sila ng oras para makipaglaro at magbigay ng saya at lakas ang loob sa mga bata habang patuloy ang laban sa buhay.
04:00Ayon kay Acting PNP Chief Police Lieutenant General Jose Melencio Nartates Jr.,
04:05nagsisilbi ang ganitong mga gawain na paalala sa kanilang tunay na serbisyo ang magbigay ng pag-asa at malasakit sa taong bayan.
04:13Ipinamalas ng Class of 2009 na ang tunay na serbisyo ay hindi nasusukat sa ranggo, kundi sa kabutihang na ibabahagi sa bawat komunidad.
04:22Sa ating lagay ng panahon, nakalabas na ng bansa ang Bagyong Verbena.
04:28Ang sentro ng bagyo ay huling namataan ng pag-asa sa 240 kilometers north ng Pag-asa Island sa labas ng par.
04:36Dahil sa trough ng bagyo, magiging maulan ang Kalayaan Islands at nalalabing bahagi ng Palawan.
04:41Shear line naman ang sanhi ng mga pag-ulan sa Apayaw, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Cagayan at Isabela.
04:48Ang mihan ng sanhi ng malakanakang pag-ulan sa Ilocos Region na lalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley.
04:55History list naman ang sanhi ng kalat-kalat na pag-ulan sa Aurora at Quezon.
05:02At yan ang mga balita sa oras na ito para sa ipapang-update si Falo at ilay kami sa aming social media platforms sa at PTVPH.
05:09Ako po si Joshua Garcia para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Be the first to comment